His POV

13 1 0
                                    

Lagi ko sinasabi na papakasalan ko siya sa pangarap na simbahan naming dalawa. Pero ang hirap pala gumawa at mag-isip ng Engagement Proposal 😅 Yung tipong yung taong gusto mo pakasalan kabisado ka na pati ang posible mong gawin para sa kanya. Paano ba ako magsisimula? Ano ba dapat ang aking gawin? Mga tanong na araw at gabi sa utak ko'y gumugunita. Walong taon at halos tatlong buwan ko din hinintay ang pagkakataon na alukin sya na humarap na sa altar. Buo na ang damdamin ko pakakasalan ko ang babaeng pinakamamahal ko ngunit paano nga ba ako magsisimula? Magugustuhan ba niya ang mga plano ko? Mga dagdag na katanungan na pilit gumugulo sa aking isipan. "Lord bigyan mo naman ako ng sign" paulit-ulit na aking dalangin. At sa isang kisapmata binigyan Niya ng kasagutan. Nung Oct. 9 ay kaarawan ng aking pinakamamahal. Ano nga ba ang pinakamagandang regalo na dapat nama'y kanyang matanggap? Isang plano sa tulong ng kanyang pamilya matapos kong hingiin ang basbas ni future mama and papa 🥰 Sa kabila ng mga kaba at takot na baka sila ay hindi muna pumayag, naglakas ng loob na ang kamay ng prinsesa nila'y aking hingiin kasunod ay ang basbas ng mga magulang na nagpadama ng pagtitiwala 😌 At sa paghahanda nga sa mga surpresa katulong pa ang kanyang pamilya. Simpleng set-up ng mga lobo, bulaklak, isang malaking oso at mga pailaw na hanggang sa pagdating ng kaarawan nya'y pilit naming ikinubli. Hindi ko malaman ang aking naramdaman. Buong araw ako'y kinakabahan. Lahat ng plano'y tila hindi pa magkaintindihan. Hanggang sa isang kantang aking alay sa kanya ang nagsilbing simula, na ang isang tanong na matagal nang nais bigkasin ay ito na nga. Patuloy na pagkabog ng dibdib kasabay ng pagkantang nagmula sa puso. "May regalo ako sa'yo pero kailangan mo ipikit ang mga mata mo. Wag mong ididilat hanggang sabihin ko, may tiwala ako sayo". Kasabay ng pagpikit at pagtakip ng mga mata ay ang pagtagaktak ng pawis na pati sasabihin ay aking nalimutan na. Sa harap ng kanyang pamilya ang taos-puso kong pasasalamat kasabay ng pangakong kahit saan man makarating iibigin ko ang kanilang prinsesa. At paalalang "Bago mo sagutin ang nag-iisang tanong na madaling sabihin pero mahirap panindigan, gusto ko pag-isipan mo muna kung handa ka na ba". "Jejen, you may open your eyes now" at habang pinanunuod ko sya, para bang panaginip lang ang lahat. Nakaluhod sa kanyang harapan sabay sabing "Will you marry me?" At agad na sagot nya at walang pag-aalinlangan "Yes!" Kasunod ng tila pag-ulan ng mga bulaklak nagkaliwanag lalo ang aking buhay! Sa isang tanong na madaling sabihin ngunit mahirap panindigan ay ang pangakong hanggang sa dulo siya ay aking ipaglalaban. ❤️😍

The ProposalWhere stories live. Discover now