VON
Umuwi muna ako kasi galing akong hospital. Kakalabas pa lang kasi ni Zues. Papasok na sana ako sa loob ng biglang may tumutok ng baril sa likod ko.
Tsk! So ako naman ang target ngayon? Hindi na si Zues? Napasa na ata sakin ang dalang kamalasan ni Zues. Tch!
"Pumasok ka." Malamig nitong utos pero di ako gumalaw.
"Papasok ka o ibabaon ko tong bala ng baril ko sa bungo mo?" Paninindak nito pero di parin ako gumalaw.
Nainis ata ito kaya tinulak nalang ako nito papasok. Tss!
Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko kaagad ang mga nakagapos na katulong at guards. Pati ang kapatid ko ay nakagapos. "Kuya! Huhuhu! Sinaktan nila ako!" Umiiyak na sumbong sa akin ng kapatid ko na nagpakuyom ng kamao ko.
Anong karapatan nilang saktan ang kapatid ko?
"Sino ang nanakit sa kapatid ko?" Walang emosyo kong tanong. Naramdaman ko namang nanginig ang kamay ng taong nasa likod ko. Halata kasi ito dahil gumagalaw ang baril na nakatutok pa rin sa likod ko.
Walang sumagot kaya mas lalo akong nagalit. Magsasalita na sana ako ng biglang may lumabas na lalaki mula sa kusina ng bahay. "Ako, ako ang nanakit sa kanya." Mahinahong sagot ng lalaking kakalabas lang mula sa kusina.
Masama naman akong tumingin rito. "Bakit mo sinaktan ang kapatid ko?"
"Bakit naman hindi?" Natatawang tanong rin nito at nilapitan ang kapatid ko.
Makita ko lang na galawin niya kahit isang hibla ng buhok ng kapatid ko ay mamamatay siya.
Lumapit ito rito at marahas na hinawakan sa braso ang kapatid ko. "A-aray! Nasasaktan ako! Kuya! Tulong!" Sigaw ng kapatid ko habang umiiyak.
Nagtangis ang bagang ko. Ginagalit talaga nila ako. Pwes, pagbibigyan ko sila sa gusto nila. Ilalagay ko sila sa dapat nilang kalagyan.
Mabilis kong inagaw ang baril na nakatutok sa likod ko at binaril ang lalaking nagtutok nito sakin. Mabilis ko ring binaril ang mga kasamahan nito at ang naiwan nalang ngayon ay ang lalaking nanakit sa kapatid ko.
Tinutukan niya ng swiss knife sa leeg ang kapatid ko kaya lalo akong nagalit. Itinutok ko rin ang baril rito. "Segi lang. Iputok mo yan." Nakangisi nitong saad.
"Huhuhu! K-kuya! Tulungan mo ako! Nasasaktan na ako!" Nagmamakaawang sigaw ng kapatid ko.
"Ibaba mo ang baril mo kung gusto mo pang mabuhay ang kapatid mo." Utos nito sa akin pero di ko ito sinunud. "Oh, segi mabilis naman akong kausap." Sambit nito saka idiniin pa ang kutsilyo sa leeg ng kapatid ko. May umagos na dugo mula sa leeg ni Ingrid kaya dali-dali kong ibinaba ang baril ko. Ayaw kong mapahamak ang kapatid ko. Kahit gusto ko nang baunan ng bala sa ulo ang lalaking ito ay dapat ko pa ring pigilan ang sarili ko. Para sa kapakanan ng kapatid ko.
"Ganyan nga. Sipain mo ang baril mo papunta sakin." Nakangisi nitong utos kaya sinunod ko ito. Nang mapunta ang baril sa kanya ay gumisi ulit ito.
Segi lang ngumisi ka lang hanggat gusto mo. Total ito na ang huli mong pagkakataon upang ngumisi.
Nawala ang ngisi nito ng biglang kagatin ni Ingrid ang kamay niya kaya nabitawan nito ang kutsilyo. Tinadyakan siya ng kapatid ko sa paa kaya mas lalo itong nasaktan. Mabilis namang tumakbo si Ingrid papunta sakin.
Mabilis namang kinuha ng lalaki ang baril na nasa sahig. Babarilin niya na sana ang kapatid kong tumatakbo papunta sa akin ng maunahan ko ito. Binaril ko ito sa ulo. Natumba ito at dumanak ang dugo nito sa sahig.
Thanks to my gun at my back.
Napayakap ang kapatid ko sa akin habang humahangulhol. "K-kuya, n-natakot ako dun." Humihikbing sambit nito kaya hinaplos ko ang likod at buhok nito.
"Shhh, tapos na. Wala nang mananakit sayo mula ngayon, okay? Nandito na si Kuya. Hindi kita papabayaan. Huwag ka nang umiyak." Pagpapatahan ko rito.
YÑIGO
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay boss ng mapansin kong nagmamadali itong umalis.
"Pupunta ako sa bahay ni Von." Sagot nito habang sinusuot ang relo. Kumunot naman ang noo ko. Bakit naman siya pupunta sa bahay ng Von na yun? Tch!
"Anong gagawin mo dun?" Kunot-noong tanong ko.
"Dadalaw." Simple nitong sagot habang inaayos ang damit.
Lalo namang kumunot ang noo ko. What? Dadalawin niya si Von? Wow ha! Sanaol! "Bakit mo naman siya dadalawin? May sakit ba siya?"
"Wala, pupunta lang ako dun saglit. Babalik rin kaagad ako." Mahinahong sabi nito at kinuha ang bag.
Napairap naman ako. "Tss! Gusto mo lang makita yung Von mo eh!"
"What?! Hindi ha!"
"Eh bakit kapa pupunta doon? Nandito naman ako ha! Mas hamak naman na mas gwapo ako sa Von na yun!" Nakanguso ko nang pagmamaktol. Nakakainis kasi eh! Ilang araw na kaming hindi nakakapag-usap ng maayos. Kasi busy kami pareho. Tapos ngayon vacant namin, aalis pa siya. Tss! Bakit ba ako nagkakaganito? Kainis naman!
"Are you jealous?" Nakangisi nitong tanong.
"What?! Hindi ha!" Depensa ko.
"Nagseselos kalang eh! HAHAHA!", Natatawang sabi nito at saka nilapitan ako.
"Hindi nga eh!" Naiinis kong sagot rito.
Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Don't worry, babalik ako kaagad." She assured me while smiling. Hinalikan niya ulit ako sa labi bago umalis.
Di ako nakagalaw kaagad dahil sa gulat. Nang makabawi ay sumigaw ako. "Woi ikaw boss ha! Palagi ka nalang nanghahalik! Ang adik mo na!" Pahabol kong sigaw ngunit walang sumagot. Siguro hindi niya na yun narinig. Mabuti naman kung ganun HAHAHA!
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomanceA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.