Sa isang ospital ... may isang magandang dalaga mula sa mayamang pamilya, na naconfine ng matagal-ang nagising na sa unang pagkakataon.
Madaling araw na iyun,mag isa sa kuwarto 4:30am
Ng dumilat ang kanyang mata na bahagya... may naaninang siyang tila isang lalaki sa tabi ng kurtina. Malabo pa ang kanyang paningin at bukod pa sa madilim pa ang paligid ng kuwarto. Nagtaka siya kung sinu yung lalaking naka gray yun lang ang pagkakakita niya subalit ang mukha'y hinde malinaw makita.
napapikit siya para isipin na nanaginip lang siya at ng buksan nya muli ang mata niya ay nawala na ang imahe ng lalaki sa likod ng puting kurtina.
*Sino kaya siya?* sa isip ng dalaga.
***
Makalipas ng ilang oras ng umaga ding iyun...7:30am
Nagbalita na rin ng mga doktor ang pagising ng dalaga sa pamilya niya. Pero hinde nya makilala sila.at maging sinuman siya--- nag amnesia siya. Ang dumalaw sakanya ang isang matandang babae, at isa pang dalaga at isang binata.
"si-sino kayo?..." ani ng dalaga.sa unang sambit nya naluha ang matanda.
"hinde mo ko nakikilala?-ako 'to iha ang auntie May mo,at nandito din si Charlotte bestfriend mo at si Bryan." Ani ng matanda.
"Si Bryan?..."
"Fiancee mo ko..."ani ni Bryan."kamusta na pakiramdam mo?"
"ayus lang medyo na hihilo ako..."
"sa ngayon ok naman ang mga vital signs nya , yun nga lang may amnesia siya,pero marerecover iyun kapag mag mga bagay na nakakapagpaalala sakanya--- at isa pa kailangan nya muna magkikilos ng dahan dahan para marecover ang katawan nya mula sa matagal na nahiga." Paliwanag ng doktor.
** Si Bryan Reyes...bunsong anak ng isang negosyante (ngaung tagapagmana) matapos mamatay ang kuya nyang si Joseph,Si Bryan ay isang matalinong at kagalanggalang na tao,happy go lucky at masayahin. marami ang nagkakagusto sakanya ngunit si Sophie lang ang kanyang minahal. kababata ni Sophie sina Bryan at Joseph... samantalang si Charlotte ay highschool friend nya nakilala.**
"auntie?"
"anu iyun Sophie?"
"anu bang nangyare sakin?"
"kase..." sabay tumingin sa dalawa nyang kasama ang matanda."nabangga ka sa minamaneho mong sasakyan ee, at yan ang nangyare, halos 2 taon na rin ang nakalilipas mula nangyare ang aksidente."
"akala nga namin best, hinde ka na magigising pa huhhuhu!" ani ni Charlotte.
"buti nga at nagising kana... sa wakas!" ani ni Bryan.at ngumiti ito sakanya.At sa recovery ni Sophie matyaga siyang inaasikaso ng mga nurse sa paglalakad sa hallway ng dahan dahan at kung minsan dinadalaw siya ng mga kamaganak nya.
Maaga na ulila si Sophie kaya ang auntie na nalang ang nag aruga kay Sophie at tinuring na sariling anak din (matandang dalaga: hinde na nagkaanak).namatay sa sakit ang ama ni Sophie, samantalang ang ina nya naman ay namatay matapos siyang ipanganak.
***
Makalipas ng 4 na buwan .. matapos makalabas ng ospital,at pauwi na siya sa bahay nila, naging masaya ang lahat para kay Sophie.Nagkaroon din ng munting Celebration at handaan...WELCOME HOME SOPHIE! Nakasulat sa isang tarpaulin. At ang tanging nasa isip ni Sophie sa mga oras na iyun ay magsisimula na ang magandang alaala --- kahit pa hinde nya alam ang nakaraan nya, mas pinili niya na maging focus sa mga taong na sa harapan nya. Na tila may part sa utak nya na nagsasabing kalimutan ang nakaraan at yung kalahati'y na nagsasabing bakit may parang kulang?
**Malaki ang bahay nila Sophie Ruess 24. Siya ay isang edukada ,simple,mabait,mahinhin at hinahanggaan ng lahat sa kanyang kagandahan at lalo na ang talento sa pag piano pati na rin sa pagpipinta. Hinde nga lang siya palakaibigan kaya si Charlotte (kababata niya) lang ang tanging pinagkakatiwalaan nya. Hinde rin siya palangiti kadalasan pa ay tahimik.
Kahit pa hanggang ngayun na may amnesia siya, hinde parin nagbabago ang personality niya. At kahit pa na sabi nila na dapat siya magsimula sa mga bagong alaala, may kung anu gumugulo sa isipan niya na gustu pa rin nya malaman ang nakaraan bago mangyare ang aksidente.**
BINABASA MO ANG
My Haunted Memories
Mistério / SuspenseTAGALOG This is the story of a lovely girl...and her forgotten memories, after waking up from a tragic accident, and as she trying to figure out... about her darker past, by from her dreams, will she able to make it what lies within... or will it...