Chapter 5

2 0 0
                                    

Tila nagbago ang panahon. Ang dati kong inaayawan na Monday Morning Assembly, ay inaabangan ko na ngayon.

Kagat labi akong nakamasid habang hinihintay ang section nila Enzo na bumaba. Nauna kasi ang section namin at nakapila na ng maayos, alam kong sa harap namin dadaanan ang mga grade eight at ibang section dahil wala ng space sa aming likod marahil ukupado na ito ng mga college students.

Katabi kasi ng stage ang malaking hadganan kung saan doon talaga ang daan paakyat at pababa. Inaayos pa ang ibang stairway since dumadami na ang estudyante sa paaralan.

Hindi naman ako nabigo, namukhaan ko na ang ilan niyang classmates na natandaan ko na ang mukha dahil sa pagsilip naming ginagawa nila Aerin at Max sa classroom nila Enzo noon.

Kagat pa rin ang aking labi para maiwasan ang sobrang pagngiti dahil nakita ko na ang imahe ni Enzo na tahimik na naglalakad. Imbes na mabingi ako sa ingay ng mga estudyante sa field ay nasapawan nito ang ingay na ginagawang pagkabog ng aking dibdib.

Halos itong pagkabog nalang ang aking naririnig nang magtama ang mga mata namin ng lalaking kanina ko pa inaabangan. He flashed a smile at ngayon ko lang napansin ang nag gagandahan niyang dimples.

Binigyan niya ako ng makahulugang tingin nang sandaling nasa harap ko na ito, sinundan ko ito nang tingin hanggang sa makapila na ang kanilang section. Hindi na ako lumingon pa dahil mapaghahalataan ako ng akingmga kaibigan na nasa likod lang din.

Maliit din si Ceri samantalang si Max ay katamtaman lang. Hindi naman talaga ako ang pinakamaliit sa aming klase, sadyang gusto ko lang din dito sa harapan dahil mainit sa likod at siksikan pa.

Makalipas ang isang buwan at magkausap pa rin kami ni Enzo, hindi pa alam ng mga kaibigan ko ang tungkol doon. Natatakot ako at kinakabahan, baka kasi layuan nalang nila agad ako dahil nga dating crush iyon ni Ceri at pinatulan ko.

Hindi kami nagkikita ni Enzo o nagdedate manlang, umamin na rin ako na may nararamdaman na ako sakaniya pero tulad lang din ng dati ay sa telepono lang kami nag-uusap.

Tuwing makakasalubong naman sa school ay nag ngingitian, sa hallway ay maghahawak kami saglit ng kamay pagnakasalubong ang isa't isa, patago naman minsan kung maraming dumadaan.

Masaya, sobrang saya ko nung dumating siya sa buhay ko. Parang sa tingin ko tuloy ay pinatid siya ng tadhana sa harap ko at ako ang tumulong na tumayo sa kaniya. Pero lahat ng saya ko ay napapalitan ng guilt sa tuwing naaalala ko ang mga binitiwan kong salita noon.

Ang sabi ko ay nakababatang kapatid lang ang tingin ko sakaniya, hindi ako mahuhulog, hindi ko magugustuhan ang nagustuhan na ng aking kaibigan at hindi ako maghahangad ng taong mas bata pa kaysa sa akin.

Lahat ng iyon nagbago, lahat ng pananaw ko ay napalitan sa isang iglap, mga babala at pagpipigil.

Lorenzo Wayne Alquiza is my only exception.

"Wala kang service?"

I bit the inside of my cheeks to refrain myself from smiling. Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng aking bag nang biglang bumilis anng kabog ng aking dibdib, boses pa lang niya ay ang laki na ng epekto sa aking katawan.

"Wala."

Hinarap ko ito, hindi na ako nagtaka sa kung paanong mabilis na umangat at baba ang kaniyang mga balikat dahil sa hingal. Nilingon ko ang daan papuntang school, hindi pa ako nakakalayo mula sa highway.

"Wala kang payong?"

"Wala, hindi ako nagpapayong," nagkibit-balikat ako.

Ngumisi siya, "buti nalang at nandito ako."

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now