Sinunod ko ang bilin ni mama. Hindi ako gumastos para sa ireregalo ko kay Enzo, sa pagkat ginawa ko ito.
Napahalakhak ako sa aking diskarte. Nasunod ko talaga ang bilin ni mama, hindi ako maglalabas ng pera ngunit ito ang napili ko dahil sigurado na ako sakaniya.
Enzo makes me feel special, iba sa pakiramdam kapag kasama ko siya. Yung tibok ng dibdib ko at pagkabuhol ng aking dila, lagi akong speechless tuwing magkasama kami, para akong hihimatayin sa kaba, tuwa at saya.
Gagawan ko siya ng limampung tula. Or it should be isaang daang tula pero naisip ko na kalahati muna sa birthday niya, at ang kalahati ay para sa completion niya. Ang sweet ko 'di ba?
Nagdadalawang isip nga ako kung sa susunod kong taon ibigay ang kalahati, same day kung kailan kami nagkaaminan, kaya lang masyadong maaga. Kaya sa completion nalang niya, dalawang taon nalang din naman, mabilis lang ang panahon.
Tulad ngayon, dalawang linggo mula ngayon ay kaarawan na ni Enzo. Hindi na ako nag-aksaya ng oras dahil pagkatapos kong umuwi at makapagpalit ay sinimulan ko na ito.
Mabuti nalang at puro lesson muna marahil ay kakatapos lang ng exam. Wala ring event sa school sa buwan ng nobyembre kaya quiz at activity lang ang pagkakaabalahan namin sa ngayon, tapos preliminary exam sa third week.
Mauuna ang exam sa birthday ni Enzo, madali lang naman ang preliminary kaya papakampante muna ako at uunahin ang regalo ko.
Kumuha ako ng mug, malapad at na tupperware, at dalawang nescafe stick sa kitchen shelf nami kung saan nakalagay ang iba pang kape, palaman, asukal, asin, at kung ano-ano pa.
Mabuti nalang at kumpleto talaga kami sa school supplies. Hindi ako mamomoblema sa bondpapers, glue sticks, at illustration board. Marami rin kaming colored papers pero hindi ko naman iyon kailangan na.
Inilagay ko na ang dalawang stick ng kspe sa mug, naglagay ng kaoting mainit na tubig. Hinalo ko muna iyon ng mabuti para matunaw agad bago lagyan ng katamtamamg lamig ng tubig mula sa gallon.
Napalingon ako kay mama nang pumasok siya sa kusina habang naghahalo pa ako ng kape sa tasa. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa nakapaligid sa akin. Nagkalat kasi sa mesa ang mga gamit na kakailanganin ko.
"Magkakape ka lang, ganyan talaga kakalat?" Naninimbang ang kaniyang mga matang tumingin sa akin.
"Hindi ako nagkakape ma, para sa project 'to." Pagsisinungaling ko.
Tumango naman ito, sang-ayon sa aking sinabi. Sinundan ko siya ng tingin nang may kunin siya sa ref at tahimik na lumabas muli. Isang medium plastic tupperware ang kaniyang inilabas na may shanghai, may bumili siguro.
Alam kong hindi na magtatanong si mama kapag 'yon ang sinabi ko. Madalas ko rin kasi itong ginagawa lalo na't kapag may paper project, iyong kailangan na creative ang design mo tapos malaki ang grades pagmaganda ang gawa. Pabibo ako kaya coffee paper lagi ang ginagamit ko kapag ganoon, natutuwa naman ang mga teacher kasi ang bango ng amoy. For sure ay matutuwa rin si Enzo.
Matapos ang paghahalo ko ay dahan-dahan ko na itong ibinuhos sa tupperware. Naglabas muna ako ng limang long bondpapers at inilagay ito sa gilid para sigurado na hindi mabasa. Maingat kong nilublob ang bondpaper sa tupperware, binaliktad ko pa ito ng tatlong beses para masiguradong basa ang lahat.
Hapon na kaya hindi na masyadong maiinit sa labas, ibinibilad ko kasi ito at minsan ay mina-microwave nalang. Ngayon, microwave ang gagamitin ko kasi nga wala ng init at mas maganda ang microwave dahil lalabas ang papel na mukhang vintage talaga. May sunod sa ibang parte na akala mo pinaglumaan ng todo, iyon ang gusto ko.
Kumuha ako ng malaking plato, kasya naman ang dalawang papel doon kaya tig da-dalawang papel ang ilalagay ko. Mabuti at malaki ang microwave namin na ibinigay lang ng tito ko, may pagkaluma na rin ito pero gumagana pa naman ng maayos kaya walang problema.
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomanceSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...