Chapter 45 part 2

172 3 0
                                    

“Ma’am? Saan ba tayo? Hanggang gate lang po ba kita ihahatid? O hanggang loob?”  tanong ni Manong Gardo habang nagmamaneho ng sasakyan patungong school.

“Ahhh.. Manong? Hanggang loob po.”

Hindi na ako ngayon  nahihiya o natatakot.. Hindi na ako ang dating Rishiel.. Hindi na ako ang dating Rishiel na laging tinutukso, pinaglalaruan at binubully ng mga tao sa school.

Hindi na ako ang dating Rishiel na nakasuot ng makapal na nerdy glass. At pinakuha ko na rin yung mga braces  ko sa ngipin.

“Ma’am. Andito na po tayo..”

“Well then Manong, see you later. Bye!”

Lumabas na ako ng kotse at nagsimula ng maglakad sa hallway.

Habang naglalakad ako sa hallway ng school ay ramdam na ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid ko.. Bawat pag hakbang ko ay may naririnig akong mga bulung-bulongan..

“OH MY? Si Rishiel na ba yan?”

“Oo nga? Si Rishiel na ba yan?”

“Gravih? Isang araw lang siya nawala.. Nag iba na kaagad ang itsura nya.”

“Alam nyu friend? Gumanda siya? Halos di ko nga siya makilala e.”

Naririnig ko ang mga bulung-bulongan nila.. Lahat pinupuri ako. Hindi sila makapaniwala sa itsura ko ngayon..

LAKAD…

LAKAD…

LAKAD…

Lakad ako ng lakad hanggang sa…

“BOOGSH!”

Biglang may bumangga sa akin sa daan..

“OUCH? How dare you?”  narinig ko ang nakakairitang tinig ng babaeng nakabangga ko.

“Paharang-harang ka kasi. Kaya ka nababangga.” Mataray kong sabi..

“Oh my? Ikaw naba yan Rishiel? Ang laki ng  binago mo ha?Magkano ang retoke?” Nakakairita talaga ang babaeng to.

“Wow? Patricia? Kapag gumanda ba ? Retoke na kaagad? Di ba pwedeng NATURAL muna? Hahaha. Ikaw ba?Patricia? Magkano magparetoke ng mukha hanggang paa? Haha. Kahit papaano gumanda ka ng konti. Maiwan na nga kita dyan. Babush.” Oh diba? Ang taray ko?

Iniwan ko siyang napahiya sa gitna ng hallway na pinagtitinginan at pinagtatawanan  ng lahat.

Binilisan ko ang paglakad hanggang sa matuntun ko na yung room namin.

Pagkadating ko ng room ay sobra silang nagulat ng Makita ako.. Halos malaglag ang mga panga nila ng Makita ako.

“Rish? Rish? I can’t believe it? Ikaw naba yan?”

“Halos di ka naming makilala ah?”Gulat na gulat na tanong sa akin nina Iris at Angel ng makapasok na ako ng room.

“Haha, oo naman. Ako pa rin naman to eh.. Teka? Asan si Alex?”

“Ah? Si Alex? Wag mo nang hanapin yun.. tumakbo yun kanina palabas ng room dahil pinapanood sa amin yung film na ginawa namin nung weekends. Nahiya lang yun sa ginawa nya. Kaya tumakbo palabas. Pero don’t worry kasama nya naman ang prince charming nya.” Film? AWWW? Nakalimutan ko? May film making pala kami.

“Aw? Sorry Angel at Iris.. Hindi ako nakasali sa film making. Sorry talaga ha?”

“Haha. Ano kaba? Ok lang nuh? Kaibigan ka naman namin e..” Nakatawang sabi ni Angel.

“Uhmm? Rish? Bakit nga pala hindi dumating nung Saturday? May nangyari ba?” Tanong sa akin ni Iris.

“Haayyy.. Mahabang storya Iris..  Basta nagdalamhati ako nung week ends.”

“Nagdalamhati? Bakit? Anong nangyari?” Takang tanong naman ni Angel.

“Namatayan kasi ako ng mahal sa buhay..” Nakayuko kong sabi na parang mamumuo na yung mga luha sa mga mata ko.

“Namatayan ka? Naku naman Rishiel? Sino ang namatay? Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?” Saad ni Iris.

“Hindi nyu naman siya kilala e.”

“Kahit na.. Gusto ka naming damayan sa lahat ng mga problema mo. Remember? We’re friends you know?” saad naman ni Angel.

“ So? Sino nga ba ang namatay?” tanong ni Iris.

“Mahabang storya Iris.”

“Haixt.. Sige na ikwento mo na sa amin. Vacant naman natin ngayon e. Sige na ikwento mo na. Makikinig kami.” Saad naman ni Angel.

“Haixt. Sige na nga ikwekwento ko na. Ang kulit nyu e.”

Nagsimula na akong magkwento tungkol sa mga napanaginipan ko.  Ikwenento ko sa kanila kung pano ko nakilala at at kung pano ko natutunang mahalin si Nicu…

Bawat pagkwento ko sa kanila ay hindi ko maiwasang mapaiyak..

Sobrang sakit ng mga nangyari..

Sana mabigyan ako ng pagkakataon na makitang muli si Nicu.,.

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon