Nakarating na kami sa garden na halos puno na ang mga upuan sa magkabilang lamesa.
"Happy birthday, pre!" Bati ni Ryle.
Kumain at nagkwentuhan lang kami saglit sa garden. Mga alas-sinko nung nag-aya ang isang classmate ni Enzo na magkantahan kamk sa loob, e 'di lumipat kami agad doon. Nagreklamo pa nga ang iba na sana may videoke nalang sa labas dahil maganda raw ang vibes sa garden. And as if that was our cue, nagpaalam na kami ni Deam kay Enzo na uuwi na.
We had a reasons. Bawal ako gabihin masyado at si Deam ay ayaw kumanta. Siyempre dahil advance mag-isip ang isang 'yon ay mas pipiliin niyang umuwi nalang kesa pilitin siya mamaya kumanta. She has a point actually, kaya pumayag na ako na umuwi ng mas maaga pa sa pinaalam ko.
Sabi ko kay mama mga alas-sais trenta ang uwi ko. Alas sinko y media palang nung umalis kami roon. Ayaw naming matawag na 'kj' at pinipilit pa ng iba. Nahihiya ako, 'yun yon. Kaya ko namang kumanta basta pumikit sila or mas better kung takpan din nila ang kanilang tainga.
"That girl named Bea," saad niya.
Napabuntong-hininga ako. "Brea..."
"Yeah, whatever," may inis sa tono niya. "She likes Enzo."
"And?" Nilingon ko ito. Kahit sa side profile niya ay halatang bagot na bagot siya, pati sa paglalakad ay tinatamad ito.
"Make it official already."
Kumunot ang aking noo. "Official what?"
"Sainyo ni Enzo, duh?" Maarte niyang sabi. "Bakuran mo na siya at sagutin na," dagdag pa niya.
"No need to rush. With or without label loyal kami sa isa't isa."
Matabang siyang natawa. "Hanep. Yung mga may asawa nga naaagaw e, 'yan pa kayang infatuation lang."
"Anong–" infatuation?
She scoffed na ikinaputol ng sasabihin ko. "Fine, may trust kayo sa isa't isa. Pero there's no certainty sa mga nakapalibot nito."
Hindi ako nakaimik.
"Pag may label, less ang sakit." Dagdag pa nito bago siya tuluyang mawala sa tabi ko at tinahak ang ibang daan.
Napatigil ako. Nakatagilid bahagya ang aking ulo habang pinagmamasdan ang likod ni Deam na unti-unting nawawala sa paningin ko. Pinoproseso ng utak ki ang lahat ng sinabi niya.
Infatuation? Label? At sasagutin? Based sa mga nararamdaman ko ay walang-wala ang pinagsasabi ni Deam kanina. Hindi ito infatuation lang. Pag infatuation ba ay ganito ang kaba at kilig na nararamdaman mo lagi tuwing magkasama kayo? Yung parang nag sslow-mo ang lahat, parang may designs na nakapalibot sa inyong dalawa, puso at mga bulaklak. Tapos isama mo pa yung tuwa at kabog ng puso mo, at parang lahat ng parte ng katawan mo ay hindi makapag-function ng maayos dahil nasa kaniya lang ang focus ng utak ko. Infatuation lang pa ba 'yon?
Atsaka, label? He promised me na maghihintay siya hanggang mag college kami. At bakit kailangan pa ng label? Masaya naman kami ah, maayos naman kami, at nagmamahalan naman kami. Tss, pag may label less ang sakit? Yung mga nababasa at napapanuod ko nga ay mas worse pa ang sinapit noong nagbreak sila ng boyfriend niya, e. Baka baliktad ang ibig-sabihin ni Deam? Kapag walang label, less ang sakit.
And ano naman kung gusto ni Brea si Enzo? Baka naman maling hinala 'to si Deam. Kailangan ko siyang pangaralan bukas na hindi sa lahat ng oras ay tama siya. O kung totoo man na gusto ni Brea si Enzo...tatanungin ko nalang kung ano ang tingin niya sa babae. I'm sure na friends at classmate lang, kasi nandito ako 'di ba? Ako ang gusto niya at ramdam ko 'yon.
Pagkauwi ko sa bahay ay nagmano muna ako kay mama at sandaling nanunuod ng tv bago pumasok sa kwarto. Nahiga ako sa kama at nagsimulang magtipa sa phone ko.
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomanceSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...