Mabilis na nagdaan ang three days of examination. Confident at contented na ako sa mga sagot ko at ano mang magiging resulta ng mga 'yon. Alam ko namang papasa ako dahil sapat ang ginawa kong pagrereview and I know I did my best, no regrets.
My parents never pressured me with my studies, basta raw ay wala akong bagsak. Kahit wala ng honors or achievement basta h'wag lang daw ako babagsak. And I thank them for being like that, kaya pa-chill chill lang ako. Kung may mali akong sagot e'di gagalingan ko nalang next time, basta kung anong natutunan ko ay 'yon ang isasagot ko.
Kaya naman pagkatapos ng exam ay kita mo na ang mga maginhawang mukha ng mga estudyante. Mga ready na sa Christmas party para bukas at nagpla-plano na ng kani-kanilang Christmas breaks.
Kasalukuyan akong nagra-wrap ng Christmas gifts para sa kay Deam. Siya ang nabunot ko sa exchange gift na gagawin namin bukas. Mabuti nalang at hindi mabigat sa bulsa ang gustong regalo ni Deam, isang black oversized hoodie lang ang inilagay niya sa wishlist niya.
I know Deam likes oversized clothes, sa kadahilanang ayaw niya ipakita ang curves niya sa mga tao. Deam is hella sexy, parang hourglass ang katawan niya. I've seen her old photos, dati siyang nagsusuot ng fitted t-shirts and body hugging dress, pero nagbago lahat ng iyon dahil hindi na raw siya komportable suotin ang mga 'yon. Not my story to tell, kaya I understand why she's like that now.
Okay na ang lahat. Ang damit na susuotin ko, ang regalo para sa mga kaibigan ko na nauna kong ibinalot, pati mga regalo para sa mga piling teachers na bibigyan ko. I used the money I saved at hindi nanghingi kanila mama para sa panggastos nito, ang tanging hiningi ko lang na pera ay yung pinambili ng regalo ko kay Deam pati yung damit na susuotin ko.
The problem is...wala pa akong regalo para kay Enzo. Ano bang gusto niya? Bakit ang hirap regaluhan ng mga lalaki? Kung meron man silang gustong bagay e hindi naman kasya sa budget ko. Mayaman naman si Enzo at lahat ng bagay ay nasa kaniya na...kung sarili ko nalang kaya iregalo ko sakaniya? E sakaniya naman na ako, ano pa bang hihilingin niya?
Matapos kong magwrap ng mga regalo ay nagchat muna ako kay Enzo na matutulog na ako. Mga eight ng umaga ang start ng Christmas party at alas dose na ng gabi ngayon. I need to wake up early dahil mag-aayos pa ako ng aking sarili.
I woke up around 7:30 a.m. Kumain at naligo na ako, hindi ako nagmadali dahil alam kong maaga pa naman. Matapos maligo ay nagbihis na ako ng outift na susuotin ko. I wore a white cami top, a crop top coffee checkered sleeve jacket, and a black pants.
Hindi ako fan ng dresses and skirts, kahit maputi at makinis pa ang aking balat ay ayoko sa mga ganoong damit. My wardrobe only revolves in five things. Cami tops, blouses, tshirts, pants, sleeve checkered jackets.
Isang white fila low cut shoes ang isunuot ko na hiniram ko lang kay Ate. Ang perks ng merong kapatid na same ng sizes ay pwede kayong maghiraman. Mahilig si ate sa mga shoes at ako naman sa mga flat sandals, meron akong isang three inch sandals na isang beses ko lang nagamit nung debut ng pinsan ko.
Hindi ko rin ito nagamit nung debut ni Ate dahil wala naman siyang engrandeng celebration, it was just a simple birthday. No eighteen candles, roses, and suchs. Kaya gusto ko na ganoon din ang debut ko next two years. 'Tsaka nalang kami magkakaroon ng engrandeng birthday party pag may trabaho na si ate at ako.
I don't want my parents to spend a lot of money because of my debut. Birthday lang 'yan, at hindi lang 18 ang pwedeng magarang celebration. Marami pa akong birthdays na dadaanan sa future at doon ko nalang ilalaan ang engrandeng party kapag successful na ako. Basta pag ako nag debut, ay gusto ko katulad ng kay Ate, simple at sama-sama kami.
Muli kong sinipat ang aking sarili sa full length mirror. Hinayaan ko lang ang aking black and wavy na buhok. Nagmukha akong matangkad at matured dahil sa suot ko, isa na rin ang dahilan kung bakit ayaw ko ng dresses at skirts kasi lalo akong nagiging mukhang bata! Good thing, I have a small curve, hindi man katulad nung kay Deam ay maganda rin ang katawan ko.
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomanceSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...