Chapter 12

4 0 0
                                    

Mga alas-sais na nung makauwi ako sa bahay. Pagkatapos kasi naming kumain ay nag-aya silang manuod ng sine, napapayag naman ako agad dahil binubulong ng kung sino man sa utak ko ang mga salitang... 'sige na, deserve mo naman'.

I have a great time with them. Feeling ko nag-iiba na talaga ang ugali ko which is I'm still overwhelmed about it. Nagkwentuhan kami at tawanan. Enzo's guy friends are really funny, lalo na si Ryle. Sila Ceri at Max naman halatang nag-enjoy din. Meanwhile Deam mukhang hindi dahil nakabusangot ito, but I know her masaya siya pero nababadtrip siya sa isa...kay Chase.

Pagkauwi ko sa bahay ay sinabi ko naman kay mama ang totoo kung bakit ganoong oras ako dumating. Hindi niya ako pinagalitan na inaasahan ko na, nagulat ako na masaya pa nga siya dahil nag-enjoy daw ako. I didn't told her about Enzo, tho. Ang sabi ko lang ay kasama ko ang mga classmates ko kaya naman medyo naguilty ako nung natuwa pa siya. Gusto ko sanang bawiin kaso baka magalit lang siya at hindi pa ako payagan na pumunta mamaya sa paskuhan.

Mag aalas-syete na nung umalis ako sa bahay suot ang cream crop-top puff sleeves square top, high waisted denim jeans, white two inch block heels sandals, at ang white sling bag ko na may handle na mabibili lang sa shopee. Naka-ponytail na ang black silky waist length hair ko. Madaming estudyante mamaya sa field, paniguradong maiinitan ako kahit gabi.

Hindi ako dumiretso sa school. Napag-usapan kasi namin ni Deam na magkita sa gilid ng highway at kumain muna sa Minute Burger, tumambay muna saglit at mamayang alas-otso na pumunta sa school.

"Fashionista ka pala, hindi halata," si Deam habang nakangising sinabi ang kalahating puri, at kalahating lait sa'kin.

"Anak din ako ng mafia boss," sagot ko at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

Nang pakawalan ko ito ay ganoon pa rin ang mukha niya, parang nandidiri. Ayaw kasi ni Deam sa mga yakap at affection, kaya naman ang sarap niya lalong yakapin. Isa sa mga bagay na pinagkaibihan namin. She doesn't like to show at receive affection, while I like giving but it's okay kung walang matanggap pabalik.

Nakanguso kong pinagmasdan ang kabuuan niya. She's back at it again with her baggy pants, stripped oversized t-shirt, a Gucci belt, and dirty white sneakers. Maganda pa rin sakaniya tingnan dahil magaling magdala si Deam ng mga damit na susuotin niya, pwede na talaga siyang maging model.

"Tara," isinukbit niya ang kaniyang braso sa akin. Napangiti naman ako, that's her way to show her affection, and mannerism kapag komportable na siya sa isang tao

Dumiretso kami sa Minute Burger sa likod ng public school. Nagchat na rin ako kela Ceri at Max na nandito na kami at naghihintay. Nasa bahay nila Ceri si Max, doon kasi siya nagpalit. Hindi muna kami nag order para sakanila dahil mabagal nga silang kumilos, baka nga malapit ng mag alas-otso ay saka sila dumating.

"Sabihin mo nga sa kaibigan ng bebe mo tigil-tigilan ang kakatitig sa akin." Agad na namilog ang mga mata ko at binigyan ng makahulugang ngiti si Deam na sumisipsip ng kaniyang smoothie.

"Bakit? Dahil nafa-fall ka na?" Nakangisi kong sabi.

Sarkastiko itong tumawa, "gusto ko siyang ibato sa space."

"Ako lang 'to Deam, pwede mo namang aminin sa'kin na kinikilig ka kay Chase. I don't judge, you know?"

"Hindi ako kinikilig, naiinis na ako sa mga mata niya."

"Dahil nakakalunod?" Inosente kong tanong.

Tumalim ang titig niya sa'kin. "Nakakapikon. Isa ka pa, sana hindi kayo magkatuluyan ni Enzo."

Namilog ang aking mga mata at naihampas ang palad ko sa mesa. "Hoy! Ang sama mo! Kumatok ka sa kahoy!"

Nagkibit lang siya ng balikat at kumagat sa kaniyang burger. Lalo ko siyang pinaningkitan ng mga mata, isang ngiting nakakainsulto lang ang ibinigay niya kasabay ang pagtaas ng mga kamay.

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now