Chapter 1: "Campus Hurt's Rub"

15 2 0
                                    

Chapter 1: "Campus Hurt's Rub" 

(Unang araw ng eskwela sa kolehiyo Hunyo 2014  nagmamadali sa pag-akyat ng hagdan si Rene patungo sa kanyang unang subject, nang biglang may pumatid sa kanya… muntik na siyang mahulog pababa. Subalit hindi niya ito pinansin nang kanyang marinig na nagtatawan sapagkat ito pala’y grupo ng mga kababaihan.)

Sabay tanong sa kanya “ bago ka lang dito ano?”,

halata kasi eh… mukang tatanga-tanga ka pa,

tsaka humagalpak muli sila ng tawa.

Ako nga pala si Ann…, subalit hindi pa tapos magsalita ang babae ay

tumakbo na upang lumayo ang pobreng binatilyo.

      “Teka lang hindi ka lang pala ang-la(mahina),

torpe ka rin pala!” pasigaw na wika ni Anne kasabay ng pilyang ngiti.

Kamoteng! mga babae yan, pasalamat sila bago lang ako ditto,

kundi hindi kilay niya lang ang walang laway.. este latay.

Haiz! Sayang ang ganda pa naman niya kaya lang mukang may topak.

        “Mr.Rosas! Papasok ka ba sa klase ko o dyan ka na lang sa pinto hanggang mamaya”,

(Kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Sir. Pepitos ang titser niya sa computer subject.)

        Ano bang nangyari sayo ha?

        Napagdiskitahan ka siguro ng mga chickababes dyan sa labas no?

(Bagamat bago lang si Rene sa Eskwelahan magkakilala na sila ng kanyang matikas na guro.

     “Ring!” break time na pala, hindi man niya napansin ang oras marahil sa kakwelahan ni Sir Pepitos habang ito’y nagklaklase. Sa Cafeteria may biglang umakbay sa kanya sa leeg, sabay bulong sa kanya) “

        Pasensia ka na kanina ha?

        Napag-utusan lang kasi ako ng mga masters ko kanina eh.

Anne!” tama,  ikaw yung kanina sa corridor hehe, wala yun, ako nga pala si Rene sabay abot ng kanyang kamay kay Anne,

(Nang biglang may tumulak sa kanya sa likuran kung kaya napasubsob siya sa kabilang mesa)….

Aray ko! Natanggal yata yung baga ko dun ah pausal ni Rene,

Teka sino ka ba?... Baket bigla ka na lang nanunulak? “

        Baket papalag ka ba? Sabay akmang susugod kay Rene upang suntukin. “

        Ramon, tama na! Habang hawak ni Anne sa braso upang siya’y pigilin.

Baket sinabi ko bang lalaban ako, (pabulong na sabi Nya sa sarili).

        “anong binubulong-bulong mo dyan?"

Wala sabi ko nga nakaharang ako sa daraanan mo, hehe!

Sige mauna na ako sa inyo pupunta pa nga pala ako ng library.

(Natapos ang unang araw sa klase ni Rene kung kaya nagpasya na siyang umuwi ng bahay. Nang biglang may dumapo sa kanyang pisngi na isang matinding suntok, napapikit siya sa sakit, susundan pa sana ng isa pa. Nang biglang may umawat na mga ilang estudyanteng nakakita sa kanila.Si Ramon pala ang sikat na basagulero sa campus,)

        “Uli-uli pipiliin mo ang babanggain mo ha?”…

         Tara na mga kasama, siguro naman magtatanda na yan sa susunod, hehehe.

Klasmeyt! Ayos ka lang ba?”, dalhin na kita sa clinic…

        argh, pweh!...

        Ikaw pala Khalil ok lang ako.

Pambihira ka naman kasi ang dami namang chick sa campus

baket yung syota pa ng mokong na yun ang dinidikitan mo?...

        Malay ko ba naman na mahilig sa wrestler si Anne

pabirong sabi ni Rene habang hinihimas  ang masakit  nyang panga,

Ibang klase ka rin ano?…

muntik ka na ngang makulata ng mga fratmet na yun nakukuha mo pa ring magbiro,

syanga pala bukas magkita tayo sa computer lab. may ipapakilala ako.

Daig ng Gago ang GuapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon