Kabanata 4. Magandang Balita

191 16 35
                                    

"Doc!"

"Doc Joe!" Hiyaw ni Joshua sa isang lalakeng nasa mid 30's. Matangkad. Matipuno at tila mukhang gwapings. Napakadisenteng tignan sa naka tuck-in nyang long sleeves polo shirt.

"Josh! O? How are you?" Malumanay namang sagot nito sa binata.

"Eh, doc. I need your help." Nagmamadali syang lumapit dito. Kahit nahihiya ay kinapalan na nya ang kanyang mukha. Naniniwala kasi syang matutulungan sya nito.

"Regarding? Is this about your research?"Napakunot ang noo nya't napabuntong hininga. Para bang nabasa na ng doktor ang iniisip ni Josh.

"Yes doc. Kailangan ko sana ng financer sa excursion ko."Pagsusumamo ng binata sa kausap.

"Bakit hindi ka manghingi kay Mr. G? He's the research director. He's in charge of everything." Nagpatuloy na sa paglalakad ang doktor. Sige lang naman sa pagsunod ang kausap.

"Yun na nga po dok eh. Mainit ata dugo sakin."Ilang na sagot ni Joshua.

Napatigil na lamang sa paglalakad si Doc Joe. Para bang may nasabing hindi kaaya-aya ang binata.

"Let's talk about this inside my research room."
Bigla na lamang syang hinaltak ng doktor at yinayang pumasok sa kanyang kwarto.

Ang kwarto'y walang kalaman laman, naglalaman ng dalawang panel ng white board, isang long table at iilang monobloc chairs. Akala mo ba'y isang meeting room.

Humila si Doc Joe ng isang silya at pinaupo din ang binata.

"Anong napag-usap nyo ni Mr. G? Paano mo nasabing mainit ang dugo sayo?" Tila ba napaka-interesado nito sa mga detalyeng ibubunyag ni Joshua.

Kaya't hindi na din sya nagdalawang isip sumagot ang binata sa katanungan ng kausap dahil parang mentor nya na din ito.

"Manghingi po sana ako ng funds para sa excursion ko. Kaso hindi nya daw po ako mapagbigyan dahil gipit daw ngayon ang STARF."

"Tapos nang malaman nyang si Mr. Lapuz po ang naghire sa akin ay binigyan nya na ako ng 3 week notice."

"Kaya binigyan ko po sya ng ultimatum na ako mismo ang aalis kung wala akong maipakitang results ng research ko." Malamlam na paglalahad ng binata.

Napailing na lang si Doc Joe sa mga kinwento ng binata. Napabuntong hininga at kapansin pansin ang dismaya sa kanyang mukha.

"You know Josh? I really want to help you out. But the Stinger Corp. is falling apart."

"After Jobs went AWOL, sunod sunod nang kamalasan ang nangyari. We lost control over STARF, Mr. Guinto is reinstated and since his return he got this grudge with everyone related to them. "

"Wala na din akong contact sa subordinates nya, I haven't talked to them in ages. And I think they got a falling out too."

Matapos nang makabagbag damdaming paliwanag ni Dr. Joe ay tumayo sya sa kanyang kinauupuan at tinapik na lamang sa balikat ang binata.

"I really wanted to help you but there's nothing I can do Josh. I think this time you're gonna be on your own."

Hindi nya alam kung paano sya kikibo. Marahan na lamang syang tumango at lumabas ng kwarto.

"Badtrip talaga. Lagi na lang ganito. Sa araw araw na lang na ginawa ng dyos." Nagmamadali syang dumiretso sa kanyang research room para makapagmuni muni.

"Wala naman akong balat sa puwet. Hindi naman ako mapamahiin, pero lagi na lang! Lagi na lang akong minamalas! Ano bang problema ko sa inyo?!" Pag-aasik nya sa sarili. Dinuduro duro ang langit na akala mo ba'y hinahamon sa suntukan ang mga anghel.

Hindi maganda ang timpla ni Joshua ngayon. Nagngingitngit at naglalagablab ang mga mata. Parang nilamukos ang kanyang makabusangot na mukha at halos magsiputukan na ang litid nya sa leeg.

Pero kahit ano pang bwisit nya ay mayroon isang tunog na hindi nya mapipigilan.

*Krrrrrr...*

Galit na din ang kanyang sikmura. Sa sobrang pagmamadali nya kasi ay wala na syang panahon para makapag-almusal. Kaya't kahit anong badtrip nya ay sinunod nya ang hiling ng kanyang katawan.

Lumabas sya ng kanyang kwarto at nagmamadaling linisan ang STARF, pinag-iisipang mabuti ang kakainin.

"Ano kakainin ko? Chicken? Burger? Pizza? Hmmm."

Habang naglalakad ay inilabas nya na din ang kanyang wallet para malaman ang natitira nyang budget. Laking gulat nya nang mapansing isang Manuel Roxas na lang ang natitirang laman ng kanyang pitaka.

"What?! Ang alam ko mayroon pa akong dalawang..."

At naalala nya na ang mga nangyari; sa sobrang pagmamadali ay dalawang daan ang naibayad nya sa taxi.

"Haaayyy. Dating gawi." Aniya sa sarili. Kaya't lumabas sya ng Campus at dumiretso sa kanyang go to spot kapag gipit.

Binaybay nya ang gilid ng Bagumbayan Street at tinumbok ang isang masukol na eskinita patungo sa isang karinderia na tago sa madla.

Pagdating na pagdating mo sa secret spot na ito'y malalanghap mo na agad ang halimuyak ng ginisa, gravy, hot oil at nasusunog na buhok.

Napaka-authentic ng kumpol kumpol na wooden bench at plastic chairs sa paligid. Pagtingala mo sa bungad nito ay kitang kita agad ang dambuhalang karatula ng establishment: Tita Swards Iteri and Her Salon.

Ito ay isang cult classic sa mga estudyanteng gipit. Ito ay isang on the budget sanctuary. Sila ay infamously open 25 hours a day at libreng libre tumambay dito; siguraduhin lang na handa kang makipagchikahan sa mga kafederacion ng business owner.

Mura lahat ng pagkain at services dito. Sa sobrang mura nga ay mapapamura ka. Nag ooffer sila ng unsanitary facial gamit ang mahahabang kuko, mabantot na hot oil na parang ginamit ang pinagprituhan at hulugan na gupit.

Staple dito ang Trenta Peso Super Meals ni Tita Swardz. Ito'y binubuo ng dalawang takal ng NFA rice, naglalawa na serving ng gravy at your choice of meat. Pwede kang pumili sa kanilang wide array of the finest cuts ng foot long, fried egg or fried siomai.

At hindi pa man nakakalapit si Joshua sa may counter ay humihiyaw na ang mudra ng lahat:

"Baby! Long time no see ah?!" Galak syang binati ni Tita Swarz. Isang matangkad na lalakeng balingkinitan ang katawan. Namumutok din ang mala-espasol nyang make up sa mukha, halatang halata ang pagkakaiba ng kulay nito sa kanyang leeg pababa.

"Tita! Kamusta na? Medyo busy sa trabaho eh." Nakipag-apir naman ito at sinuklian ng ngiti ang kausap.

"Hmm. Ganyan ka eh. Big time ka lang di ka na pumapasyal dito." Patampo effect ng baklita. Akala nya naman ay lalambingin sya ni Josh.

At bago pa man makasagot ang binata ay nagring ang kanyang cellphone, tumatawag ang isang taong maghahatid sa kanya ng magandang balita.

Maskara ni KaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon