Farewell

4.1K 60 0
                                    

Third Person's POV.

"YOU may now go in peace!"

Nagpalakpakan ang sang katauhan ng matapos ang seremonya ng binyag ni baby David.

Patakbong lumabas si Yshalynne bitbit ang ina habang sila ay nagsasaya.

Dumiretso ang mag anak, kasama nina Cj at Joanna sa isang kainan kung saan nila isinagawa ang pagsasaya ng binyag.

"Ysha, tuloy na ba kayo mamaya?" malungkot na tanong ni Joanna.

"Oo, Joanna. Tuloy na tuloy na kami sa Canada. " sagot ni Ysha.

Niyakap naman ni Joanna ang matalik na kaibigan,

"Babalik kayo ng ina anak ko ha. Hihintayin ko kayo, " sabi ni Joanna.

"Babalik kami, pero matatagalan. " sabi ni Ysha.

"Nandito na yung pagkain!" sabi ni Dave.

*****

PAGKATAPOS kumain, ay dumiretso na sila sa airport para ihatid ang mag- ina.

"Mag- iingat kayo doon, " sabi ni Alicia, ang ina ni Ysha.

"Opo, Mom. Kayo din ha, skype skype na lang! " sabi ni Ysha.

"Oo, ingatan mo yang apo ko! Turuan mo pa din magtagalog yan, " pabirong sabi ng kanyang ina.

"Sige po, si Elyka din po ha, ikwento niyo ako dyan!" tukoy ni Ysha sa kapatid nito.

"Oo, anak. Bye!" sabi ni Alicia.

"Bye bestiieee! Susunod kami doon ni Joanna sa bakasyon! " sabi ni Cj.

Natawa naman si Ysha at kumaway uli bago dumiretso sa loob.

*****

KINAGABIHAN ay walang humpay ang iyak ni Dave dahil sa pangungulila sa nobya at sa anak,

"Dad, Mom.. kahit ba sa bakayon, hindi ako pwede pumunta don?" pakiki usap nito sa magulang.

"Franco, wag muna ngayon. Please lang. " ani ng ama niya.

Umiiyak pa rin si Dave, mugto na ang mata nito dahil kanina pa ito umiiyak.

Awang awa na ang mag asawa sa kanya ngunit para rin naman daw sa ikabubuti ng kanilang pamilya ang ginawa nila,

"Sweetheart, ipapakilala kaya ni Ysha si Dave bilang ama ni David?" pabulong na tanong ni Dennis sa asawa,

"Ewan ko din, siguro naman ano. " sagot ni Alicia.

"Ysha.. David.. " humihikbing pagtawag ni Dave sa mag ina niya.

Inalo naman ni Dennis ang kanyang anak dahil awang awa na talaga ito dito,

"Babalik sila, anak. Magtiwala ka. " sabi nito sa anak.

Loving My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon