Chapter 3

2.4K 121 4
                                    

Somewhere off the coast of Babuyan Islands, Claro borders. It's one o'clock in the morning. Above, the moon is hiding behind the thick blanket of heavy clouds and gusty wind is circling around the area.

Makki pulled the boat over to the side of the lake and secure the rope on the wharf. Umakyat sa mabatong talampas ang lalaki at mabilis na narating ang tuktok niyon. Ahead of him is the trail of a rainforest. After recovering his breath, he began running like a panther and disappear into the darkness inside the woods.

"Deathscythe is on the ground, what is the status of the hostage?"

"Alive."

Palitan ng mga kapatid niyang nasa command center. Malinaw niyang naririnig ang mga ito sa suot na earpieces habang matulin siyang tumatagos sa kadiliman ng gubat at iniiwasan ang masukal na mga puno sa kanyang daraanan.

He is Deathscythe of the Reapers' Guild, a Class S assassin and tonight he is bound to judge another outlaw. A criminal with three counts of massacre. Kahapon ay isang pamilya na naman ang biktima nito. Pinatay ang mag-asawa at ginawang hostage ang pitong taong gulang na anak.

He found the location of the camp and stopped few meters away to clear the surroundings for possible traps and IEDs buried underneath. But there was no sign for any of those. His wrist scanner showed him nothing. He advanced towards the shack.

Tahimik siyang tumayo sa gilid ng pintong kahoy. Nakiramdam sa loob. Lampara at nakabukas na flashlight ang pinagmulan ng liwanag. Dinig niya ang mga kaluskos at ang impit na iyak ng bata.

"Tumahimik ka sabi! Bubunutin ko 'yang dila mo!" Marahas ngunit pabulong na singhal ang sunod na bumasag.

Sinubukan niyang kabigin ang pintong nakakandado mula sa loob. A hand grenade was attached to it. Kapag bubuksan niya iyon nang sapilitan, matatanggal ang safety pin at sasabog ang kubo. Bumaling ang binata sa nag-iisang bintanang nakakoldon ng kadena at tiyak may nakakabit ding bomba mula sa loob. There's no other way to get in than in the roof. Tiningala niya ang bubong na gawa sa nipa.

Umatras siya ng ilang hakbang at ginamit na buwelo ang mga kamay para i-angat ang sarili at tumalon paakyat sa tuktok ng bubong. Inihampas niya ang mga paa sa marupok na bahagi. Tumagos siya at bumulusok pababa sa looban ng kubo kasama ang sabog na parte ng bubong at tuyong mga nipa. Gumulong siya sa sahig at iniwasan ang nagkakarerang mga balang humahagibis at sumalubong sa kanyang pagbagsak.

"Hangal, papatayin kita!"

Blazing bullets missed one after another in just an inch around his body. Ini-angkla niya ang mga kamay sa sahig, umangat at umikot kasabay ng malakas na pagdakdak ng kanang paa sa mahabang armas na bitbit ng lalaking balot ng skintone stockings ang mukha. Humabol ng tama sa ulo nito ang kaliwa niyang sipa.

Laglag ang baril at humandusay ang suspek. Dinakma niya ang ulo nito. Idiniin ang mukha sa sahig at binaon ng sagad sa batok nito ang isa sa mga patalim na nakasuksok sa ilalim ng kanyang gloves. Ilang segundo lamang itong nangisay at napatid ang hininga.

Umunat siya at tumayo. Nilingon ang batang nasa sulok, may busal na tela ang bibig at nakagapos ng lubid ang mga kamay at paa. The boy is looking at him with those shocked eyes filled with tears and horror. Sumenyas siya kung okay lang ba ito. Ayaw niyang magsalita at baka matakot ito lalo sa altered voice niya.

Tumango ito.

Nagthumbs up siya at lumapit. Kinalag ang mga gapos nito at ang busal sa bibig. Hindi siya nakahuma nang yumakap sa kanya ang bata.

"Ikaw po ba ang angel na sinabi ng Mama ko? Sabi ni Mama darating ang angel kapag may bad guy..." namamaos ang boses nito at nanginginig. Pati ang katawan nitong inaapoy ng lagnat.

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon