NAGISING ako ng maramdaman kong may nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Naramdaman ko pa ang pagkakatali ng mga kamay at mga papa ko sa kinauupuan kong silya. Naalala kong may dumukot nga pala sakin at may inilagay sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay. Napalingon ako sa harap ko ng marinig kong may pumapalakpak.
Si Monique yun at napakaganda pa ng ngiting nakatingin sakin. Tinutuya pa kong tinusuk tusok ng manipis na patpat ang pisngi ko.
"Aba!... Gising na ang sleeping lesbian!" Nakangisi pa sya habang sinasabi sakin yun. "Kumusta ang buhay mrs. Del Valle?... Masarap bang kasama ang fiance ko sa pagtulog?... Masaya bang kasama sa bahay ang fiance ko?"
"Hindi mo sya fiance!" Pang iinis kong sagot sa kanya. Isang malakas na sampal ang inabot ko mula sa kanya.
"Diba sabi ko sayo... Babawiin ko sayo ang lalaking mahal ko at ikaw dadalhin ko sa impyerno!" Gigil na sabi nya sakin na inilapit pa ang mukha sa mukha ko. "Uumpisahan ko na ang pagbawi sa pagmamay ari ko."
"Wala kang pagmamay ari..." Panunuya ko sa kanya. "Dahil akin lang si Eric!" Isang malakas na palo ng patpat sa hita ko ang inabot ko sa kanya. Napasigaw ako sa sakit at hindi pa nakuntento ay sinuntok ako sa tyan at malakas na sampal pa ulit ang inabot ko. Napakasakit na kirot sa tyan ko ang naramdaman ko. "Kahit na ano pang gawin mo hindi sya mapapasa iyo... Lalong lalo na ngayun sa ginawa mo sakin... Magdasal ka na dahil siguradong mapapatay ka nya kapag nakita ka nya!" Isang sampal at suntok sa tyan muli ang inabot ko sa kanya.
"Akala mo siguro hahayaan ko lang na sagut sagutin mo na lang ako ng ganyan!" Galit na sinabunutan pa ako sa buhok. "Wala ka nang magagawa dahil hinding hindi mo na makakasama pa ang lalaking pinakamamahal mo dahil ako na ang magpapaligaya sa kanya sa araw araw, ako na ang magpapasaya sa kanya sa buong buhay nya, at sisiguruhin kong masasatisfy sya sakin gabigabi!."
"In your dreams!" Pang iinis ko pa sa kanya. Sa inis nya ay isang suntok pa ulit sa tyan ang naramdaman ko kaya naman halos mamilipit ako sa sakit na naramdaman ko. Masakit, napakasakit ng tyan ko. Halos mawalan na ako ng ulirat sa sakit.
Akala ko ay titigil na sya pero hindi. Isang mag asawang sampal pa ang binigay nya sakin dahilan para maramdaman kong humapdi ang labi ko pero mas masakit pa rin nararamdaman ko sa tyan ko. Ilang palo pa ng patpat ang binigay nya sa mga hita ko kaya naman lalo akong napasigaw sa sakit na nadadagdag sakin.
Nagulat na lang ako ng may marinig akong putukan ng baril sa labas. Isang lalaki ang pumasok sa loob ng kwarto na kinaroroonan namin.
"May mga pulis sa labas!" Sigaw nya kay Monique.
"Ano?... Paputukan nyo!" Sigaw na utos nito sa lalaki. Ang isang lalaki naman na kasama namin sa loob ay inutusan ni monique na alisin ang pagkakatali ko sa upuan nakasabunot sakin si eve na pinatayo ako sa pagkakaupo ko. Hinawakan nya ang kutsilyo at itinutok sa leeg ko para hindi ako makapalag. Itinali naman ang dalawang kamay ko sa likod ko kaya lalong hindi ako nakakilos.
Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Eric na pumasok kasama sila Tristan at Eugene. Itinutok nila ang baril kay Monique. Kaya naman hinatak ni Monique ang buhok ko at ako ang ginawang pinangga.
"Monique!... Bitiwan mo si eve!" Utos ni Eric. Pero hindi natinag si Monique.
"Mamatay muna sya bago mo sya makuha!" Nang sabihin yun ni Monique ay bigla na lamang nyang sinaksak sa tyan ko ang kutsilyo nya dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
"Eve!.." yun ang huling sigaw ni eric na narinig ko bago ako mawalan ng malay.
NASA ospital na ako ng magmulat ako ng mga mata ko. Naramdaman ko pa ang kamay ko na may nakahawak kaya naman napatingin ako sa kanya. Si Eric iyon nakayuko ito at halatang puyat ito sa itsura nya.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomansaAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...