Chapter 11: His Reason

120 15 1
                                    


"That ends our discussion, thank you for listening."

Malakas na nag-palakpakan ang mga kaklase namin, nanatili akong tahimik at nakatulala sa kanya. He's formally attired for today, he even fixed his hair. I could sense an unpredictable confidence in him, his speaking is too fluent and he stands firm.

Things like this happen when you underestimate and doubt a person.

Yumuko ako at muling napatingin sa mga binti, nagsuot ako ng itim na stockings para matakpan ito dahil maikli ang skirt ng uniform namin. Makapal ang mga pasa at kitang-kita, iniisip ko na baka mapansin iyon ni Don saka ni tita.

"Very well said, Mr. Castille. The discussion is very informative and the presentation itself is eye-catching so I gave you higher grades prior to the one-hour discussion," pagsasalita ni ma'am at tumingin sa akin. Inaayos na ni Yandiel ang mga ginamit na wires at projector.

"That's it for today's class. Goodbye class!"

Tumayo ako nang dahan-dahan at walang ganang inayos ang bag, sinandal ko ang isang kamay sa upuan sa aking harap para pigilan ang panginginig ng mga binti. Nagugutom na 'ko.

Napatalon ako dala ng pagkabigla at muntik nang mapahawak sa dibdib. Walang emosyon akong nilingon ni Yandiel matapos pagbagsak na inilapag ang hard copy ng report niya sa desk ko. I frowned, what's with him?

"Thank you," pagpapasalamat ko pa rin.

"Mmm." Hindi niya na ako muling tiningnan at nag-walk out na sa harapan ko. Is he mad that I made him do this one-hour discussion alone? There's nothing wrong with it since he did well, he's at it again. Kagigil, ay.

"Are you two close?" singit ni Hail na katabi ko, sinundan niya ng tingin ang supladong si Yandiel na lumabas na ng classroom namin.

"Hindi," diretso kong sagot at ngumsi.

Tumawa siya nang mahina. "Halata nga," sambit niya. "Ang sungit no'n, ano? Minsan lang magsalita tapos kung tatanungin mo, tipid lang ang sagot. Kaklase ko siya sa maraming subject."

"Ah..." I nodded and smiled. "He change mood from time to time. Minsan masungit, minsan medyo mabait. Hindi ko rin alam."

Nagpaalam na siya para daluhan ang mga kaibigan niyang nasa labas naghihintay. How nice it must be to have that kind of friends? They're nosy but gives happiness anyway.

"Bora!"

"Opo, ito na!"

Isinukbit ko ang bag ko sa magkabilang balikat at lumabas na ng room para puntahan ang pinsan kong kinukulang na ng pasensya. Dinadahan-dahan ko lang ang lakad ko dahil marami nang mga tao sa corridor.

"Pinsan mo?"

"Oo."

"Kailan pa?"

"Simula no'ng pinanganak siya."

Napatulala ako sa dalawang kausap ng pinsan ko. Ngumisi nang nakakaloko sa akin si Aiden at tiningnan lang ako ni Ravi, sa likod nila ay si Yandiel na nakasandal sa pader at nakatingin lang sa kawalan. What is this? What's happening?

"Pangalan ng pinsan mo?"

Binalingan ako ng tingin ni Don at ngumuso lang. "Deborah."

I closed my eyes for a second and breathed heavily. I knew it, Donielle is now an official basketball player and these two hooked up with him as seniors. I wonder what their real purpose is. Is it me? Or do they like him? My cousin is a smart guy.

Nagpilit  na lang ako ng ngiti at ipinagpatuloy ang pagkain. I guess they're close now. This is bad.

"You should look after your little cousin." Nag-angat ako ng tingin kay Aiden na nagsalita, nakipag-tinginan ito sa akin na parang sinusukat ako. Hinigpitan ko ang hawak sa kutsara ko kaya mas lumawak ang ngisi niya. "She looks tough and..."

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon