May crush ako
Kaso may girlfriend sya
Ang sakit lang di ba?
So, ako ba'y maglalaslas na?
May crush ako
Kaso di nya alam
Pano nya naman malalaman
Eh, ako lang naman may alam.
May crush ako
Matagal-tagal na rin 'to
Di pa man sila noon
May nararamdaman na ako.
Bakit nga ba crush ko si crush?
Kasi magaling syang sumayaw
Kasi ang astig at ang cool nya
At kasi vitamins sya sa mata.
Yung girlfriend nya?
Hindi naman maganda!
Joke! okay naman sya
Kaso mas okay kung ako sya.
Yung crush ko at girlfriend nya
Okay naman sila
Palagi silang magkama, ang sweet-sweet pa
Sana ako rin, katulad nila.
Kaso hindi eh, dalawa sila, ako mag-isa
Masaya sila, ako pinipilit maging masaya
Ang sakit-sakit na, nakakagago
Ititigil ko na ba 'to o go lang ng go?
Mahirap pala ang ganito no?
May mahal ng iba yung taong gusto mo
Ano naman ang laban ko dito
Sila na nga diba? Di talo na ako.
May crush ako sa kanya
May crush din ako sa iba
Kaso iba ang nararamdaman ko sa kanya
Argh! Sarap nilang pag-untugin ng syota nya.
May crush ako
Kaso may girlfriend na sya
Kung aamin ba ako
Magiging kami kaya?
May crush ako
Kaso di ako ang crush nya
Magmo-move on na lang ako
At ititigil ang katangahang ito.
-------------------------------------------------------------
Yes, hugot pa more! Haha. Salamat po sa mga nagbasa. :-)