One

6 0 0
                                    

Alam mo yung feeling na six years mo ng crush yung isang tao tapos hanggang ngayon,wala pa rin improvement sa inyong dalawa. NAKAKALOKA! Minsan tuloy napagkakamalan ko ng bakla si Bullet eh. Paano ba naman?! NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH! Eh jusko 1st year college na kami ngayon. 17 YEARS OLD NA SYA TAPOS HANGGANG NGAYON,WALA PA RIN SIYANG GF!!! Naiisip ko nga rin minsan na kung ako na lang kaya ang manligaw sa kanya? Malay ko ba kung natotorpe lang siya saakin. Or baka............ baka may ibang gusto. NAKU! Hindi pwede pag nagkataon! Ako lang dapat! Ako ang nararapat sa kanya. AKO LANG ANG DAPAT NIYANG MAHA--

"Miss Cristobal!!! Ano bang iniisip mo at lutang ka? Kanina pa kita tinatawag ah!" Napabalikwas ako sa sigaw ni Ms. Love. YUCK! hindi bagay sa kanya yung name niya. Tss.

"A-ah w-wala po mam.Ano po ulit yung tanong? he he he" Kinakabahan kong sabi. Iba kasi magalit yang si Ms. Love. Yung tipong sisigaw siya ng bonngang bongga at hindi siya magdadalawang isip na ipatapon ka sa bermuda triangle.Pffffft.


"WAG NA. GET OUT! NOW!" sigaw nya. Agad ko naman dinampot yung bag ko at lalabas na sana ng room kasi ayoko na ulit masigawan nung bwiset kong prof kaso....


"Sorry I'm late." wooooah. just. woaah. si.... bullet.. Kaharap ko. As in dalawang ruler nalang ata ang pagitan namin. OMG KINIKILIG AKO!!!! Destiny na ba 'to???!?! wahahahahaha.


"SORRY? SORRY LANG MASASABI MO MR. CUEVAS? DI MO BA ALAM NA 15 MINUTES KA NG LATE SA KLASE KO?! AYOKONG MAKITA KA DITO! LUMABAS NA KAYO NIYAN NI MS. CRISTOBAL! ALIS!" sabi ng nagwawalang si Ms. Gurang--este.. Ms. Love.


"Wag mo nalang pansinin yun si Ms. Love. Hehe." sambit ko. Sinusubukan ko lang pagaanin yung atmosphere. Mukhang bad mood kasi si bullet eh.

Lumingon lang sya saakin at dumeretcho ulit ng lakad.


"Aaaahm....Bullet?" shetness!!!!!! kinakabahan ako. Chance ko na 'to para makausap siya. L-liligawan ko siya. Sure na ako dun!


"Hmm?" sagot naman niya. Omaygashhh. Pwede na akong mamatay ngayon? Ang cold nung pagkakasagot niya nun pero ang hot niya. Ewan ko! Nababaliw na ata ako eh.


"P-pwede b-bang...... p-pwede bang mang--ASHSSUYRBFFBREURO?"


"HUH?!" tanong naman niya. KAINIS!! May dumaan kasing mga students na maingay at naghaharutan kaya hindi niya narinig yung sinasabi ko. Uulitin ko ba?


"SABI KO,PWEDE BANG MANLIGAW!" sigaw ko kasi may mga dumaan na naman na maingay. Pero... nagulat ako kasi tumahimik bigla sila at napatingin sa akin. Kitang kita ko yung ngisi ni Bullet since magkatapat lang naman kami. Nakakahiya. May mga nakita akong nag bulung-bulungan sa gilid ko at yung iba naman ay nakatingin lang kay Bullet. Naghihintay ng sagot..


Ilang beses pa kaming nakatayo dun bago siya magsalita...


"Are you sure?" sabi niya habang suot parin yung ngisi na kanina pa niya gamit.


"Y-yeah." sagot ko naman.


"Fine." OMG!! LORD PWEDE MO NA PO AKO KUNIN.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Without A WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon