Someone's POV
"Umalis ka na dito! Hindi ka dito nababagay!"
"Batuhan niyo pa ng kamatis, dali!"
"Kumuha kayo ng flour!"
"Tapunan niyo siya ng mga basura!"
....
'Yan ang sinisigaw nila sa'kin kanina... Nandito ako ngayon sa likod ng paaralan, walang ibang magawa kundi ang umiyak... Ganito naman kasi palagi ang nangyayari eh. Pero grabe naman sila! Mag- dadalawang taon ko na 'tong nararanasan. First day na first day hindi pinatawad!
Pagpasok ko kanina sa campus, bigla na lang akong hinila at napunta na kami dito sa likod... Pinagbabato nila ako ng kung ano-ano. Pagkain, basura, at kung ano-ano pa... Iniwan lang nila ako kanina noong tumunog ang bell... saved by the bell ika nga nila...
.
.
Ano ba'ng kasalanan ko? Bakit ba nila ako ginaganito? Bakit ba nila ako ina-api? Ano ba'ng ginawa ko sa kanila para tratuhin ako'ng ganito?... wala naman akong ginawa sa kanila eh... wala...
.
.
.
Dahil ba isa lang akong nerd? Na ako ang paborito ng mga teacher? Dahil ba hindi ako nababagay sa paaralang ito, dahil ito ay exclusive only for the elites? Sa mga mayayaman? Mga sikat? Nakakahiya ba para sa parte nila na meron silang schoolmate o classmate na nerd? Bakit ba ang liit-liit ng tingin nila sa'kin?
Ba't ang unfair?...
.
Minsan... naii-isip ko na para akong isang mangang hilaw. Hindi binibili, dahil hindi pa ito hinog... Panlabas na ang binabasehan sa pagkakakilala mo sa isang tao at hindi na ang panloob... Oo nga at hindi pa ito hinog dahil berde pa ang kulay nito, pero hindi ba nila alam na tulad ng isang mangang hinog ay masarap din ang manggang hilaw?...
.
Ang unfair dahil hindi sila kumakain ng manggang hilaw dahil gusto nila ng hinog... Eh ano naman kung magkaiba sila ng kulay, kung magkaiba sila ng lasa... eh manga parin naman silang dalawa. Hilaw man o hinog ang isang manga, wala itong pinagkaiba... bukod sa parehas parin silang manga, parehas parin silang masarap, sa magkaibang paraan nga lang...
.
.
.
Ako nga pala si Lindcy Mae Vergara...
.
.
I'm the nerd...
BINABASA MO ANG
Hidden Desire
Teen FictionAng damdamin ng isang tao, hindi dapat tinatago… . . . Lalo na ang pagmamahal…