Chapter 1

3 0 0
                                    

Panibagong araw, pero hindi bago na late na naman ako. Bakit ba kasi napakahirap para sakin ang gumising ng maaga? Ako na lang ang naglalakad papasok ng campus, lahat sila nasa klase na, bukod sa ilang mga lalaking nakatambay sa ilalim ng puno ng akasya. Wala bang klase ‘tong mga ‘to? Bakit lagi silang nandiyan? Sayang lang ang pinapabaon sa kanila ng mga magulang nila kung hindi naman sila pumapasok sa klase.

Tanya, nag ooverthink ka na naman, pati ba naman mga tambay sa campus pinoproblema mo..

Bitbit ang aking gitara, dali dali akong pumasok sa backdoor ng classroom namin, andun na kasi si sir Domingo, yung teacher namin sa Algebra, siya rin ang adviser namin.

"Good morning Tanya!", sarkastikong bati ni sir.

"Good morning sir.", nakayukong sagot ko. Ibinaba ko yung dala kong gitara sa ibabaw ng book shelf sa gilid ng class room at derecho na akong umupo sa upuan ko.

Pagtingin ko sa pisara, graph ng parabola na naman ang nakita ko.

"Yan na naman? diba tapos na yan kahapon?" tanong ko sa katabi ko.

"Ang dami kasing tanong ng mga classmates natin kaya inulit na lang ni sir yung lesson."

"Hay, ang dali naman eh, hindi pa mainitndihan", iyon na lang ang nasabi ko at sabay tingin sa bintana.

Tumingin na lang ako sa may corridor, mag aalas otso na, any time dadaan na yung section 2 students para lumipat ng classroom. Ganito kasi ang kultura sa school namin, sa halip na ung teacher ang pumupunta sa classroom, students ang pinapalipat sa classroom na malapit sa faculty area kung saan naka-stay ang teacher.

Isa isa ng lumabas ang mga estudyante, nauuna ung mga loner type, ung mga mag isa lang na naglalakad, yung tipong wala atang ibang kaibigan sa klase kundi yung mga librong dala nila. Sumunod na yung mga group of girls, umaga pa lang nakaretouch na agad sila, iba-ibang grupo, masaya silang nagkkwentuhan, nagtatawanan, ano kayang pinagtatawanan nila? hay..

At sa wakas dumaan na rin yung inaabangan ko, si Paul, kasama ang barkada niya. napangiti ako, kakaiba talaga yung dating niya. Siya yung tunay na definition ng tall, dark and handsome..

Kilala yung grupo nila bilang mga mgugulo at mahaharot na binata, yung tipong hnd nag aaral kundi nagpapalipad lang ng eroplanong papel tuwing klase. Pero sa grupo nila, mukhang si paul lang ang matino, hnd ko nga alam kung bakit siya napasali sa grupo na yun. Bukod kasi sa gwapo siya, lagi pa siyang kasali sa mga math quiz bee, sumasali din siya sa basketball tuwing intrams.

Napalingon siya sa room namin, *mini heart attack*. Ngumiti siya, OMG, parang slow motion ang paligid ko, Napangiti rin ako, syempre pinipigilan kong ngumiti ng wagas, baka isipin pa niya may gusto ako sa kanya, (kahit meron naman talaga).

Nagulat ako ng biglang papalapit na siya sakin, biglang nag play ang Sa Isang Sulyap Mo.. slow motion pa rin. Nasa harap ko na siya, at inilalapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Juicecolored, hahalikan nia ba ako?

“Tanya.” Marahan niyang pagbanggit sa pangalan ko.

“Yes Paul?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding the Best LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon