KABANATA 02

3 0 0
                                    

Sabado ngayon napag isipan kung pumunta sa mall para mamili ng grocery at saka maka bili narin ng kulang kung Gamit sa school.Napadaan ako sa isang jewelry store.May Nakita akong isang couple airplane ring,Naisip kung bilhin at ibibigay ko sa kanyang birthday bilang regalo.

Alas syete na ng gabi ng makarating ako sa bahay naabutan ko si manang sonya na nagwawalis sa sala.

''good evening manang''sabi ko ng naka ngiti.

"magandang gabi rin neng, nabili mo ba yung mga nasa listahan?"

"opo manang walang labis walang kulang yan"pabiro kung sabi.

"nako ikaw talagang bata ka, siya akin na iyang mga pinamili mo at ng maayos kuna"

"tulungan na po kita manang madami rin ito eh".

"ay siya nga pala neng pinapasabi ni darius na hindi daw muna ulit siya makakauwi ng ilang mga araw at may dalawa pa siyang flight pa Taiwan,kaya wag mo na daw siyang intayin"

"Ay ganon po ba,sige po thank you po manang"

Ilang araw na simula ng huli ko siyang makita dito sa bahay kasi simula ng ikasal kami may naiwan siyang mga trabaho, nagging busy rin kasi kami nong ikasal kami. Pero naintindihan ko naman yun kasi trabaho niya naman yun.

Nang matapos akong magshower binuksan ko ang aking laptop para gumawa ng lesson plan gagamitin ko sa buong linggo para sa school.Nang matapos ako Naisipan kung nag login sa aking facebook,una ko agad ginawa ay inistalk ang aking 'dear husband' sinerch ko ang pangalan ni darius sa search botton.

"hayts pogi talaga ng asawa ko,walang kupas".

"Kaylan mo kaya ako mamahalin?, hayts buang ka talaga ali ni hindi ka nga inuuwian eh edi ibig sabihin dika mahal."habang kinakausap ang sarili.
...
Alas nuwebe na ng umaga ng magising ako ay nagsipilyo at nag hilamos ako at bumaba na para mag breakfast.nang makakain ako ay nag handa na ako para sa aking routine, nilatag ko na ang aking yoga mat at nagsimula na akong mag exercise,naka sport bra at nike short at black rubber shoes.

"awit nakakapagod" habang pinupunasan ang pawis.

"manang ano pong lunch na niluto niyo?"

"nagluto ako ng monggo neng tapos galonggong "

"wow manang ang sarap Naman niyan hehehe"

"Uuwi daw kasi si darius kaya nag request siya ng monggo at galonggo namiss niya raw kasi"

" Akala ko po dipa siya makakauwi ng ilang araw?"

"biglaan eh akala ko rin sa susunod na araw pa siya makakauwi,di ba niya nabanggit sayo neng?"

"nako hindi po wala naman akong natatanggap na text galing sa kanya"

"ay ganon ba"

Tumango na lamang ako para sa aking sagot at umalis na at naligo.nang matapos ako sapag ligo ay saktong dating naman ni darius, Naka Itim na tshirt at pants siya na nagpapalakas ng kanyang karisma Samahan mo pa ng kanyang gwapo at maamong mukha.nang makababa ako ay nginitian ko agad siya.

"andito kana pala"sarsastiko kong sabi.

"Yes,why Im I not allowed to come here,as far as I know this is my house after all?"tanong niya.

"Lah sungit ,eh kasi naman himala umuwi ka ilang araw na kaya kitang hindi na kikita tss"

"oh iho andito kana pala sakto at katatapos ko lang gumawa ng juice,siya sige umupo kana at kumain na tayo"

Sinunod niya ang sinabi ni manang at nagsimula na kaming kumain kasabay namin si manang kumain dahil napagusapan namin na since minsan nga lang umuwi si darius eh sumabay na siya sakin para naman may kasabay akong kumain kasi nasa trabaho si darius.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Airwaves : Forbidden Series 01Where stories live. Discover now