Chapter 30

4 0 0
                                    

I heard my stomach growl after I woke up to turn off the alarm I set on my phone. It's six thirty in the morning. The staffs are really obligated to wake up early para pag-usapan kung saan ilalagay ang mga camera at kung ano ang isho-shoot ngayon.

Sa kasamaang palad, kasama ako sa mga kailangan magising ng maaga dahil ako nga ang writer. I need to share my insights sa director para mapagsama ang imagination ko sa gagawin niya para sa lighting at galaw ng camera. Pero sa totoo lang, hindi naman na ako kailangang mag advice pa. He already created the script, na based talaga sa libro at wala na akong maidadagdag pa.

After I took a bath, dumiretso muna ako sa kusina para lagyan ulit ng tubig ang bottle ko. And my feet immediately stops nang maamoy ang pagkain na nagmumula sa kusina. Kakatukin ko pa sana ang kwarto ni Enzo kung sa kaniya ba 'yon, baka nagpahatid siya ng pagkain niya. Pero nang lapitan ko ang mesa ay may isang color pink na sticky note ang nakadikit sa gilid ng tray. And my name is written on it.

I just smiled before sitting down and started to eat. After I finished my lovely breakfast, I grabbed my sling bag and looked at myself in the mirror one last time. I wore black leggings and a black tank top. I'm not in the mood for shorts dahil hindi naman ako mag swi-swimming ngayon at paniguradong iitim lang ako. Ayoko rin mag pants, I need to be stretchable dahil panay ang galaw namin sa set.

"'Musta tulog mo?"

"'Wag mo ko simulan sa topic na 'yan," sagot ko nang makalapit ako sa pwesto niya.

"Ang author ay pinaglaruan ng panulat ni tadhana," she said as she adjusted her position. Nakasandal siya sa puno habang magkakrus ang mga kamay sa dibdib. "Masaya ba paglaruan?" Dagdag niya at ngumisi.

Her remarks and question caught me off guard for a second. Pero hindi lang ako ang may karanasan sa aming dalawa. "Ewan ko? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?" At ang ngising kaninang nakapaskil sa labi niya, ay nasa akin na.

"Kupal," she scowled.

"Pero thanks ha? Sweet mo talaga kahit ganiyan ka," I said while grinning.

"Pinagsasabi mo?" Nakakunot na tanong niya.

My grin widened. "Sus! Kunwari pa! Mahal na mahal mo talaga ako!" Pinalo ko pa siya ng mahina sa balikat. "Yung breakfast ko, ikaw nagpadala 'di ba?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo," seryoso ang mukha niyang sabi.

"Totoo?"

"No cap," aniya at umayos ng tayo. I only glared at her dahil hindi ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo kung 'yan lang ang isasagot niya.

Napabuntong-hininga siya at umirap muna, "promise."

Now Deam said the word, that I know she will never said kung nagbibiro lang siya. Then I believe that it is not her who brought the breakfast for me. Hindi naman pwedeng ang ibang staff dito dahil hindi ko pa naman sila masyadong ka-close.

So it's him. But why? Dahil alam niyang hindi ako kumain ng dinner? Why would he bother? Is it because I'm the writer of the movie? If that's the reason, then I'll accept it. And whatever his reasons were, yung akin lang ang tatanggapin ko.. He did that because I'm the writer. Nothing special.

Whether it's nothing special for him. That breakfast I saw and ate earlier was telling the opposite. Alam kong masasaktan ako sa pag a-assume, pero sa huli pa naman 'yon. How can I not when all the dishes are my favorite? Garlic fried rice, tocino, scrambled egg, at maraming ketchup. Alam niya rin ang timpla ng kape ko sa umaga.

"Uy, kinilig."

Napabalik ako sa katinuan dahil sa pang-aasar ni Deam. "Saan naman?"

"Wala kang maloloko dito," bumalik ulit ang ngisi niya. "Si Enzo lang ang gagawa no'n."

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now