Walang Forever! (One Shot)

538 21 7
                                    

A/N: Hello guys! Uhmm, Sana po eh wag nyong seryosohin itong storyang gagawin ko. Ako, eh ala lang magawa hahahaha! naboboringan kasi ako sa mga on going kong story kaya para bang gusto ko munang gumawa ng iba. Napagkatuwaan ko lang itong sina Zayn at Perrie dahil trending na trending sila ngayon hahahaha! Vote at comment kayo kung ano masasabi nyo hahaha! Thank youuuu!

--------------------

(Walang Forever)

"Ipinapangako ko sayo, Perrie na hinding hindi kita iiwan. Magkakasama tayo habang buhay." Nakatitig ako sa mukha ng boyfriend kong pagkagwapo-gwapo habang sinasambit niya ang mga nakakakilig ng words na yan.

"Zayn, baby ko. Pinapangako  ko rin sayo na hindi kita ipagpapalit sa iba, kahit na palagi mo nalang akong pinaghihinalaang nanlalaki. Alam mo namang ikaw at ikaw lang talaga ang iibigin ko hanggang sa huling hininga ko. Forever kitang mamahalin." Pagkasambit ko nun ay binigyan niya ako ng isang halik na punong puno ng pagmamahal.

Ang swerte-swerte ko talaga kay Zayn. Bukod kasi sa habulin siya ng mga babae dahil sa sobrang gwapo ay pag ka ganda-ganda din ng boses niya. Sa tuwing kinakantahan niya ako kapag magkasama kaming dalawa ay hindi ko mapigilan ang kiligin sa sobrang lamig ng boses niya. feeling ko nga ako na talaga ang pinaka ma swerteng babae sa balat ng lupa. Pero ganun pa man. minsan nagtatampo ako sa kanya dahil madalas mas kasama niya ang ka banda niya. Oo may banda si zayn. Madalas silang sumali sa mga contest kaya naman minsan para bang nawawalan siya ng oras saakin kaya naman nalulungkot ako. Pero ganun paman. Hinahayaan ko lang siya dahil ayokong isipin niya na sagabal ako sa mga gusto niyang gawin. Gusto ko kasi yung hindi ko siya nasasakal. Yung tipong bang para maramdaman niyang hindi ako kagaya ng ibang babae na nag uunder ng mga boyfriend nila. Gusto kong iparamdam kay Zayn na mahal na mahal na mahal ko siya. Hindi ko hahayaang mawala siya saakin dahil hindi ko kakayanin yun.

Andito kami ngayon sa park. Pinangako niya kasi saakin na mag d-date kami ngayon bago siya umalis bukas. Tulad ng sabi ko. Madalas silang sumali sa mga contest. Pupunta sila ng mga ka banda niya sa baguio. Gusto ko mang sumama pero may work ako.

"I love you so much. Perrie ko." 

"I love you more, Zayn!"

---------------

Kinabukasan, Nakatanggap nalang ako bigla ng tawag mula kay Zayn. 6:30 am. Agad ko naman ding sinagot iyun.

"Oh, Aalis na ba kayo?" Bungad kong sambit.

"Oo baby ko. Ito ngat nasakay na kami sa sasakyan namin. Teka, tandaan mo na tatawag ako sayo tuwing gabi para kamustahin ka. Saka yung palagi kong paal--" Naputol na ang sinabi niya dahil sumagot agad ako.

"Paalala mo na wag na wag akong lalapit sa ibang lalaki. Na wag akong iinom ng alak dahil allergic ako dun at baka kung ano-ano na naman ang gawin ko. palagi mo nalang sinasabi saakin yan tuwing aalis ka. Pwede bang ako naman ang mag paalala sayo na wag na wag kang lalapit sa ibang babae. at wag na wag mo akong kakalimutang tawagan tuwing gabi dahil kundi, iinom ako ng alak."

"Perrie naman! wag na wag mong gagawin yan. Mamaya kung ano na naman mangyari sayo. Saka opo. Hinding hindi ako lalapit sa mga babae at opo hindi kita kakalimutan na tawagan tuwing gabi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang Forever (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon