mmxv.

238 3 0
                                    

Bagong simula nanaman. Mahaba habang paglalakbay ulit. Madami nanamang problema, madaming nanamang alaala. Magkikita-kita nanaman tayo.

form your lines, by section.

Bago sapatos. Bago polo. Bago din nametag kasi 4th year na. Bagong panyo. Bagong school year.

As usual, 7 am assembly time. Makikita nanaman natin yung mga kaklase natin, by shop naman kasi so hindi nagbago. 

Pagdating, as usual, nasa savio dome lahat. Nakasardinas. Lahat nagkkwento tungkol sa summer nila. Akala mo ilang taong hindi nagkita pero gumala naman din nung summer. 

Haba ng buhok, akala mo isang taong nagtago sa gubat pero yung iba naman bagong gupit, gusto good shot sa start ng school year.

Sepanx. Last year na eh. Nandun yung pressure pero iba yung excitement. Lahat ng last this year mangyayari.

alphabetically, by class number.

Panibagong hi at hello nanaman sa bawat isa.

Nandyan nanaman sila. Seatmates and classmates ng isa pang taon.

Magpapakilala sa bawat teacher and sa klase kahit na apat na taon nang nasa highschool.

Lahat ng pangakong magbabago, kalahati naiwan nalang sa pangako. Gusto niyo ng proof?

Penge yellow pad, 1/2, 1/4, lengthwise, crosswise.

Pahiram ballpen, pencil, coloring pens, ruler, stapler.

Paprint. Paphotocopy. Hati tayo. Sige na. PLEASE.

Lahat ng kalokohan at tulungan consistent parin.

Tawanan, iyakan. Away, gulo. Kainan, inuman(joke)

Yun bang papasok ka araw araw hindi para sa lessons, quizzes, exams or any school related stuff. Papasok ka dahil sa kanila, sa mga kaibigan mong hindi nauubusan ng kwento, kalokohan at pagkain.

tara, kain. tara, gala.

Gb, Glo, SM's, Taft, PRC, Walter, MCS, Fishball, Taho, Tindahan ni manang, jollyant, panchita's, dang dee.

Kung saan aabutin ang pera, dun nalang.

Kung saan aabutin mga paa, dun nalang.

After classes or before classes basta may nagyaya, mahirap nang tumanggi.

in the name of the father and of the son and of the holy spirit.

concert, mass version. only in makati. only in don bosco technical institute of makati.

Fr. Tutti, Fr. Dindo, Fr. Rector. Fr. Manny, Fr. Nestie, Fr. Degz and the other members of the band.

Kompleto palagi instruments, from guitars to drums. 

Malaconcert kasi mafefeel mo yung pagka dome ng magone dome sa sobrang lakas. 

Usually, final song I will song forever. "Yes, I will sing forever of your love. *drumroll* Oh, Lord."

Sana nga pwede pang pahabain yung oras na mabubuo yung batch. Yung lahat kumpleto, lahat masaya. Yung lahat naglalaro, kumakain, naguusap at naglalakad lang sa campus like any other day. Ilang beses din natin nasabi na sana matapos na yung school year kasi sobrang hirap na hirap na tayo kasi nagsabay sabay lahat ng problema. May mga panahon din na nagsisi tayo sa mga hindi natin nagawa at sa mga nagawa natin. Siguro naman nabigay na natin yung best natin sa pag-aaral. Sapat na din yung mga nagawa nating sacrifices kaya tayo nandito ngayon. Sana nga pwedeng ulitin ulit from the start of the school year, pero wala na din eh. Huli na, at sana napanindigan na natin lahat ng bagay na nagawa natin. Sana mapasalamatan natin lahat ng dapat pasalamatan at magsorry at magpatawad sa mga nagkasala at ginawan nating ng kasalanan. Sana nasabi na natin lahat ng gusto nating sabihin. Hindi natin alam, baka ito na din yung huling pagkakataon na makikita natin lahat ng batchmates. Nagpapasalamat din ako na dito tayo napunta, batch 2015. 

interlude.

Bago sapatos. Bago barong. Bago din ribbon. Bagong panyo. Bagong yugto.

3pm daw call time. Makikita nanaman natin yung mga kaklase natin, by shop naman kasi so hindi nagbago. 

Dadating tayo, as usual, nasa savio dome lahat. Nakasardinas. Lahat magkkwento tungkol sa memories ng school year nila. Akala mo hindi nagkita ng isang buong taon, pero magkakasama naman araw araw.

Ang ayos ng buhok, akala mo susunod ng santo.

Sepanx. Last day na eh. Nandun yung pressure pero iba yung excitement. Last na ng lahat ng last.

amen.

concert, mass version. only in makati. only in don bosco technical institute of makati.

Fr. Nestie, Fr. Tutti, Fr. Rector, Fr Dindo.

Kompleto insturments.

Entrance Song, I will sing forever. Huling drumroll na ni Marwin. 

Yes, I will sing forever of your loveeeee. *Marwin Gonzales Caoile's drumroll* Oh, Looord!

alphabetically, by class number.

Huling goodbye o paalam na.

Nandyan nanaman sila. Seatmates and classmates sa huling araw ng school year.

Pahiram ng mga alalala. 

Paphotocopy ng Grad Pic.

Sige na. PLEASE.

Tawanan, iyakan.

Graduates. Please, rise.

tara, kain. tara, gala. tara na.

Kung kailan makukumpleto, dun nalang.

Kung may oras, dun nalang.

Kahit kailan, kahit busy. Mahirap tumanggi.

Bagong simula nanaman. Mahaba habang paglalakbay ulit. Madami nanamang problema, madaming nanamang alaala. Sana magkita-kita ulit tayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

please, rise.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon