Masakit mamaalam sa taong mahal mo pa
Pero may mahal ng iba na
Kahit gusto mo pang ipaglaban siya wala na talaga
Wala kang ibang pagpipilian kung hindi ang magpalaya
Bakit mo nga naman panghahawakan ang taong mas naunang bumitaw?
Bakit mo nga naman ipaglalaban ang taong ni minsan di naman lumaban?
Bakit mo nga naman ipagpipilitan kung siya na ang may ayaw?
Na kahit ilang beses kang sumigawhinding hindi niya maririnig ang puso mong uhaw
Sa pag ibig na minsan niyang binigay na siya ring naagaw
Masakit ang paalam ,mahirap mag patahan ng pusong natangis dahil sugatan
Pero mas masakit ang matali sa nakaraanNa kahit gaano mo kagustong takasan
Paulit ulit kang binabalikanNa kahit gaano mo gustong kalimutan
Paulit ulit na mag babalik Mga haplos, yakap at halik
Na minsan mong nadama,naranasan at ngayo'y isang ala-ala na lang na gusto mo nang iwasan
Akala mo magiging sapat yung rason na mahal mo siya
Kaya mananatili kana mamahalin mo siya sa malayo at pinakamailap na paraan
Pero mali ka dahil sa pag lipas ng panahon minsan masasabi mo nalang " Nakakapagod din pala talaga "
At wala ka nang ibang magawa kung hindi ang magpalayaKaya bitaw na, huwag mawalan ng pag-asa
Balang araw, matatagpuan mo rin ang ligayaat ang isang tao na tiyak, ikaw ang pipiliin sa tuwina
Sa ngayon, bitaw na muna .