CURSE 06 | The Awakening of the Curse

93 5 7
                                    

#LaNE Curse 06 — The Awakening of the Curse

Karina Bautista as Aexia (Ayesha)

Aljon Mendoza as Xione (Shon)

Rhys Eugenio as Xilent (Saylent)

Kaori Oinuma as Aegix (Eygis)

KarJon as Aione

KaoRhys as Alent

—————————————————————————————


Tovie's Point of View (POV)


[07:15pm]


Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kalunos-lunos ang sinapit ng matalik kong kaibigan at ni Lola Antovia, sila na lang ang maituturing kong pamilya. D'yos ko 'wag naman po sana. Andito ako ngayon sa ambulansya, habang papunta kami sa pinakamalapit na hospital. Kitang kita ngayon ng dalawang mata ko sina Xione at lola na parehas walang malay. Pero mas kinakabahan ako para sa ikalawa, sapagkat siya ay lubusang duguan, hindi maganda ito pagkat masyado ng maraming dugo ang nawala sa kaniya.


"Lola Antovia, Xione, kayanin nyo... Please!!" ang pakikipagusap ko sa sa dalawang taong namimiligro na ang buhay. Kahit na alam kong hindi rin naman nila ako maririnig.


Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina kung papano kinidnap ang maglola, kung papano pilit kaming lumaban sa mga gagong kindnappers na 'yun, at kung papano duguang bumagsak ang katawan ni lola matapos siyang tamaan ng bala mula sa isa sa mga kriminal na 'yun.


'Wag naman sanang mangyari ang aking kinakatakutan, lalo pa ngayon patong-patong na ang kanilang problema. Kung sino man ang may kagagawan nito tiyak ko, ngayon pa lang ay sinusunog na ang kaluluwa n'un sa impiyerno. hayop siya. Napakawalanghiya niya.




Mabilis kaming nakarating sa pinakamalapit na hospital at agaran din namang ipinasok ang dalawa upang lunasan. Tiyak kong dadalhin na si lola Antovia sa Operating Room upang tanggalan ng bala sa katawan matapos n'yang salagin ang baling ipinutok para kay Xione. Mahal na mahal niya talaga ang kaniyang apo, pero sabagay maging ako man ay gagawin ko rin iyon para sa kanilang dalawa. Masyado lang talagang mabilis ang mga pangyayari kaya kahit ako ay walang nagawa para sa tiyak nilang kaligtasan.


"Hindi po kayo pwede sa loob Sir. Magantay na lamang po kayo dito sa labas." sabi ng nurse sakin.


Hindi nila ako pinayagang pumasok sa Operating Room kaya ganito na lang ang kaba ko, agad naman akong pumunta sa Emergency Room kung saan naratay ang walang malay kong kaibigan. Bakas kay Xione ang pagod at hirap sa nangyari kanina, pero lubos akong nanalig sa agaran niyang paggising. Ayaw ko mang magisip ng masama, sana ay magising na agad siya bago pa man mahuli ang lahat.




Hindi pa rin ako mapalagay, ilang minuto na rin akong nagaantay sa kahihinatnan ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Laking galak ko nang may pagbabago akong namasdan kay Xione. Thank God at nagmulat na rin siya ng kanyang mata.

Loving a Non Existing  #LaNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon