Chapter 32

1 0 0
                                    

"Touchdown, Baguio!"

Sigaw ni Ashley pagkababa niya sa metal stairs ng eroplano. Nagulat nalang ako nang hilain niya ako at niyakap pagkababa na pagkababa ko rin sa hagdan.

"Favorite author na kita!" Aniya habang akap-akap pa rin ako, medyo niyuyog pa.

"Salamat," I said and gave her a half smile.

"Ano pang libro mo na kailangan magtravel pag nag film?" Tanong niya at binitiwan na ako.

My head slightly tilted dahil sa tanong niya. "Hmm," I started. "Ito lang e. Sa Manila na kasi yung dalawa, tapos yung tatlo... fantasy na."

"Tapos ito lang yung may happy ending?"

"Open," I corrected her.

Napanguso naman siya sa sagot ko. All throughout of our way to the hotel we are staying. Puro kwento at reklamo lang si Ashley sa tabi ko. Pinayuhan pa niya ako na gumawa manlang ng happy ending. Of course, I had no choice kundi sumang-ayon nalang sa mga sinabi niya dahil wala na akong lakas para makipagtalo.

I adore Ashley, pero nagbago 'yon simula nung malasing siya. And I hope hindi nalang siya nakainom ng alak sa huling gabi namin sa Calayan. I found her annoying now, o baka dahil pagod lang talaga ako. Ang inasahan ko kasing tahimik na byahe, na makakapag pahinga muna ako sandali ay nabulabog.


Pagdating namin sa hotel, sa mga kaniya kaniya naming higaan. Ang akala ko ay pagbibigyan na ako para magpahinga. Dahil medyo napagod ang utak ko sa kakaisip sa nangyari sa huling gabi ko sa Calayan–sa nangyari sa amin ni Enzo sa dagat.

Wondering why he did that, why I let him do that, why I felt that, and why I'm feeling this way. Do I need to push him away again? Do I need to restrain myself again? Did I make the wrong choice again? Did I assume and made abrupt thoughts once more?

"Guys," Enzo begins.

Nandito kaming lahat sa hotel's restaurant. Enzo called us all out for a lunch. Sinabi ko na hindi ako pupunta dahil hindi pa naman ako gutom, pero it was a lunch meeting daw.

I stared at Enzo for a moment. Was that a friendly kiss? Maybe, a sign of gratitude? Hindi ko sana maiisip ang mga 'yon kung hindi ibang Enzo ang nakikita ko ngayon. Enzo wasn't friendly back then. Nadamay lang siya sa tropa ni Ryle, at pilit niyang sinasabi sa akin na hindi niya tinuturing kaibigan ang mga 'yon. And Enzo isn't a type of a person that is showy... back then.

"I have a gift for all of you," he continued.

But now... he is. Which made me more confused, and might jump to fool conclusions.

"Ano 'yon, Direk?" Ashley asked in her seat.

Sandaling naglibot ang nga mata niya. His cheeks dimpled, and the corners of his eyes wrinkled. "I'll give you one day and a half para personally niyong ma-enjoy ang Baguio," he announces as he clasped his hands.

"Seryoso, Direk?!" A staff muttered out. At nagtuloy tuloy na ang mga feedback dahil sa balita niya.

"Talaga, Direk?!"

"Da best ka talaga, Direk! Kaya sa'yo kami e!"

He nods, still smiling. "You can start now if you want. Para hindi sayang ang half day."

"Pero bago ang lahat..." Ashley's voice penetrated and made my lips part.

"Happy birthday to you..." pagsisimula ni Ashely ng kanta. Hawak hawak ang cake habang papalapit kay Enzo. Hindi ko alam kung paano siya nakapunta sa likod ni Enzo nang ganoon kabilis. Pero ang mas pinagtataka ko ay... birthday niya pala ngayon.

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now