Zia's POV,
Minumulat ko yung mga mata ko, pagtingin ko sa bintana, may araw na. Napaupo ako sa kama at tinignan ko ang orasan, pagkakita ko. 7 o'clock na kaya napasigaw ako.
"WAAAAAAAAA! Malelate na akooooo! " sabay takbo para kunin yung towel
Dali dali kong kinuha yung towel ko at tumakbo ako sa banyo, at pagkapasok ko sa banyo, naalala ko.......
..............
..........
.....
...
.
SUNDAY pa lang pala -,- Alam mo yung nakaka inis? Yung nabuhay yung dugo mo dahil sa pagkabigla at pagmamadali, tapos mali ka pala. natawa na lang ako sa sarili ko eh. Vuvu lang. Pumunta na ako sa kwarto at humiga na lang ulit ako sa kama ko, sinubukan ko matulog ulit, pero di na makatulog eh. Tumayo na lang ako, ginawa ko na yung morning routine ko at naglinis ng kwarto, tapos inopen ko yung laptop ko.
Magfe facebook muna ako, isang linggo mahigit na rin ako hindi nakapag bukas. Pagka online ko, may mga friend requests, messages, at notifications nanaman ako. In-open ko muna yung friend requests, in-add ako nila Hailey, Gen, TinTin at pati na rin mga iba naming kaklase.
Confirm, confirm, confirm. nag accept lang ako ng mga kilala ko, yung iba na hindi ko naman kilala, in-ignore ko lang. Pagtapos, in-open ko mga notifications ko, may tinag na picture si Kat at andaming comment.
Binuksan ko yung picture, yung selfie pala namin sa Mcdo kahapon, at yung mga nagcomment sila Hailey.
"Christine Joy Gomez EHEM!"
"Hailey Jean Cortez Bat di kayo nagyayaya?"
"Christine Joy Gomez Oo nga! isama niyo ksmi! HAHAHAHA!"
"Genery Anne Manansala Sama ako diyan"
"Hailey Jean Cortez Set tayo sa Monday! :) HAHA!"
Natawa na lang ako sa mga comment nila. Mga palibot pala tong mga to. Linike ko yung picture at nag comment na rin ako sa picture.
"Ziana Montes HEHE! Namiss namin isa't isa. HAHA! Sige set tayo :)"
Napangiti na lang ako habang nagta type. Tinignan ko na yung iba pang mga notifications, puro like at comment sa mga pictures at status ko at yung iba puro request sa mga laro, medyo kainis yun. Matapos ko tignan yung notification ko, tinignan ko na yung mga messages ko. Yung iba mga hindi ko kilala, tapos may message din galing kay Kat.
"Zia!"
"Bat di ka pa nag o open?"
"Tignan mo mga comment nila, hahaha"
"naka tulog ko na agad no?"
"sge na, out na rin ako"
Message niya pala kagabi, nakapag online pa siya, samantalang ako, agad nakatulog. HAHA!
Nag 'home' na ako at tumingin sa News Feed ko, nalilibang talaga ako kapag nag fe facebook, di ko namamalayan yung oras at gutom. Habang nag ii scroll down ako, biglang may kumatok, "Zia? gising ka naba? di ka na nag almusal kanina, magtatanghalian na. Bumaba ka na" si Nana pala. Si nana yung head ng mga yaya dito sa bahay, nana tawag ko sa kanya kasi parang nanay ko na siya. tinignan ko yung oras sa laptop 12:05 na pala. hindi na pala ako nakapag almusal kanina. Ni hindi lang man ako ginutom, Psh! Naglog-out na ako at pinatay yung laptop ko.
"Bababa na po ako" sabi ko ng malakas para marinig ni nana yung sasabihin ko.
Bumaba na ako at kumain na. Pagtapos umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Chineck ko na yung mga gamit ko at chineck ko yung mga assignments ko kung kompleto at inayos ko. Naligo na ako at nagpatuyo ng buhok, maya-maya nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako sa kama ko.
Zzzzzzzzzzzzzz......
Ang sarap ng tulog ko ng biglang nag vibrate yung phone ko, meaning may tumatawag. Nakapikit parin ako at kinapa kapa yung phone ko sa kama ko. Nung nakuha ko na, nilapit ko sa mukha ko at binuksan yung isa kong mata. Nakita ko yung pangalan ni Kat. Sinagot ko yung call niya ng naka pikit,
"Mmmmm?"
[Zia?]
"Mmmm?" inaantok pako, ayoko pa magsalita
[Natutulog ka no?]
"mm mm" sagot ko na lang
[Pumasok ka ng maaga bukas ah, dapat maagang maaga. MAAGANG MAAGA!] in-emphasize niya pa talaga yung maagang maaga at inulit ulit pa.
"Ha? ba kit ma aga?" paputol putol na sabi ko at napa medyo napamulat ako ako
[Eh kasi maganda ako, haha! basta kita tayo bukas ng maaga. Mga 6:00 SHARP dapat nasa school ka na, mag-ayos ka nag mabuti, pag hindi ka dumating ng ganung oras, tignan mo, wag mo na akong kausapin. Bye!] mabilis na sabi niya at binaba niya na. Magsasalita pa sana ako kaso wala na.
Ano nanaman trip nun? bat sobrang aga? as in ANG AGA! Isa't kalahating oras bago yung klase yun ah. Ano naman gagawin namin ng ganun katagal? At mag-ayos daw ako ng mabuti? ano trip niya? anong trip yun? Hayss! Napakunot noo tuloy ako at napa isip nga malalim.
**
Hmmm? Ano kaya pakulo ni Kat? Ano kayang meron? ABANGAN sa Next Chapter :) Bigyan niyo po ako ng Feedback :) Salamat sa pagbabasa
@RenCutee

BINABASA MO ANG
My Crazy Friends
Novela JuvenilLahat naman tayo may mga kaibigan. Minsan iba sa ugali natin. Pero madalas, kaparehas. Pero kahit sino pa sila, kung tunay natin silang kaibigan, Mamahalin natin sila ng totoo. Dito niyo matutunghayan ang grupo ng magkakaibigan na may iba't ibang pe...