"Tadaima"
Walang sumagot kaya naman dumeretso na sa hapag kainan sina Seki, rinig nila ang kalampag ng mga kubyertos at pinggan "Oh nandito na pala kayo" naulinigan nila nanlaki ang mga mata nila sa nasaksihan, ang mga kaibigan na iniwan nila ay naunahan pa sila makabalik.
"Ang bilis nyo naman?" wika ni Kiyota
"Nagtext si Tito, kailangan daw ng tulong sa pag hahain" tugon ni Sendoh
"Sa bakuran daw muli tayo mag hapunan" dagdag ni Takasago
"Boys, pakibitbit na ito sa baba.. Thank you" wika ni Yuika
Kanya kanya naman kuha ang boys ng dadalhin sa labas, naiwan naman ang kadarating lang "Seki, Kiyota anong nangyari sa mukha nyo?" nag aalalang tanong ni Yuika, tumigil naman saglit si Rio sa ginagawa nito kita rin nya ang mga maliit na galos ng dalawa "May nang away ba sa inyo? Sabihin nyo at igaganti ko kayo" seryoso nitong saad habang kinuha sa pader ang itak, pinalo naman ni Yuika ang braso ng asawa gamit ang sandok na hawak "Darling tumigil ka dyan sa pagiging palaban mo" maingat na binalik ni Rio ang itak sa lagayan nito, mahina nagtawanan ang mga bagets (Kiyota, Seki, Olivia at Alisson).
"Lenlen, kumusta ka na iha, mabuti binisita mo kami ulit" masiglang bati ni Yuika
"Hello po Auntie, Uncle... Okay naman po ito, maganda pa rin" bati ni Alisson
(Nagtawanan naman ang lahat)
"Dito ka na mag hapunan, sabihan ko na lang si Kumpareng Dai" paanyaya naman ni Rio
"Oh bago mag hapunan, gamutin nyo muna ang mga sugat ninyo... Oli, pakikuha na lang first aid kit"
"Okay po Yuika-nee" chirpy voice na tugon ni Olivia
Hindi pa nakakalayo ang dalaga ay may mga dagundong na yabag ng mga paa, ang boys humahangos pabalik ng bahay
"Auntie Yuika, hindi po pwede mag dinner sa labas" paliwanag ni Hasegawa
"Malakas po ulan" malumanay na boses naman ni Fukuda ang narining nila ngayon
Nag nod naman si Yuika "Ah ganon ba, oh sige, ayusin nyo na lang ang hapag kainan, may kasama tayo si Alisson" nilagay niya ang kamay sa bandang unahan ng dibdib ng binanggit na pangalan "Kilala na naman siya Auntie Yuika.. Hehe" tugon ng boys "Kanina lang actually" sagot naman ng iba, may mahina pagtawa si Yuika habang hinaplos ang tiyan dahil may iba na nag sigawan nang sinabi nya na makasalo nila ang kababata ng pamangkin "Boys you know the drill" paghudyat ni Rio "Kunin nyo na lang yung isa pang lamesa at ilan upuan sa baba okay lang ba" dali dali naman bumaba ang ilan para gawin ito.
"Good decision sa mga kulang sa height wag na kayo mag volunteer bumaba.."
"Ano na naman pinaglalaban mo ha Sakuragi?"
"Wala lang, maliit kasi kayo eh, naka epekto ang paglaki sa pagbubuhat ng mabigat" tugon ni Sakuragi
"I think, applicable lang ang sinabi mo sa mga bata... sa growing years nila" nagpahayag ng sentimento si Hanagata
"Oo nga noh, talino mo talaga Boy labo no. 2, wala na sila ilalaki pa.. Nyahahaha"
Inawat naman ni Hasegawa, Ikegami at Mitsui ang mga kaibigan nilang sina Fujima, Koshino at Miyagi alam nila na sila ang tinutukoy nito "Bakit hindi ka nakisali" tanong ni Maki kay Hikoichi na bumulong rin "Alam ko naman na totoo yun eh.. Hehehe" mahina sila nagtawanan, pinigilan rin ni Yuika at Rio ang mga sarili na tumawa, kinausap na lang nila sina Seki at Kiyota na linisin muna ang mga sugat nila habang abala sila sa pag hahanda sa hapunan.Nagtungo ang dalawa sa silid ni Seki sapagkat wala na sila mapwestuhan sa sala, sa dami ba naman ng kaibigan ng binata, bago pa sila makapasok ay inabot na ni Olivia ang first aid kit sa kanilang dalawa. Sinabihan ng dalaga ang kasintahan na umupo sa kama, ginamot na agad nito ang galos sa bandang kilay.
"Baby... sorry nagkagalos ka dahil sa akin"
"Wala kang kasalanan Baby... Maliit na galos lang yan ang mahalaga hindi ko pinabayaan na bastusin ka ng mokong na yon"Pinatong ni Seki ang bulak na may antiseptic kung saan may mga galos si Kiyota, una sa kanan banda ng kilay, sa may noo sa may labi "Aray!" hindi maiwasan mapadaing ng binata sa hapdi ng gamot na nagpataas ng kilay ng dalaga "Oh, akala ko ba maliit na galos lang". Ngumiti ng alanganin si Kiyota "Maliit nga, pero kasi ang hapdi nung gamot.. Antiseptic ba yan?" tumango si Seki bilang sang ayon "Baby, kailangan linisin muna ang sugat bago lagyan ng ointment" ininda naman ni Kiyota ang kirot na naramdaman "Yung sa labi ko yung sobra hapdi kapag nilagyan nung antiseptic" inassure ni Seki ang kasintahan na mas magiingat sya sa paglapat dito ng gamot. Ilan minuto pa hinintay nila bago natuyo ang nilagay na antiseptic, kinuha ni Seki ang ointment "Huwag na natin lagyan ng band aid, neh... para hindi makulob" sumang ayon naman si Kiyota ngunit namutla sa nakitang hawak ni Seki