†
[Unknown One's P.O.V.]
Place: Library | Date: Decmeber 7, 2012 | Time: 1:09am
Nandito ako ngayon sa record rooms. Tinitignan ko kung tulog pa ba sila. May gagawin akong plano. Kailangan kong pumatay.
"Hmm, so nandito ka lang pala." sabi ng kapartner ko.
"Sssshhh! Ano ka ba? Wag ka ngang maingay! Ikaw ang sisira sa mga plano ko e!" sabi ko.
"Sssshh! Wag kang sumigaw." sagot niya. Napatahimik na lang ako.
"Hmmm, siya nga pala, bakit ka nga ba nandito? Nilagay mo ba yung hologram mo? Mamaya mapansin nilang wala ka. Mapapagbintangan ka. Mahirap magmalinis sa pangalan, lalo ng kung may lamat na." sabi ko.
"Oo naman, ako pa!" sabi niya. "Wala lang, napansin ko wala ka sa library, kaya umakyat ako dito." sagot niya.
"Nilock mo ba yung pintuan? Mamaya may pumasok dito!" sabi ko. Agad kaming napatingin sa CCTV. Napansin naming may bumabangon. Hindi ko alam kung sino, malabo kasi e, nakapatay ang mga ilaw.
"Gotta move." sabi niya. Agad siyang umalis para patayin kung sino man yun.
[Christian's P.O.V.]
Bumangon ako. Nagugutom na ako. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pagkain, kaya't naisipan kong bumangon muna saglit. Chineck ko sila kung kumpleto, kumpleto naman sila. Nakakita ako ng isang bukas na pintuan habang naglilibot libot ako.
"Hmm, saan kaya to papunta?" tanong ko sa sarili. Inakyat ko at naisip kong baka makakita ako ng malalabasan namin para makatakas.
Bigla akong may narinig na mga yapak.
Nagtago ako sa mdilim na hagdan. Nakita kong may isang taong nakablack suit. Nagmamasid masid. Bigla siyang bumaba. Pagkababa niya, pinatid ko siya. Gumulong siya ng gumulong hanggang sa pinakababa ng hagdan.
"Agh!" sigaw niya, pamilyar yung boses niya.
"I-ikaw... I-kaw si!" sabi ko.
BAAAAAAAAAAAAAAANNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGG!!
[Unknown Two's P.O.V.]
Lumabas ako ng record room. Wala naman akong nakita kahit nagmasid na ako sa paligid.
Bumaba ako para mapatay ang taong iyon. Pagkababa ko, bigla akong napatid. O pinatid.
"Ah!" sigaw ko. Naalala ko, hindi ko suot ang voice converter ko. Kaya nahalata niya ang boses ko. Si Christian pala 'yon. Bigla akong nakarinig ng putok ng baril. Pagkalingon ko, nakatayo ang kapartner ko na may hawak hawak na baril. Binaril niya si Christian sa likod. Butas ang baga niyan. Deadbol. Nagkalat ang dugo sa sahig.
"Tanga." sabi niya. Tumingin siya sa akin at mukhang naiirita.
"May pasa ka na ngayon. Hindi ka talaga nag-iingat. Bobo." sabi niya.
"Oo na. Sige, matutulog na ako. Kailangan ko pang magpalit." sabi ko. Baka may nakarinig ng putok ng baril. Kailangan kong magmadali at magbihis agad.
Kailangan walang makakita sa amin. Agad na akong nagbihis sa likod ng isang bookshelf at tinanggal ko na ang hologram ko at bumalik sa pagtulog. Nagtamo ako ng pasa. Kailangan gumaling kaagad to. Bago pa may makakita.
†