Chapter 3

3 0 0
                                    

Mabilis nagdaan ang tatlong linggo ng pebrero. Nakapag take na rin kami ng monthly exam at medyo excited na kaming lahat dahil malapit nang matapos ang school year.

Nakakapagod ang nagdaang exam at tinambak kami ng mga activities at projects. Kaliwa't kanan ang reporting at mas nakakainis pa yung role play naming project na tuwing uwian ay naglalaan kami ng tatlong oras para lang doon.

Idadag mo pa yung stress dahil final exams na namin sa susunod na buwan na sa ikatlong linggo ng marso gaganapin. Grade eight palang kami pero ramdam ko na ang pagod at stress at hindi nakatulong sa akin nang sabihin sa akin ni ate na mas double pa pagkatungtong ng grade nine.

Nag-aalala na tuloy ako sa college life ko. Kung double sa grade nine, paano naman yung grade 10 pati yung pagiging senior high? At mas lalong paano ako magiging stress pagdating sa kolehiyo?

Ayokong isipin pero kusang binabagabag ng alalahanin na 'yon ang utak ko. Wala pa man din pero parang gusto ko nang humiga nalang sa gitna ng highway.

"Happy birthday ulit Ce!" Bati ng classmate naming si Calvin at tinapik sa balikat si Ceri at nauna na itong bumaba sa hagdan.

Kasalukuyan kaming pababa dahil uwian na namin. Hindi kami kasyang tatlo sa hagdanan kaya naman nakapila ang aming pwesto. Nauunan si Max na pinag gigitnaan namin si Ceri.

"Happy birthday ulit Ceri! Saan tayo?" Bati muli ng isa naming classmate na lalaki mula sa aming gilid.

"Salamat. Sa Sabado ang handaan. Marami pa kasi tayong assignments kaya h'wag muna ngayon," nakangiting tugon ng babae at tinanguan ito ng classmate namin bago nauna.

"Birthday na birthday ay stress," reklamo ni Max sa unahan at bakas sa tono niya ang pagtatampo.

"Ayokong pumalya, gusto kong may honors pa rin ako." Natatawang giit ni Ceri.

Matatalino ang kaibigan ko, lahat sila may honors simula grade school palang kami. Samantalang ako ay ngayong Junior High lang nagseryoso. Hindi naman totally na bagsak ang grades ko nung elementary, masasabing nasa gitna ako dahil ayokong makipag kumpetensya. Ang bata ko pa no'n at wala akong balak ipagpalit ang childhood ko.

Pagkababa namin sa labas ng gate ay dumiretso kami sa hile-hilerang streetfood stalls na nasa harap ng scuool namin parati.

"Libre mo kami, Ce?" Tanong ni Max at nagsimula ng tumuhog ng fishball.

"Hindi," sagot ni Ceri at tumawa. Kumuha na rin ako ng stick ko nang bahagyang lumayo si Max sa pinaglalagyan no'n. Hindi kasi kami kasya at ayoko ring sumingit.

"Anak ng...birthday mo tapos hindi ka manlilibre?" Reklamo na naman ni Max.

"Ikaw ang dapat manlibre. Tsaka makikikain ka rin naman sa Sabado." Singhal ni Ceri.

Natawa nalang ako at lumingon sa likod at inilibot ang aking paningin. Marami pa ring estudyante sa harap ng school. Ang iba ay nasa kabilang stalls, iba ay nasa tindahan, at yung iba ay nakatambay lang. Isang lalaki ang nahagip ng aking paningin na nasa tabi ng poste. Napailing ako at hindi maiwasang mapangiti.

Nang tapos na sila Ceri at Max sa pagtuhog ay ako naman ang pumunta sa pwesto nila kanina. Tumuhog ako ng sampong fishball at limang hiniwang hotdog, pagkatapos no'n ay isinawsaw ko ito sa maanghang na suka at sunod ay sa matamis. Kung dati ay sa matamis lang ang sawsawan ko dahil ayoko sa panlasa ang ka-anghangan ng sukang sawsawan. Ngunit nagbago iyon nung ituro saakin ni Aerin ang teknik na 'yon o kung teknik man ang tawag don, pero nagustuhan ko dahil ang sarap.

Nang matapos ako ay sabay sabay na kami ulit naglakad, hindi na masyadong marami ang estudyante sa paligid, kakaunti nalang ito, nakatambay lang ang iba at may kaniya-kaniyang mundo.

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now