Chapter XII

20 1 0
  • Dedicated kay jhai_jhai12
                                    

{Hebrews' PoV}

Andito na naman 'tong asungot na 'to. Ang heartbreaker angel. Oo. May ganitong klaseng anghel.

"Pre, bakit ka nandito?" harang ko kay Bruke. Yung heartbreaker angel.

"Alam kong alam mo kung bakit kami ginawa." seryosong sagot nya.

"Para dumurog ng puso ng tao? Tsss... dahil sa inyo, nagagalit sa aming mga cupid ang mga tao." asar na sabi ko.

Totoo naman diba?

"May mas karapat-dapat sa kanya."

"Kung ganun din naman pala, bakit pa kami ginawa?" asar na asar na talaga na sambit ko.

"Para mo na ring kinuwestyon ang Diyos."

"Tsk! bahala ka na nga." at sabay alis ko sa pagkakaharang sa kanya.

Tinignan nya ako sabay sabing, "May astig na plano ang Diyos." at tinutok na ang pana kela Micah at James na nasa loob ng kotse.

4 or 5 years na nang pinana ko rin silang dalawa. Ngayon, iba naman ang papana sa kanila.

Pagkatapos ng ilang taong pagsunod sa kanila at pag-antay kung kailan sila mahuhulog sa isa't isa, wala rin palang halaga. Sayang effort.

Tinapik lang ako sa balikat ni Bruke at sinabing, "Lahat ng bagay, may dahilan." at lumipad na paalis.

Pagtingin ko kela Micah, nagawa na ni Bruke ang trabaho nya. Nakakapanghinayang talaga. Akala ko, matatapos na 'tong istoryang 'to. Hindi pa rin pala.

"May astig na plano ang Diyos."

Hayst. Bahala na nga!

★★★★★★★★★★★

{Bruke's PoV}

Hi! I'm Bruke the heartbreaker.

Sorry sa mga nawasak na puso ah?

Huwag ninyong sisihin ang mga cupid kung bakit kayo nasasaktan dahil di sila ang may gusto nun.

Huwag nyo rin sisihin kaming mga heartbreaker angel dahil hindi rin kami ang may gusto ng mga nangyayari.

Heartbreak is a blessing from God. Niligtas ka lang nya sa maling tao.

Kung tinatanong nyo ako kung bakit nasabi kong maling tao si James o Micah ay dahil hindi sila ang para sa isa't isa. Maraming anghel ang nakakaalam sa mangyayari. Binigyan sila ng kaalaman. Kawawang Hebrews. Hindi updated. Haha! xD

*FLASHBACK*

"Bruke, nais kong tumungo ka sa kinaroroonan ni Hebrews at panain sina Micah at James sapagkat hindi sila ang nais kong magkatuluyan." sabi ng isang malalim na boses.

"Masusunod po." marahan kong tugon.

Paalis na sana ako nang muli syang magsalita. "Alam kong may katanungan ka sa iyong isipan." Lumapit sya sa akin kasabay ng pagdampi nito ng kanyang hintuturo sa aking sintido. "Kakaunting kaalaman lamang ang maiibigay ko sayo."

***

"WHOOO!!! YESSS!!!" hiyaw ng isang lalaki.

"HAHA! Di ka naman masaya nyan?" sambit naman ng isang babae.

"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko si ---"

***

"Hanggang dyan na lamang." putol nito. "Humayo ka na at gawin ang iyong tungkulin."

"Opo." at lumipad na nga ako paalis.

*END OF FLASHBACK*

May plano ang Diyos.

Di ko pa man lubos na maunawaan ang lahat, alam kong namang may plano ang Diyos...

At ang ASTIG nun! xD

The Adventure Of A CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon