Mineral Water
By jamskiesweetdelicate
Copyright © 2013 by sweetdelicate
ALL RIGHTS RESERVED. All rights reserved. STEALING IS A CRIME. These stories neither reproduce nor transmitted by the any means of information storage like photocopying and recording without the permission of the author.
[A/N: Sana magustuhan nyo ang story na ito kahit short lang po sya. ito pa yung kauna-unahang short story na naisulat ko. nagsusulat pa kasi ako ng long story. basahin nyo nalang ang Amalayer(exchange love) na Story. todo promote lang po hehehehehe. ENJOY READING PO. loveuguys JAMSKIE]
one shot only story
Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa likod ko.
“Hello Franklin” bati saakin ng best bud ko
“Oh Vincent, nandito ka pala?”
Ako nga pala si Franklin Verdantes,4th year student, isang gwapo, talented, matalino at habulin ng mga babae. Isa din ako sa mga varsity player ng Soccer
game. At ang best bud ko naman ay si Vincent Seferida, 4th year student and varsity player din pero sa basketball game lang. pero classmate Classmate naman kami at seatmate pa, ayos diba?. Sya yung pinakaclose ko sa lahat ng aking barkada.
Ganito kasi yun. Yung mama nya ay business partner ng Mama ko. Kaya kami nagkakilala kasi pareho kaming pinakilala ng mga parents namin. Sabi nila kami daw ang susunod na tagapagmana ng mga pinatayo nilang negosyo. Pero sa totoo lang, wala talaga akong alam sa mga negosyo, negosyo na yan.
“oy!!! Tinatawag na ako ng mga ka-team mates ko. Segi, kita nalang tayo mamaya Franklin ha” paalam nya saakin
“segi”
Nagpalit na ako ng damit at pumunta na ng field para magpraktis.
“franklin, kanina ka pa namin hinihintay” sabi nung coach namin sa soccer game
“Sorry coach, natagalan ako kasi inutusan po ako ni Ma’am Zeggera na ilagay ang mga gamit nya sa Office”
“Sa susunod, aga-agahan mo nang makapag ensayo tayo ng maaga”
“opo Coach”
Inikot ko ang aking paningin sa paligid pero hindi ko nakita ang aking hinahanap
“Mr. Verdantes, is there any wrong with you?”
“Wala po sir”
“kung ganun, magsimula na tayo”
Nagwarm up kami tapos nagsimula na ang training. Tumingin ako sa paligid at sa wakas nakita ko na sya. Lalong lumakas ang loob ko nang nakita ko sya nagyong araw na ito. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang saya.
“Go Verdantes Go!!!” sigaw ng fans ko
Oo, marami akong fans, at may nagtayo nga ng fansclub ko eh. Pero hindi ko alam kong sino sya. Malay ko banag patay na patay sila saakin. Kasalanan ko ba ng nasalo ko lahat nung nag-ulan ng grasya?
Matagal ko nang pinangarap na magcheer man lang sya. Pero Kahit anong gawin ko, hindi ko sya mapapacheer. Pero okay lang saakin yun at ang importante ay nandito sya at nanonood sya ngayon saakin. Kumpleto na ang araw ko kapag nakikita ko sya at pinapansin nya ako ako.
“break muna kayo” sabi ng coach saamin.
Agad naman akong pumunta sa bench na kinalalagyan ng bag ko malapit sa field para kunin ang towel. Basing basa na ako ng pawis at kailanagn kung magpunas. Hindi pa ako magbibihis kasi may praktis pa kami. At tyaka medyo nauuhaw narin ako.