"WHAT is it?" Bungad na tanong sakin ni Eugene nang makita ako pagbaba nya ng sasakyan.
"Dito tayo sa loob!" Sumunod naman ang dalawa sakin. Dumiretso kami sa library. Nang makapasok na kaming tatlo ay inabot ko kay tristan ang cellphone ni eve at ipinabasa ko sa kanya ang messages na natatanggap. Napakunot naman ang noo ni Eugene.
"Ipapatrack ko kaagad to sa tao ko... Ilan ang security na gusto mo ipadala ko?" Alam na agad ni tristan ang gagawin. Isa kasi sa business nya ang security services. Sa kanya ako kumuha ng mag babantay kayla daddy.
"Lima dito sa bahay at dalawang magbabantay kay Eve kapag aalis sya ng bahay!"
"Bukas na bukas din magpapadala ako ng tao ko dito para magkapag install ng security cameras sa loob at labas ng bahay!" Dagdag pa ni Eugene. Security equipments naman ang business ni Eugene. "Any idea who's this?"
"Wala pa... Si Monique?" Tanong ko kay tristan.
"Ang huling balita ko nasa California!" Seryosong sagot ni tristan sakin.
"Gusto mo paimbestigahan?" Tanong sakin ni Eugene. Pagkatango ko ay tinawagan na agad ni tristan ang tao nya sa California.
Matagal na nagusap sila tristan at kaisap sa cellphone. Naiinip na nga ako sa balita. Nang mapansin kong nagbaba na ng cellphone si tristan.
"Nasa California pa rin si Monique at nakapangasawa ng millionaire dun." Seryosong sagot skin nito. Napatango naman ako. "Bro!, Wag tayo pakasiguro millionaryo ang napangasawa nya kaya hindi natin alam kung ano ang kaya nya ngayun. Lalo na at ang sabi sakin e, matanda na ang napangasawa nya at patay na patay daw kay Monique!, At ang sabi ay may sakit din daw ang asawa nun ngayun!"
"Anong ibig mong sabihin?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Ang hinala kasi ng tao ko, nagpakasal sya sa lalaking yun para makaahon sa pagiging pulubi at simula nung ikasal sila ay naging sakitin na matanda!"
"So it means, nilalason nya ang asawa nya?" Gulat na tanong ni Eugene.
"Hindi pa naman sigurado pero dahil matanda na rin siguro yung matanda kaya nagkakasakit na." Dagdag na lang tristan.
"Kelan dadating ang mga security mo dito sa bahay?..." Tanong ko kay tristan..
"Expect them tomorrow morning!" Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tristan sakin.
Ala una na ng umakyat ako sa kwarto namin ni Eve. Nakauwi na rin sila Eugene. Nagulat pa ako ng makita ko na nakatulog na pala ang baby ko sa sofa at bukas pa rin ang TV. Pinatay ko ang TV at binuhat ang baby ko para ilipat sa kama namin. Dinahan dahan ko pa at maingat na ginawa yun para hindi sya magising pero pagbaba ko sa kanya sa kama ay biglang nagmulat ito ng mata nya.
"Baby!... Ano nangyari?" Pangangamusta nya sakin.
"Don't worry about it!" Nilambingan ko ang boses ko sa kanya para hindi na sya mag alala pa. "Dinala muna ni Tristan yung phone mo para matrack yung taong nagmessage sayo." Tumango naman ito at pumikit ulit. Tumabi naman ako sa kanya sa pagkakahiga nya. Niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa totoo lang natakot ako dahil sa messages na natatanggap nya. Natatakot ako para sa baby ko. "Baby!... Bukas dadating ang mga taong magbabantay sayo. Si tristan ang magpapadala. Tapos may magkakabit ng CCTV dito sa bahay. Si Eugene ang magpapadala, kaya please baby wag ka aalis ng bahay na walang kasamang bodyguard, okay?"
Naramdaman ko namang tumango ang baby ko kaya naman medyo napanatag ako.
KINABUKASAN nagdadalawang isip ako kung papasok sa opisina o baka hindi na. Ayoko kasing iwan ang baby ko. Maaga akong nagising at nakabihis na ako ng pang opisina ko. Hindi ko sya ginising dahil alam kong puyat ito dahil sa kakahintay sakin.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...