Chapter 36

4 0 0
                                    

Natulog at nagpahinga lang ako buong araw sa hotel room ko bago kami umalis at pumuntang airport pabalik sa Pinas.

It was intentional. Kahit na ang tagal ko nang pinangarap na magpunta at mamasyal sa Japan, ay ipinagliban ko ito. I could visit anytime I want and enjoy the city, basta hindi lang ngayon.

Especially Enzo is just around the corner of this hotel we are staying. Baka hindi na naman ako makatanggi kapag inalok niya ako na mamasyal habang nandito pa kami.

So I stayed in my room, mourning someone who's never really mine from the start.

I mean, hindi naman talaga kami, ni hindi ko nga naramdaman o na-experience manlang na ligawan niya ako. Though, I gave him permission to court me before. Sa iba pala siya nanliligaw sa mga oras na 'yon.

"Taray, may naghihintay."

Bulong ni Deam sa gilid ko ang nagpabalik sa'kin sa realidad.

"Huh?" Nilingon ko siya pero nguso lang ang sinagot niya sa'kin.Kunot noo ko namang sinundan kung saan nakaturo ang labi nito. My eyes widened at the sight.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko matapos makalapit sa stanchion barrier na pagitan naming dalawa.

"Sinundo ka, obvious ba?" He sarcastically said while smirking, he even handed the bond paper he was holding.

"Obvious nga, pero bakit?" Tanong ko ulit, nasa papel ang tingin na nakasulat ang buong pangalan ko.

I can't believed that he's here, at nagsulat pa talaga siya nito para makita ko siya agad.

"Actually, napadaan lang talaga ako dito tapos..."

He trailed off, napa-ahon ako sa kaniya. He's now looking away while awkwardly scratching his nape. Palihim akong napakagat labi dahil mukha siyang bata ngayon na naghahanap ng palusot.

"Uy, Fayre!"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya. He raised his hand in the air. Kung hindi pa niya ako sinenyasan na itaas din ang kamay ko gamit ang mata, ay hindi ko makukuha ang gusto niyang gawin.

"Grabe, small world talaga!" He exclaimed after he slapped his palm to mine.

I gaze downwards while twitching my lips to suppress my smile, dahil sa palusot niya na parang coincidental ang pagkikita namin ngayon. And scratching the side of my brows for being gullible that I followed his eyes commanded.

I folded the paper and fixed my luggage before I started walking.

"Sa'n ka?"

Nilingon ko siya. "Magtatawag ng taxi?"

"May kotse ako," he replied as he put his hand in his pocket. Not sounding arrogant at all.

I mouthed 'ohh' while my eyes sweep at his image from head to toe. He's wearing a crew-neck white t-shirt with navy plaid flannel, and light blue ripped jeans, partnered with white sneakers. "Hindi halata," I honestly said.

But aside from that, his clothes complemented his moreno skin tone and body. Making him look manly and casual at the same time.

"Mukha lang akong gusgusin, pero anak talaga ako ng CEO." Aniya habang papalapit sa 'kin.

Napasinghap akong tumingin sa side profile niya. "Totoo?"

He smirked. "Loko lang."

"Kainis." Napangiwi naman ako.

Kala ko totoo na. Teka... hindi nga pala ako dapat magpauto agad sa lalaking 'to. Dahil gano'nang ugali niya at buhay niya, puro biro.

"Magpapaalam muna 'ko," sabi ko sa kaniya nang makita ko na kumpleto na ang staffs sa isang gilid na hindi kalayuan sa amin.

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now