E P I L O G U E

0 0 0
                                    

"Good morning ma'am, Welcome to our island." masayang bati sakin ng isa sa staff ng resort kung nasan ako ngayon. It is really a paradise. Akala ko sa picture lang maganda tong resort na to, well ganon naman kasi karamihan. But it was a breathtaking scene. The sea breeze, hmmm, nakakawala ng stress. By the way mag-isa lang akong nagpunta dito, my friend recommend me this resort, dito daw sila nagcelebrate ng anniversary ng boyfriend nya. Bakit nga ba ako nagpunta dito, well para makapag relax.

Andito palang ako ngayon sa may hall ng resort, hihintayin pa daw namin yung maghahatid samin sa room namin. Actually marami akong nakasabay papunta dito, most of them are couples. Maybe celebrating their anniversary or what. But I don't care.

Marami ring tao dito sa hall. Sa may right side is maraming stall ng mga kainan. Sa may left side tanaw na tanaw ang kulay asul na karagatan. Sa may bandang likod may malawak na parang covered court, I guess dito ang venue if may mga wedding or birthday party.

" Ma'am, ito po ang room number nyo. Pagdating po ng sasakyan natin mamaya, pakihanap nalang po ang room nyo, may telephone na po sa room if you need anything po , direct na po yun dito samin"

Room 26 ako, I hope maganda ang view don. Maganda naman na talaga ang view dito, sana nga lang hindi masyadong maingay. Marami namang mga tao dito pero hindi ganun karami, and most of them foreigner pa. Dumating na nga yung sasakyan na kanina pa naming hinihintay, it's like a mini jeep. May mga nakikita akong kalesa, pero siguro dahil marami kami kaya dito na rin kami isasakay.

Napakaganda dito, kung pwedeng dito nalang ako tumira. Malayo sa mga problema. Nakarating na kami kung nasaan mga rooms. It looks like a subdivision, hindi ganun kalaki ang mga kwarto pero sakto lang. Medyo may kalayuan din kung nasaan yung hall kanina, pero keri naman ng lakarin Lalo na pag ganito kaganda ang view.

Agad ko ng hinahanap kung saang room ako , and luckily nasa bandang dulo to, medyo malayo kung nasaan yung mga nakasabay ko kanina. Pero ito gusto ko, tahimik.

Pagpasok ko sa kwarto ko , maganda naman sa loob. Sobrang relaxing ng ambiance. Napansin ko din na double lock yung lock ng door, which is good. Nagdecide muna akong magshower kasi sobrang nanlalagkit na ko. Ang layo din ng binyahe ko. It's already 6pm , nang matapos ako maligo, inayos ko na mga gamit ko at nagpahatid nalang ako ng food dito sa kawarto ko.

*dingdong*

Narinig kong may nagdoor bell, siguro ito na yung food. Agad na akong lumabas , kunuha at binayaran ito. Actually pizza at coffee lang ang inorder ko. Bigla akong nagcrave sa pizza eh, Hawaiian is my favorite. Agad ko na ding kinain to, and humiga na ko sa bed. It was a long tiring day. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa sobrang pagod.

Nagising ako and it's already 9 in the morning. Agad na akong naligo at nag-ayos ng sarili. I'm just wearing a denim short and bra. Lumabas na ako ng kwarto and I've decided na maglakad nalang papunta sa hall at dun kumain sa mga stall na nakita ko kahapon.

Napakaganda talaga dito. Napakalamig ng hangin na humampas sa mukha ko.

hmmmm

Napakatagal din nung huli kong bakasyon na nakapagrelax ako ng ganito. I think it was 5 years ago. Sobrang focus kasi ako sa work. Hayss

Hindi ko namalayan nakarating na pala ako dito sa may hall. Coffee, tocino, and egg with rice yung breakfast ko ngayon, which is my favorite nung nag-aaral palang ako. Kahit nga ganito kainin ko noon maghapon, hindi ako nagsasawa.

Sa hindi malamang dahilan dinala ako ng mga paa ko sa likod ng hall kung nasaan ang parang covered court. And I guess may ikakasal ngayon.

Look how happy the bride is. She's so lucky.

I look at the reception, napakaganda.

Funny..It is similar sa gusto kong wedding. hahaahah

Patuloy pa rin ako sa pagtingin sa buong reception ng wedding. Hanggang dumako ang mga mata ko sa may pari.

Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na likod ng isang lalaki, na kasalukuyang nakatalikod sakin at nakikipag-usap sa isang lalaki.

Kasabay ng pagtugtog ng musika ay ang dahan-dahang paglingon ng lalaki. Tila huminto and oras ng makumpirma kong sya nga yun.

He's getting married now. He looks so happy.

At hindi ko namalayan na bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi na naalis ang paningin ko sakanya, habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Wala na akong paki sa paligid ko o kung pinagtitinginan na ako dito.

Ngayon hinihiling ko nalang na sana hindi sya ang ikakasal, pero wala eh.

Natauhan lang ako ng bigla syang napalingon sa gawi ko, nakita ko kung paano nagbago ang expression sa mukha nya.

No. Hindi pwede ito.

Agad na akong tumalikod , at mabilis na naglakad palayo habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

How dare you!!

A beach wedding...

Sunflower theme...

My favorite song...

This is the wedding we're planning 5 years ago.

It is my dream wedding.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be My SunWhere stories live. Discover now