"Okay then..." inilahad ko ang kamay ko sa kaniya, napatingin siya doon. "Friends?"
Umahon ang tingin niya sa akin, bakas ang gulat sa kaniyang mukha.
"What? Napagtanto mo na bang mali ang desisyon mo-" Nahinto ako dahil inilapit niya lang saglit ang palad niya sa kamay kong nakalahad pa rin ngayon. She didn't not even shake hands with me, parang makipag-apir lang.
"Tss," napangisi ako. "Isa rin ba sa potential ko na kaya ka nakipagkaibigan sa akin dahil kaya kong sabayan at intindihin ugali mo?" Hindi maalis ang ngisi ko sa labi.
"Maybe?" Tumingala pa ito na akala mo ay malalim talaga ang iniisip.
Nginiwian ko lang siya at umayos na ng upo. Nagdatingan na rin ang iba naming classmates hanggang sa mapuno na nga ang classroom.
As usual, puro lesson lang din naman kami. Mahaba ang pagtakbo ng oras, nakakabagot at nakakaantok talaga. Parang ang sarap nalang nagdala ng unan at kumot dito sa classroom at matulog habang nag di-discuss ang mga teachers.
Nang mag break time ay tahimik lang kaming kumain ng mga baon namin nila Ceri at Max, nakaikot din ang mga upuan namin. Matapos no'n ay tatlong oras muli ang lessons sa tatlong subject.
"Okay, class dismiss," ani Ms. Fortez at lumabas na ng classroom.
Nag-inat muna ako ng aking mga braso at humikab. Grabe, nakaupo lang naman ako pero ramdam na ramdam ko ang pagod kahit wala naman akong ginawa kundi nakinig lang. Ang haba rin naman kasi nang naging discussion ni Ma'am na parang hindi nauubusan ng lessons.
Naramdaman ko ang pagkalabit sa likod ko kaya agad ko itong nilingon.
"Samahan mo 'ko," aniya na katulad ko rin ay mukhang pagod dahil sa discussion.
Binalingan ko naman ng tingin ang dalawa kong kaibigan na idinidikit na ang desks nila sa desk ko. Nakalabas na rin ang kani-kanilang lunch box at tumbler para ubusin ang itinira naming baon para sa oras na 'to.
"Samahan ko lang si Deam saglit," paalam ko.Nakangiti silang tumango kaya tumayo na ako at nilapitan si Deam na nasa gilid na ng pinto namin. Alam kong lagi itong bumababa tuwing lunch break para kumain at tumambay saglit sa canteen.
Walang imik siyang lumabas nang makalapit ako sakaniya kaya sumunod nalanh din naman ako.
"May bibilhin ka?" Tanong niya habang tinatahak ang hagdan pababa.
Nakarating kami sa ikalawang palapag ng highschool building. Lumingga-lingga pa ako sa paligid, hinihiling na sana magkita kami rito ni Enzo o masilayan ko man lang siya saglit. Nasa dulo ng pasilyo ang classroom nila kaya hindi pwedeng sumilip man lang, kung sana ay itong room ng irregulars ang inokupa nila edi sana malaya ko siyang matatanaw dahil katapat lang ng classroom ang hagdan patunggo sa third floor.
"Wala," sagot ko. Hindi ko rin naman dala ang wallet ko kaya 'wag nalang.
Nakarating na kami sa canteen. Marami ang tao roon kasi sabay ang uwian ng mga senior highschool at irregulars sa lunch time ng mga highschools na regular. Kaya medyo natagalan si Deam, bumili lang siya ng hotdog with rice, three fried siomai, at bottled water.
"Sa taas ka ba kakain?" Tanong ko pagkalapit niya sa akin matapos makabili ng bottled water.
Hindi ito sumagot, inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong canteen kaya ganoon din ang ginawa ko. Okyupado ang lahat ng mesa ng mga estudyante, sanay naman na rin ako sa rami ng estudyante dito sa canteen tuwing sasapit ang alas dose, kaya hindi na ako nagtaka.
"Sa taas nalang," aniya at binalik ang tingin sa akin. Tumango naman ako at nauna nang maglakad. Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan patungo sa second floor nang may maalala ako.
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomanceSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...