Chapter 11

1.9K 51 1
                                    

Chapter 11

KINABUKASAN, banda alas dyes na akong nagising. Walang naka-schedule na trabaho kaya free akong matulog hanggat gusto ko. Pero agad din akong napabalikwas ng bangon nang tumunog ang phone ko. It was Justine. Nakikipag-video call siya habang ni-blower ni Tiarra ang kanyang buhok.

"Good morning, Tita!" masiglang bati ni Justine ang bumungad sa'kin. "Did you just wake up, Tita?" tanong nito habang pilit naman siyang sinuway ni Tiarra na 'wag magulo.

"N-no," kinusot ko ang aking mata at humikab. "Thank you for waking me up, baby." nakangiti kong tugon.

"D-did I wake you up?" nguso nito. Dahan-dahang lumamya ang kanyang mata, gumuhit din dito ang lungkot.

"Don't be sad, baby. I also have work to do now, so I need to get up early." ngiti ko. Ang kaninang lungkot sa kanyang mukha ay unti-unting lumiwanag. "Are you already have your breakfast?" pag-iba ko ng usapan.

"Not yet." tugon niya.

"Naku, Hindi pa 'yan kumain, Ate. Mas gusto kasi niyang makasama kang kumain." ani Tiarra na napaismid pa.

"Mommy-"

"Let's eat na, Baby. Let's go." pilit ni Tiarra.

Napangiti nalang ako nang makitang walang magawa kundi sumunod si Justine sa mommy niya. He's just 4 years old, pero ang utak naman at behavior niya ay matured na.

Tumayo ako. "I need to cook breakfast, baby. Do you want to watch how I cook?  You like Filipino foods, right?" ani ko. Bumalik sa camera ang kanyang paningin. Naglakad na siya patungong dinning habang hawak ang kaliwang kamay ni Tiarra.

Sunod-sunod siyang tumango. "Yeah, I love it! Mommy, did you hear that?" masigla nitong saad na tinanguan naman ng kanyang Mommy.

Naglakad na akong patungong dinning, Hindi ko pa alam kung anong nasa loob ng ref. Kung anong meron nalang doon ang lulutuin ko, no choice.

Pagbukas ko sa ref, isang kaperaso ng manok ang nandoon. May mga sangkap naman na tantya ko ay parang sa isang adobo lang kasya. Sinet-up ko 'yong camera kung saan pwede akong makita ni Justine. Nagsimula na rin ako sa ginagawa.

"You're my new neighbor? " muntik ko ng mabitawan ang caserola nang may nagsalita sa may likuran ko. Halos lalabas pa ang kaba sa aking dibdib dahil sa gulat.

"Takteng kalabaw!" sigaw ko. Nang lingunin ko ang may ari ng boses, kaagad na napakunot ang aking noo nang bumungad sa'kin si Mr. Sandoval na kagaya sa'kin ay gulat din.

"Who's that?" basag ni Justine sa katahimikan. Pareho naman kami ni Mr. Sandoval na napatingin sa phone ko. "Tita, Is that one of your dates in the Philippines? Is he the one you introduce to me?" nangislap na saad ni Justine. Nang makita iyon ni Tiarra, kaagad niyang ni-off ang video nang 'di pa nakapag-paalam si Justine. Napabuga nalang ako ng hangin bago nilingon si Mr. Sandoval.

"M-mr. Sandoval, bakit ka nandito?" utal kong tanong. Ngunit nanatili pa rin ang kanyang paningin sa phone kung saan kaka-off lang.

"Who's that kid?" seryoso ang tono ng kanyang boses.

Takang tiningnan ko siya. Kunot na kunot ang kanyang noo at unti-unting tumalas ang kaniyang paningin sa'kin.

"W-why are you asking? T-teka nga, bakit ka ba napasok dito sa condo ko? Do you know the word trespassing?"

"I'm asking you, Hailey. That kid, is he your son?" ulit pa nitong tanong. "And you, you’re Christine, right?" aniya. Unti-unting siyang humakbang papalapit sa'kin. "Answer me, Hailey."




"Mr. Sandoval, h-hes not my son." alangan kong sagot. Tumigil siya sa paglapit sa'kin at napasabunot sa kanyang buhok.

"Yeah, i forgot. You are not Christine, and why did I ask you about that kid?" napatawa siya ng pagak at sunod-sunod na tumango. "Sorry for disturbing you, Miss Freynn. I'm here to tell you about garbage. I don't want you to pile cellophane outside your condo, "may inabot siyang papel sa'kin. "'Yan ang oras kung kailan ka dapat maghatid ng basura sa labas nitong subdivision. I have to go,"  aniya at tumalikod na.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas siya. Paano ba kasi siya nakapasok? At tungkol kay Justine, bakit ang dami niyang tanong? Pinilig ko nalang ang ulo ko at muling naalala ang adobo ko.

"Arghh, pangit na tuloy 'to dahil sa Sandoval na 'yan!"

Dali-dali kong tinapos ang niluto ko, naalala ko rin na wala pa akong nalutong rice. Istorbo talaga ang CEO na 'yan, e!

Ni-dial ko ang phone ni Justine, as usual si Tiarra ang nakasagot. "Ate, may lakad kami ni Justine. Next time nalang ulit." aniya at kaagad na pinatay ang tawag

"Pero— wala na akong kasamang kumain." bulong ko nalang. Kasalanan 'to ni Mr. Sandoval.

Nilagay ko lahat sa tupperware  ang ulam na niluto ko. Balak ko nalang makipag-share ng ulam sa bago ko raw'ng kapitbahay.

To: Mr. Sungit

Nasa labas ako ng condo mo, pagbuksan mo 'ko.

Text ko sa kanya at kaagad na nagmamadaling lumabas. Ang totoo, wala akong alam kung saan ang condo niya kaya kailangan kong makita kung saang pinto ang buksan niya.

Nang makalabas ay bumungad naman sa'kin ang kunot-noong mukha ni Mr. Sandoval. Mas lalo pang kumunot nang makitang may dala akong Tupperware.

"Sabayan mo 'kong kumain, kung hindi dahil sa'yo may kasama sana akong kumain ngayon. Kaya wala kang choice kundi samahan ako kahit tapos ka na." mahaba kong litanya. Hindi siya kumibo.

Matapos lang mag-sungit kanina, hindi na namamansin.

"Saan ba ang condo mo rito?" tanong ko. Nakapamulsang naglakad siya sa katabing pintuan ng condo ko na walang imik kaya sumunod nalang din ako.

"Wala kang kasama dito?" inilibot ko ang paningin sa loob. Dalawang palapag ito at hindi ko aakalaing ganito kalaki ang loob. Parang triple sa laki ng condo na binigay sa'kin ni Celestine.

"Nope. And don't touch anything here. You can eat at the diner, but only the cutlery you can tamper with." paalala nito.

Pasimple akong tumango sa kanya, pero hindi ko mapigilan ang sariling libutin ng paningin ang buong paligid. Almost all the walls have hanging paintings. Sobrang ganda nito, at bawat paintings at may nakasulat pero hindi ko naman maintindihan. At pansin ko rin sa bawat paintings ay may malalim na ibig sabihin na kahit sino hindi mahulaan iyon.

May isang painting na nakapagpahinto sa'kin. Marahan ko iyong hinawakan at pinakiramdaman ang aking sarili. It was as if every time I looked at that paint there was a budding feeling that I didn’t even know why I was hurting.

"You want to know what that means?" sulpot ni Dustin sa may likuran ko.

Natuon kasi ang paningin ko sa nag-iisang painting. Black and red ang kulay na pinaghalo. Ito ang Isa sa nakatawag pansin sakin na nakapagpabigat sa aking pakiramdam.

Umiling ako. "N-no need, baka next time nalang." tanggi ko. Ayaw kong malaman ang ibig sabihin no'n because it's remind me of something na hindi ko naman alam kung saan galing.

"That means love. But it ended in darkness and the romance between the two lovers ended in nothing." kusang paliwanag niya.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon