justbreathesofie (March 27, 2015)

195 8 2
                                    

Date: 26 March 2015

Penname: justbreathesofie

1.      Introduce/describe yourself…

-          I am a Sanguine, Melancholic and Choleric—in short, I am nuts. :D

2.      When did you start writing?

-          Two months after my surgery, when I was recovering from my brain surgery.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          Ganito yun, second life ko na ito at dahil idol ko si Rissa Singson-Kawpeng, hinugot ko ang unang part sa email add niya—justbreathe.

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Kala ko lang joke.  Ang gusto ko lang mabasa at maging 1 M ang reads ng The Savage Casanova.

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          Ang pamilya ko.  Ang gusto ko lang talaga, may gawin habang nabuburo ako noon sa bahay.  Ang makapagsulat ng story na gusto kong basahin.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Nakikinig ako ng music habang tinatapos ang outline ng chapter ko, then sulat na.

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Sensitive akong tao, I don’t take criticism well, kaya pinipindot ko ang mute/ignore button—unless, editor ka ng LIB. :D

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Maging supermodel—joke.  Pangarap kong maging isang operatic singer.

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Cinderella Deal ni Jennifer Cruise at mga libro ni Johanna Lindsey

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-          Ang sama kong tao, pero kakaunti lamang ang kilala kong Filipino writer.  Pero dahil nameet ko si Sir Jun Matias—isa na siya sa hinangaan ko.  (Hindi po ako nambobola)

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Sa mga kwentong nababasa, napapanood ko.  Minsan sa mga taong nakakasalamuha ko.  Bawat pangyayari sa buhay mo, may makukuha kang material.

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          The Savage Casanova (published by LIB)

-          Sana mapublished din ang mga spin-off nila.

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Kalokohan.  Choice mong mag-asawa at mabuntis ng maaga.  Mas madali ang manisi ng iba kaysa aminin ang kahunghangan mo.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          A book that will inspire and convert people to God.  I have already a book in mind, “Divine Inspirations”—wala pa lang akong matinong time magsulat.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Read more, write more.  Be imaginative in reaching “Quiapo.”

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon