Noong linggo ay kaming tatlo lang ang nagsimba, wala si papa dahil nagbyahe. Minsan din naman itong nagsisimba, mga first week of sunday ng bawat buwan.
Hindi tulad ng dati na nakapila ako sa harapan tuwing Monday assembly, ay lumipat ako sa likod para matanaw si Enzo. Hindi na rin nagtanong sila Ceri at Max at hinayaan nalang ako, nagulat pa nga ang mga classmates kong babae na nakapila sa likod nung nagtungo ako roon.
"Ba't sumisiksik ka rito, Fayre?" Tanong ni Deam nang pumila ako sa harap niya.
Pinili ko talaga na sa harap niya pumila at hindi nagkataon lang. Kahit hindi ko siya close ay alam kong pareho ang vibe namin dahil siya lagi ang nagsisimula ng katatawanan sa loob ng aming classroom.
"May tinitingnan lang," bulong ko. Ayokong may makarinig pa sa amin na classmate ko ring babae.
Ngumisi ito at tumango, "ah...boyfriend mo?
Umiling ako agad at ngumiti, "crush."
"Oh e, good luck nalang sayo at sana matanaw mo." Tinapik pa ako sa balikat kaya nginiwian ko lang ito.
Kita ko pa rin naman siya kahit maliit ako e. Mabuti nalang at hindi dikit-dikit ang mga lalake sa kabilang section kundi malabo ko talaga itong matanaw. May kaonting space kaya malaya akong makita ang gwapo niyang side-profile mula rito.
Mas lalo tuloy akong napangiti nang ayusin niya ang kaniyang salamin. I love it when he does that, simple lang ang ginawa niyang 'yon pero laging nalaki ang epekto sa aking sistema.
Nagkakandahumahog akong bumaba sa pagkakaupo sa likod ni kuya John mula sa kaniyang tricycle, nakalimutan ko pang mag pasalamat. Nang makita si mama sa terrace ay nagmano ako at 'tsaka nagtungo sa study table ko.
Kung hindi dinala ni mama ang meryenda ko sa loob ay baka nakalimutan kong kumain nito. Nagtanong pa siya kung bakit parang nagmamadali ako, napansin pa niya 'yon? Ang sabi ko nalang ay may mahirap akong quiz bukas sa isang subject kaya kailangan kong magreview.
Gusto kong ibalibag ang sarili ko dahil dumadalas na ang pagsisinungaling ko kay mama. Ang sabi ko ay last na noon pero mali ako. Sorry ma, I had no choice to tell white lies to you, in love lang kasi ako.
In love..
Yeah...with the guy I never thought I would like the most. Kung dati ay halos pagtatanggi ang sinasabi ko na mahuhulog ang loob ko sa mas bata pa sa akin, tapos ngayon sa bata ako bumagsak?
I like older boys, feeling ko kasi mas magaling silang humawak ng relasyon at base na rin sa mga nabasa ko ay matured talaga sila kaya hindi ko maiwasang magpantasya. Pero ngayon...siguro kung magkaharap lang ang dating ako at ngayon ay malamang may sampal na ako mula sa kaniya.
Inaamin ko...masarap pala sa feelings na ikaw ang mas nakakatanda sa isang relasyon. 'Yung feeling na ang matured ko tingnan tapos tuturuan ko siya sa mga bagay na hindi niya pa alam kasi nga ako ang nauna sa mundo kesa sakaniya.
Enzo and I ages was exactly one year apart. Kaya minsan gusto kong tawagin niya akong ate dahil hindi ako nagkaroon ng mas batang kapatid. Iyon ang tingin ko sa kaniya dati kaya sabi ko ay hindi talaga ako mahuhulog, pero sobra pala ang sarap sa pakiramdam ang ganoon.
Even my taste in men changed because of him. Hindi lang siya isang malaking plot twist sa takbo ng buhay ko, pati ang takbo ng ugali, isip at puso ay iniba niya. He became my favorite book, character and chapter in my life, kahit hindi pa tapos ang story namin ay parang gusto ko nang malaman ang kinahihinatnan ng aming istorya.
We will live happily ever after. Magiging writer ako tapos siya ay doctor, tapos isusulat ko ang aming istorya at ipupublish iyon para malaman ng lahat ng tao ang naging pag-iibigan namin, they will be inspired just like I want them to feel
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomanceSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...