Chapter 28

2 0 0
                                    

"You sounded like it was an easy thing."

"Because it is! You do have money, and so do I," Deam replied as she motioned her hand, from Jisung and her.

Nandito kami ngayon sa Basco Lighthouse. Palubog na ang araw, nagsisimula pa lang naman pero kailangan na namin dalian. Kasama kasi talaga sa story at sa scene na ito, 'tsaka lang ipapakita ang sunset kapag pumayag na si Jaehyun sa alok ni Miles na magtravel around North Luzon.

Dito sila nagkita sa Lighthouse, and Miles saw that the guy's really looked devastated like her. Pure Korean si Jaehyun, pero buti nalang at fluent ito sa english. Kaya naman tuturuan ito ni Miles sa kanilang paglalakbay sa mga lugar. The first thing Miles crossed in her thoughts that, the guy needs a serious and therapeutic vacation. And Miles didn't even know why he offered the guy to be her travel buddies just for this trip. Ni hindi pa nga sila masyadong magkakilala, ni hindi pa nga niya alam ang pangalan nito, at hindi niya pa tinanong kung hanggang kailan lang ang plano niyang manatili.

"You're a scam, aren't you?"

"Hanep, nanghinala pa nga," bulong ni Deam at napamewang.

"Whatever. If you want to go, then go. If not, then no go!" She said, looking so frustrated. Tumalikod siya kay Jisung at bumulong. "Jusmiyo, dapat pala hindi ko inalok 'to. All day, everyday english!"

After contemplating Deam's offer, Jisung finally agreed. "Sure..."

"What?" Napalingon si Deam sa kaniya.

"Sure, I'm in!" Jisung exclaimed trying to be excited.

Deam stared for a long moment at his face, wondering if she heard that right. Not expecting his immediate answer. "Really?!"

"And... cut!"

In Enzo's cue, lahat kami ay nagpalakpakan. Hindi nga lang yung kamay ko ang pumapalakpak e, pati ang puso ko sa tuwa. Watching one of your books–the first book you wrote is been turning into a movie. Yung mga naimagine ko lang dati at naisulat, ngayon ay inaarte na ng iba. More than that, yung artista na gumanap pa sa main character ng libro mo ay ang bestftiend mo. The exhilaration that I'm feeling is beyond that. Lahat na ng words na makakapag express sa happiness and joy at this moment, in this whole situation ay hindi ko inakala.

Fayre Valencia, I'm so proud of you. After this, I honesty need to treat myself. Kakain sa five star restaurant? Mag shoshopping? I don't know, basta mai-celebrate lang ang Milestone ko. Ang achievement and dreams na hindi ko na inasahan pa noong iba ang pinili kong course. But those things I've mentioned to celebrate it, parang ang normal masyado. Lagi ko naman yun ginagawa kapag bored ako. Siguro kailangan ng mas maganda activity para icelebrate ko ito.

Bahala na, basta pagdating ko sa Manila ay icecelebrate ko nalang in any ways.

Inalis ko na ang tingin ko sa screen at tumayo mula sa upuan ko na katabi lang kay Enzo para lapitan ang dalawang artista ko na nakababa na pala sa Lighthouse. "Ang galing n'yo!" I exclaimed as I give Deam a tight hug.

Nang binitawan ko na si Deam ay hinarap ko si Jisung. "Sugohaesso! Good job!" I said and slightly bows at him. He did the same thing. Hindi pa kami masyado close kaya hanggang bow muna, but I should try my best to communicate with him and get closer.

Jisung really gave justice to Jaehyun's character. Yung mukhang galit lagi, pero madali naman palang mauto. Yung typical na masungit at snob sa una pero sweet naman pala. Hindi ko rin alam bakit Koreano ang naisip kong nationality ng bidang lalaki. Hindi pa naman ako mahilig sa Kdrama no'n, may bigla nalang pumasok sa utak ko na gawin kong Koreano.

"We'll be leaving tomorrow after lunch," paalala ni Enzo bago kami maghiwa-hiwalay papunta sa mga kwarto namin.


I woke up around five in the morning. Definitely, I need to see sunrise because last day ko na ngayon dito. I know it won't be the last one, pero malabo pa ang mga plano ko para bumalik.

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now