PALAGI kong napapansin na tulala si Eve. Kung minsan naman ay nahuhuli ko syang umiiyak. Madalas din syang nakaupo sa terrace ng kwarto namin at nakaupo sa gilid habang nakatingin sa malayo. Kaya naman naisipan kong maglagay ng sapin dun at unan para kapag uupo sya dun ay komportable sya.
Madalas ding magising sa madaling araw si Eve at iiyak ng walang tigil. Ang sakit sa dibdib na nakikita ko ang baby ko sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam ko wala akong silbi bilang asawa. Hindi kasi ito ang ipinangako ko sa kanyang buhay. Ang pangarap namin ay magsasama kami ng masaya at sya ang gusto kong laging masaya.
Natatakot ako sa biglang pagbabago nya. Kaya naman lagi akong nasa tabi nya para samahan sya. Palagi ko syang kinakausap at bibiruin ko para ngumiti sya. Ngingiti sya pero ang mata nya ay malungkot pa rin. Mas lalo ko syang niyayakap at hahalikan ko para maramdaman nyang nandito lang ako.
Isang araw dumating sila lesly at grey para dalawin sya muli. Madalas silang pumunta dito sa bahay para dalawin si Eve. Halos araw araw nga ay pumupunta si lesly sa bahay para makausap si Eve. Lalong lalo na kapag nasa opisina ako at hindi ko sya masasamahan.
"Eric sa tingin ko dapat mo ng dalhin si Eve sa isang psycholgist, para matingnan!" Suggestion ni lesly. "I think we needed their help!"
"Eve is different!" Malungkot na dagdag ni Grey. "She's not even smiling!"
"Yun din ang suggestion ni mommy nang dumalaw dito kahapon." Malungkot na sagot ko sa kanya.
"Please Eric!... Wag kang bibigay..." Pagmamakaawa sakin ni lesly. "Wag mo syang susukuan... Alam kong mahal na mahal ka nya... Kapag kasi kinakausap ko sya ikaw lang ang laging hinahanap nya!"
"Kahit na kailan hindi ko naisip na sukuan sya lesly!" Paliwanag ko sa kanya na alam kong nag aalala sya. "Mahal na mahal ko ang babe mo!,.. sya lang ang buhay ko... Ayokong mawala sya sakin kaya lahat gagawin ko para sa kanya."
Tumango lang sakin si lesly nang marinig ang lahat ng sinabi ko.
Nagising si eve ng madaling araw na sumisigaw at umiiyak. Natakot ako dahil sa reaksyon nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit at ilang beses na hinalikan sa noo.
"Baby!... What is it?" Tanong ko habang yakap yakap sya. Nang napansin kong natahimik sya ng magsalita ako. Huminto sya sa pag iyak at pag sigaw. "I love you!... I always love you baby!... I'll never give up on you... I promise!... I'm here.. I'm always here for you!..."
Nakayap lang nang mahigpit sakin si Eve na para bang mahuhulog sya kaya naman hindi ko sya binitawan. Hanggang sa naramdaman kong nakatulog na sya. Inihiga ko na sya ng dahan dahan para hindi sya magising tiningnan ko ang oras. Alas dos na ng madaling araw. Hindi na ako nakatulog binantayan ko nalang sya hanggang mag umaga.
Tulala si Eve ng magising sa umaga dinalhan ko nalang sya ng breakfast nya sa kwarto namin. Sinubuan ko pa sya para makakain sya ng maayus.
Matapos kumain ay ako na rin ang nagpaligo sa kanya. Binihisan ko sya dahil balak kong dalhin na sya sa isang psycholgist.
"Baby!.." tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito sakin ng marinig ako. "May pupuntahan tayo ha?... Kailangan nating pumunta dun para sayo... Okay?"
Hindi sumagot ang baby ko pero dinala ko pa rin sya sa isang psycholgist.
Nasa loob si Eve ng opisina ni doc. Riza. Sya ang inirekomenda sakin ni lesly.
Tahimik lang si Eve ng iwan ko sya sa loob. Nakita ko pang hinahabol nya ako tingin ng lumabas ako. Akala nya siguro iiwan ko sya dito.
Maya maya ay nagbukas na ang pinto ng opisina at nakitang lumabas si Eve kasama ang doctor nya.
"Pwede ba kitang makausap mr. Del Valle?" Tumango ako sa kanya. Inalalayan ko munang maupo si eve sa sofa bago ako sumunod kay doc. Nang makapasok ako ay hindi ipinasara ni doc ang pinto ng opisina nya para makita daw ako ni Eve.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...