Chapter Forty-One

62 4 1
                                    

Kung kaya lang liparin ni Finn ang distansiya niya papuntang ospital ay ginawa na niya sa sobrang pag aalala sa asawa. Mabuti nalang at sa ospital na pinagta-trabahuan niya ang mga ito isinugod kaya madali siyang makakapasok. Dahil kung matatagalan pa bago nya malaman ang kalagayan ni Spencer ay baka himatayin na sya sa kaba.

"Finn? Hoy! Ba't ka tumatakbo?! Ingat nga!" saway ni Edith sa kanya ng halos bumangga sya sa information center.

"Haa~ asan... saang room si Spencer..." Aniya na habol ang hininga.

"Nasa emergency room pa s---hooy!!" tumakbo agad siya ng marinig ang kinaroroonan ni Spencer. Sobrang busy ng ospital dahil sa nangyaring aksidente and that just made her even more worried. Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa kabang nadarama. "Hoy Finn!" Sinundan naman siya nito ng takbo para sana ay pigilan siya. She shouldn't be running in her condition.


Nang makarating siya ng emergency room, (gladly ay hindi iyon malayo) ay dire-diretso siyang pumasok kahit na hindi pa tapos ang operation ayun sa red light signal. Hindi pa kasi iyon naka off kaya ibig sabihin ay on going pa.

Relief washed through her nang makita ang nagwawalang si Spencer. Well relief dahil she expected worse. Kung nagwawala ito ay ibig sabihin, he's fine. Masaya siya kahit na muntikan na siyang matamaan ng kung ano man iyon na itinapon ng asawa.

*silence...***

"Finn?" hindi makapaniwalang sabi ni Spencer.

"Hey~ what the hell are you doing Nurse Finn?! Hindi mo ba nakikita na on going pa ang operation?!" bulyaw ni Elaine. Doon niya lang nalaman na nandun pala ito, si Steven at ang dalawang nurse na sa pagkakatanda niya ay si Denver ng Radiology Dept. at Francis.

Pero parang may sariling mundo lang silang dalawa at hindi nila napansin ang ibang tao. Tinakbo niya ang distansiya nila at imbes na yakapin ito ay pinagtatampal niya ang balikat ni Spencer sa inis.

"Hey...hey easy there. May sugat ako sa braso..." natatawa pa ito kaya mas lalo siyang nainis.

"Kaya nga sa kabilang braso kita pinatatamaan diba?! ANO BA'NG PROBLEMA MO?! BAKIT HINDI KA MANLANG TUMAWAG GAG* KA?! PAPATAYIN MO PA YATA KAMI SA PAG AALALA EH!!!"

"Aba't! Hoy Nurse Finn, napaka tonta mo talaga. How could you do that to---"

"Anymore word from you and I'll shut your mouth with my hands." banta ni Spencer.

Kanina pa siya naiinis rito, he's been asking for his phone para matawagan ang asawa pero nagmamatigas itong gagamutin daw muna siya. He was furious kaya nag ran-amok siya roon throwing everything he had his hands on.

"I'm sorry okay? Calm down... sasakit yang kamay mo." he tried to hold her hands pero nanghahampas parin ito.."Geez. Feisty... I'm so---what the hell woman?! Did you come over here dressed just like that?!" doon niya lang napansin na naka pantulog na ito. At para sa kanya, Finn looks the sexiest when she's just in her Nighties kaya ganun nalang ang inis niya. Siya lang ang pwedeng maka kita sa asawa sa ganoong suot kaya he wrapped her arms around her protectively and scan the room.

Natigil siya kay Steven. "Stop looking or I'll gauge your eyes out!" banta niya rito pati sa dalawang lalakeng nurse na agad naman nagbaba ng tingin. "We're going home." nagtatagis ang mga bagang na wika nito.

"P-Pero Mr. Spencer, kailangan niyo pang magamot.." habol ni Elaine but the two didn't spare her even a glance.

"Ano ba, hindi ako makapag lakad ng ayos! Sino ba may kasalanan?! nagtatakbo ako rito nang makita ko ang balita kasi wala akong narinig mula sa'yo!! Sa tingin mo magkakaroon pa'ko ng oras magbihis?! Ni hindi ko nga namalayan na ganito ang suot ko eh!" he just shut her with 'kahit-na-dapat-nagbihis-pa-pa-din look'.. 

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon