Napabuntong-hininga ako ng magising sa pamilyar na kwarto. Tumingin ako sa bintana, gabi na at malamang ay hindi ako ginising ni mama para magpahinga. Pero buti nalang hindi ako nagising sa loob ng hospital room. Hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog kanina o nawalan ako ng malay?
Bumangon ako mula sa pagkakahiga, napadaing dahil sa naramdamang sakit sa ulo ko gawa ng aking pag-iyak. Pati yung mga mata ko ang hapdi na rin, yung ilong ko paniguradong mapupula na ngayon. Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan para tingnan ang oras nito, nang makuha ay binuksan ko ito pero walang nangyayari. Napabuntong ulit ako at tamad na bumangon upang kuhanin ang charger sa study table ko. Umupo ako sa silya ng malagay na ito sa charger.
Naghintay pa ako ng ilang minuto para buksan ito. Agad na kumunot ang noo ko sa pagtataka nang makitang maraming message and miss calls akong natanggap pagkabukas ng phone. Wala akong sinayang pa na oras at binuksan ang mensaheng natanggap ko mula kay Ryle, Chase, at Terence. Una kong binuksan ang mensahe ni Chase.
3:45
"Fayre? Nandyan si Enzo sainyo? Pinapatanong kasi sa akin ni tita."
3:45
"Reply agad, galit na yung dragon e HAHAHAHAH"
Napakunot naman lalo ang noo ko at tumingin muna sa oras. Alas-diyes na ng gabi. Ang oras na nagchat si Chase ay mahimbing na ang tulog ko sa mga oras na 'yon. 'Yon lang ang sinabi niya, sinunod ko ang mensahe ni Terence.
4:05
"Si Enzo?"
4:05
"Text back nalang asap, ty."
Ang daming tanong na nagsimulang bumubuo sa utak ko, natigil lang iyon ng mapitlag ako mula sa tawag na natanggap ko. Bumaba ang tingin ko sa phone na nakapatong sa mesa, pangalan ni Ryle ang nakapaskil doon. Nangingig ang aking kamay na sinagot 'yon at pinidot ang speaker.
"Thank heavens, Fayre. You answered!" He groaned in frustration. Parang kanina pa inaantay na sagutin ko ang tawag niya, naalala ko na sakaniya rin pala nagmula ang mga tawag na hindi ko nasagot kanina.
"Bakit?" Halos bulong ko nang sabi. Nakaramdam ako ng kaba bigla, parang may masamang mangyayari.
"Nabasa mo na ba ang mga chats ko? Si Enzo? Magkasama ba kayo?" Sunod sunod na tanong nito.
"Bakit ba hinahanap niyo siya sa'kin? Nasa Japan siya, 'di ba?" Tanong ko pabalik. Kung may mas higit na nagtataka at gustong malaman ang sagot, ay ako 'yon.
"Japan?" Ulit niya kaya mas lalo akong nagtaka.
"Prank ba 'to? Nakabalik na ba siya? Halos isang buwan na siya sa Japan," saad ko. Hindi alintana ang kaba na nararamdaman.
"Fayre, hindi kita maintindihan."
"Kayo ang hindi ko maintindihan. Bakit niyo hinahanap sa'kin si Enzo? Hindi niyo ba alam? O sadyang prank lang talaga 'to?" Natawa pa ako ng mahina.
"Hindi naman pumunta sa Japan si Enzo."
"Ano? Siya mismo ang nagsabi sa'kin. Nasa Japan sila dahil nagkaroon ng problema ang daddy niya do'n," napansin kong medyo napalakas ang boses ko kaya huminga ako ng malalim
"Look, sa tingin ko ay dapat kayo ni Enzo ang mag-usap tungkol diyan."
"Oh? Para saan pa at hinahanap niyo siya sa'kin? Hindi niyo ba alam na nagpunta siya–"
"Dahil wala naman talaga siya sa Japan. Hindi umalis ang pamilya nila at hindi ko rin nakasama si Enzo ng buong buwan. Tinatawagan ka namin dahil tumawag si tita sa amin at sinabing kanina pa nawawala si Enzo sa bahay nila."
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomantizmSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...