Chapter 10

9 0 0
                                    

Humagalpak ako ng tawa ng medyo makalayo na kami sa bahay nila Enzo.

"Shuta ka! Bakit gano'n ang isinagot mo sa kaibigan niya!" Napahawak pa ako sa aking tiyan dahil nakaramdam ako ng pananakit.

Bilis naman ng karma. Pinakawala ko lang naman ang tawa kong kanina pa nagpipigil tapos ito isusukli?

"Tss, ang harot kasi." Ibinulsa niya ang dalawang kamay niya.

Kapag naalala ko yung itsura ng mga kaibigan ni Enzo kanina parang gusto ko talagang matawa buong maghapon. Alam mo yun, parang may dumaan na uwak sa sobrang awkward dahil sa sinabi ni Deam. Yung mukha ni Chase hindi maipinta, ang katabi niyang si Ryle ay parang dudugo na ang labi dahil sa pagkagat, tapos si Matt na pinaglalaruan ang hawak niyang tinidor habang nakangisi sa pagkain. Tapos yung mga babae naman ay hindi ko rin malaman kung galit ba o naiinis, samantalang si Enzo ay ramdam ko na nakatingin lang sa akin, hindi ko siya nilingon no'n kasi baka makawala ang pinipigilan kong tawa.

Napahalakhak ako ulit 'tsaka lang kumalma nang inis niya akong nilingon.

"Pero seryoso ka?" Hinihingal kong tanong habang nagpupunas ng kaonting luha.

"Saan?"

"Na ayaw mo sa mga bata? Sayang ang gwapo pa naman ng batang 'yon."

Guwapo rin naman sila Ryle and Terence, sila yung tipo ng lalaki na parang pa-chill chill lang. Tapos si Chase ay parang badboy na ewan, malakas yung dating niya at ang guwapo talaga. Mukha siyang snob pero hindi naman pala. Kung hindi ko lang gusto si Enzo ay kay Chase ako nagkagusto.

Bakit ngayon ko lang nakita ang itsurang gano'n? Ang tagal ko na sa school tapos ang dami ring panahon na lagi kaming nasilip sa classroom nila noon. How come? Transferee ba itong si Chase? Matanong nga mamaya kay Enzo.

"Hindi ko type, 'tsaka ang bata." Nagkibit ito ng balikat.

Tumawa ako at hinampas pa siya sa braso, mahina lang naman. "Alam mo ganiyan din sinabi ko, tapos ngayon kinakain ko na."

"E 'di iluwa mo," walang gana niyang sagot.

"Sira! Ang bobo neto ah. Ibig kong sabihin ay‐"

"Oo, gets ko."

"Oh e, ba't hindi mo type?" Nagtaas ako ng isang kilay.

"Kulit mo, sabi ngang ayoko sa mga bata dahil hindi sila matured enough para humawak ng relasyon. I prefer older guys, mga senior highschool."

"May crush ka sa senior?" Lumapit ako sakaniya.

"Wala, dati meron."

"Kwento mo!"

"Tss, bukas nalang."

Napairap nalang ako. Tss, tamad!

Hindi ko na hinatid pa si Deam doon sa tabi ng highway at nagpaalam na kami kung saan kami naghihiwalay ng landas ni Enzo kapag hindi niya ako hinahatid pauwi.

Maliwanag pa ang langit dahil alasinko palang, halos isang oras lang ako namalagi sa bahay ni Enzo kahit ang paalam ko ay hanggang alas sais. Pero okay na rin 'yon, nakasama ko naman siya, 'tsaka kailangan niya ring asikasuhin ang mga bisita niya.

He really left his party sa garden para lang samahan ako dahil lang nahihiya ako. Gusto ko sanang makita ang kapatid niya manlang dahil sabi niya ay cute raw ito at mabait.

Pagkauwi sa bahay ay parang nakalutang pa rin ako sa nangyari kanina. Hindi mawala sa labi ko ang mga ngiti kapag pumapasok sa utak ko ang imahe ni Enzo kanina na nakatitig sa akin, parang may camera yung utak ko tapos kinuhanan si Enzo ng maraming litrato. Pati na rin yung boses niya kanina, normal pa ba 'to? Yung pagmumura niya ay ini-record ng aking tainga at parang sirang plaka na tinutugtog ng utak ko.

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now