Prologue

7.1K 133 8
                                    

Waiting Him [Forgetting Him Sequel]

Date Started: March 27, 2015

Prologue

Three years later…

 

Can you still hold on into something that’s already fading?

Makakaya mo pa kayang mag-antay kung wala ka naman ng hihintayin?

Akala mo siya na? Malay mo hindi pa pala.

“I’m sorry, Pink” malamig na sabi niya mula sa kabilang linya. Huminga siya ng malalim bago niya sabihin ang mga salitang alam kong sasabihin niya ngayon.

“Let’s break up. Forget me please? I hope you’ll find your happiness, good bye. I’m sorry, Pink.” aniya bago niya tuluyang ibaba yung telepono.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili kong umiyak kahit na alam ko sa sarili kong heto na, tapos na rin kami ni Dylan. Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, hindi ko pa rin talaga napigilan. It’s really the end for the both us.  

It hurts. It really hurts. But then, I don’t want to repeat what happened before, ang magpadala sa sakit at pagkabigo. Maybe we’re not really destined to be together, baka nagkamali lang talaga ako… ulit.

“I will find my happiness, Dylan” I sobbed. “I will, one day I’ll able to find it” I softly said.

Mahigpit kong niyakap ang mga tuhod ko at doon ibinaon ang mukha ko at umiyak. Akala ko si Dylan na ang lalaking makakasama ko habangbuhay, akala ko siya na yung tamang lalaki para sa akin. Akala ko lang pala lahat ng iyon. Umasa na naman ako, umasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.

Pero ganun naman talaga, lahat tayo umaasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Nagtitiwala lang tayo na sana maganda ang maidudulot nun sa atin, umaasa na sana hindi tayo nagkamali ng pinili o naging desisyon. Pero parte na rin ng buhay natin ang magkamali, bumagsak at masaktan. Dahil sa bawat mali, bagsak at sakit na nararanasan natin, patuloy pa rin tayong umaasa, patuloy pa rin tayong nagtitiwala na isang araw… magiging maayos ang lahat.

Habang may buhay, may pag-asa. Habang may puso, may pag-ibig.

***

“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Shang. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

“Oo naman, ayos lang ako” sabi ko sa kanya habang nilalabas ko sa bag ko yung binder ko.

“Sigurado ka?” pag-uulit niya sa nag-aalala pa ring tono.

“Oo ayos lang talaga ako” sabi ko sa kanya at nginitian siya. “Hindi ko ikakamatay ang break up namin ni Dylan” kalmadong sabi ko sa kanya. 

Magsasalita pa sana siya nung biglang pumasok yung prof namin para sa subject na ‘to. Habang naglalakad siya papunta sa table niya ay ramdam na namin agad ang strict aura sa kanya kaya tumahimik kami agad. Heto pa naman daw si Mr. Dragon ang prof na nambabagsak ng mga estudyante kaya dapat behave ka sa kanya at mag-aral ng mabuti.

Waiting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon