Chapter 29

2 0 0
                                    

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya. May bigla kasing tumawag bago pa ako makapagsalita para batiin din si Enzo.

"Wait lang," bulong ko kay Deam.

"Ang great talaga ng timing niyan."

Siniko ko naman siya dahil sa kaniyang sinabi. Awkward akong nag-bow kay Enzo bilang excuse at naglakad na palayo sa kanila, sa gilid ng simbahan.

"Napatawag ka?" Tanong ko rito.

"Just checking up on you, if you don't mind."

Napalingon ulit ako sa pwesto nila Deam kung saan ko sila iniwan, malapit sa railings.

"Naka-istorbo ba ako?"

Napailing naman agad ako sa tanong ni Kace, as if makikita niya ako. "No, you didn't," I said while kicking small stones.

I don't know why Kace needs to check up on me, but I appreciate it. At pansin ko lang, he is helping me whenever Enzo and I are alone together. Kahit hindi pa ginagawa ni Deam ay alam kong pag hindi tumawag si Kace ngayon ay aalis siya para makapag-usap kami.

"Are you still in Batanes?"

"Yep, nasa Tukon Church kami ngayon," napayakap naman ako sa sarili dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin.

"Sa Mt. Carmel?"

"Alam mo?" My pitch got higher in excitement.

"Oo, kakasearch ko lang sa google," aniya at tumawa, napatawa rin naman ako.

"Kala ko naman napuntahan mo na!"

"Wala pang budget eh."

We stayed silent for a second, but a gasp escapes my mouth nang may maalala ako. "You like taking pictures, right?" Umatras ako hanggang sa kita ko ang kabuuan ng simbahan. "Maganda ang lighting dito," I added.

"Lighting lang? Grabe ka naman Fayre, nasa simbahan ka, oh!" Giit niya na ikinatawa namin pareho.

"Of course, maganda rin yung Church!" Singhal ko na kunwaring naiinis sa kaniya.

If Deam can manipulate the topic in an instant. Si Kace naman ay kaya niyang gawan ng katatawanan ang mga bagay-bagay na sinabi mo. Ang lakas pa niya magbiro na hindi ko talaga inasahan. The first time we've met, kala ko ay seryoso siyang tao. May kakayahan din siyang gawing komportable ang kausap niya, just like what he did to me. I think this is the fourth time we talked but feeling ko matagal ko na siyang kakilala at gano'n din siya sa'kin.

Nag kwentuhan pa kami saglit bago ako magpaalam dahil kailangan na naming bumalik sa hotel para kunin ang mga bagahe namin at umalis na. Malapit lang naman ang sunod na shooting place.

It's an island, and good thing may airport na doon ngayon so we don't need to travel two times before we get there.

Nag search kasi ako dati nung mga panahon na sinusulat ko 'to, hindi pa gawa ang airport kaya we will shoot tomorrow a scene where they had to take a boat ride to get to Calayan Island.

After packing up, nagtungo na kami sa Basco Airport for our flight to Dadao, which would take almost an hour. Pero ang akala ko na pwede na ako magpahinga ay nauwi sa isang oras pa na shoot para itake ang flight scene na based sa libro ay papunta muna sa Claveria bago mag take ng boat ride sila Miles and Jaehyun. The shoot went smoothly, dahil natural lang naman ang lahat.

We arrived at four in the afternoon. Gusto ko sanang panuorin pa ang sunset kaso pagod na talaga ako. And besides, I have plenty of days to watch it dahil magtatagal kami rito. Calayan Island is Miles and Jaehyun's first trip. Mahilig kasi sa beach si Miles kaya dito sila nagstart. It's really a fresh start for a trip.

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now