Hapon na ako ng magising. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan at mata ko, maski ang ulo ko ay sumasakit pa rin dahil sa magdamag na pag-iyak. Siguro naman lahat ng dumanas ng gan'to ay ito rin ang naramdaman? Nakabasa at nakapanuod na rin naman ako katulad sa nangyari sa buhay ko pero... ang sakit pala talaga 'no?
Umiling nalang ako para itigil na ang aking nasa isip. Kagigising ko palang at ayoko na munang dagdagan ang sakit ng ulo ko o mag-isip ng mga bagay bagay. Lumabas ako sa kwarto na kinukusot pa ang aking mata patungo sa banyo upang maghilamos na. Ngunit napatigil ako nang makita kung sino ang nasa kusina namin. Bumaba ang tingin ko sa mesa namin na gawa sa kahoy at pinatungan lang ng sapin na may design para magmukhang maganda ito kahit pa-paano.
Ang mga masasamang alalahanin na tinigil ko kanina ay kusang bumalik. Ang mga gilid ng mga mata ko ay nagsimulang uminit. Ang gandang bungad para sa aking kaarawan.
"Happy birthday, anak!" Masiglang bati ni mama sa harap ko. Nakatiklop pa ang kaniyang mga palad at ngiting-ngiti sa akin. Kahit ngumiti siya ay pansin pa rin ang pagod sa mga mata niya, katulad ng akin. Mas malala pa nga ang kaniya.
"Gutom ka na? Kain ka na," masigla niyang sabi. Kumuha ito ng plato at nilagay ang mga nakahain sa mesa. "Paborito mo lahat ng niluto ko," bakas ang talaga ang tuwa sa boses niya. Napasinghap nalang ako ng marahan at tumingala, pinipigilan ang mga luha na tumulo. Hindi ba sila napapagod? Parang hindi na nauubos ang luha ko.
Pinagmasdan ko ang mga nasa mesa. Adobong baboy, carbonara, shanghai, kaldereta, mga pritong manok, sweet and sour tilapia, salad, at kanin. Talaga ngang lahat ng 'yon ay paborito ko. Maging ang salad ay hindi macaroni kundi fruit salad. Paano 'to naluto ni Mama mag-isa lahat? Gaano siya kaaga nagising? Anong oras siya natulog?
"Nagbilang anghel talaga ang kaibigan mo, anak. May panghanda ka sa birthday mo," aniya.
Hindi ko na nakayanan ang bigat na nararamdaman ko kaya nagtungo agad ako sa loob ng banyo. Dahan dahan kong sinara ang pinto at dumausdos pababa, tuluyan nanghina ang aking mga tuhod.
"Fayre? Gusto mo bang imbitahan mga kaibigan mo?" Rinig kong sabi niya sa labas.
Napatakip nalang ako sa aking bibig. Sariling ina ko nga ay hindi ko na makayanang harapin dahil sa hiya at konsensya, mga kaibigan ko pa kaya? Kahit pa kusang binigay ang pera sa'kin ay hindi pa rin makayanan 'to ng konsesnya ko. Lalo na sa maling paraan ko ito tinanggap, sa maling dahilan. Parang nawalan na ako ng dangal sa sarili, pakiramdam ko ay napakasama ko ng tao.
"Lalo na si Deam, anak. Imbitahan mo siya para makapagpasalamat ako."
Napasapo ako sa tapat ng puso ko nang magsimulang manikip ito. Binasa ko ang aking labi, nalasahan ko pa ang luha ko. "N-Nasa ibang bansa sila ngayon ma, nagbabakasyon." Ang totoo niyan ay nasa ibang lungsod lang siya, kasama si Chase.
"Osige, magchat ka nalang at imbitahin yung iba."
Tumango nalang ako bilang sagot sakaniya, kahit alam ko na hindi naman niya makikita. Napahilamos ako ng mukha at mabagal na kumilos upang maligo. Mabuti nalang at may nakahanda ng tuwalya, hindi ko na maabala si Mama sa pagkuha para sa'kin, at ayoko ring makita niya ang mukha ko na binugbog sa pag-iyak.
Pagkalabas ko ay wala sa kusina si mama. Nakarinig ako ng mga ingay sa labas kaya naman alam kong inimbitahan niya na ang mga kapitbahay namin. Pumunta na ako sa kwarto at nagpalit lang ng pambahay. Pinagmasdan ko rin ang mukha ko sa salamin, bakas talaga sa mata ko ang pagod sa kaiiyak kung titingnan ng matagal. Nakatulong naman ng kaunti ang pagligo ko para hindi masyadong mahalata na galing nga sa magdamag na pag-iyak.
Inaayos ko ang aking tuwalya sa buhok nang lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa kusina. Muli akong napatigil sa aking nakita, bumaba ang tingin ko sa bitbit niya. Isa 'yong cake. Nanikip bigla ang dibdib ko nang biglang sumagi sa utak ko ang mga alaalang 'yon.
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomanceSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...