After 7 years sa wakas na kabalik na rin sa pilipinas. Matagal ko ng hinintay ito, bored na bored na ako sa New York.
Kumaway agad ako ng makita ko si Cristy. My best friend. Agad ko syang niyakap ng makalapit. "I missed you girl!" Naiiyak na bulong nya.
Natawa ako. "Mmm. Ako din." Simpleng Sagot ko dahil medyo nahihiya ako sa kanya.
Naalala ko kase nung huli kaming nagkita. Nag away kami.
"Kamusta sa New Zealand girl?" Tanong nya at kinuha ang mga gamit ko. "Mmm. Okay naman, pinag aral ako ng amo ng Mama ko doon. Mabait din ang mga anak nun, nakasundo ko kahit papaano."Sagot ko.
"Sure kang dito kana mag tra-trabaho? Makikita mo lagi ang ex bebe mo." Pangangasar nya kaya natawa ako.
"It's okay...Naka move on na din naman ako. Yung mga ginawa ko rati pinagsisihan ko na iyon. Sana hindi ko na ginawa." Malumanay na Sagot ko.
Totoo iyon. Masyado pa kase akong isip bata, hindi ko pinag iisipan yung mga ginawa ko. Immature ang tawag ata doon.
"Bakit ka kase nag pahalik sa ibang lalaki? At mas worst pa nakita pa mismo ng Nanay ni Ex bebe mo."Hindi ako nakasagot at simpleng ngisi lang ang ginawa ko.
Maraming nangyare nung time na iyon. Pero bakit yung mali ko lang ang naalala nila?
Bakit nakatatak pa rin sa kanila ang mali ko hanggang ngayon eh hindi rin naman ako ang may kasalanan lang.
ISANG LINGGO na akong nasa pilipinas at walang ibang ginawa kung hindi mag design ng bahay at nag babakasakaling may bibili lol.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang messenge ni Tim.
From: Tim
Balita ko nasa pilipinas ka na raw, bat hindi mo man lang kami niyayang uminom. Ano na? Sama ka ba sa inoman sa sabado? Reunion ng section natin.Kahit ayaw kong sumama ay napilitan ako, papagalitan lang kase ako ni Cristy. Alam mo naman yun.
To: Tim
Sige sama ako.Tanging suot ko lang ay casual black sling dress, and black high heels. Inilugay ko na din ang curly na buhok ko. Make up and then boom. Ready to party.
10pm na ng makarating ako sa bar na sinasabi nila, umakyat ako sa second floor dahil nandon daw sila. Kumaway si Tim ng makita ako kaya nakangiting lumakad ako papalapit.
Pero agad nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang kasama nila. Mahigit 20 kami dito ngayon, ang iba ay hindi nakaponta.
Hindi sya nakatingin sa akin bagkus ay nasa inumin lang ang tingin nya, among ginagawa nya dito? Hindi ko naman sya kaklase, ah?
Pinakiramdaman ko kung anong nararamdaman ko ng makita ko sya ngunit wala ng iba kung hindi pag kamuhi na lang.
Ngunit alam kong mawawala na rin naman ito dahil masyado ng matagal iyon, kailangan ko ng tuluyang kalimutan lahat.
Biglang may yumakap sa akin na babae. "Nice to see you again, Leeina. Do you remember me? I'm Lou. Class president ng section natin noon." Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin.
Ahh, I remember her now. Sya yung laging umiirap sa akin kapag nag tama ang paningin namin.
"By the way this is my boyfriend, Isaac." Pag papakilala nya sa katabi nya. Tumingin ako sa katabi nya ng seryoso saka inabot ang kamay ko. "Nice to see you, Engineer Heimz." Bati ko.
Tinanggap nya naman iyon at walang emosyong tumingin din sa akin. "Nice to see you too, Architect Lewis." Binigyan ko sya ng Isang tipid na ngiti.
Umupo ako sa tabi ni Cristy na may pag aalalang tingin sa akin. Hindi ko gusto ang mga tingin na binibigay nila sa akin lahat dito.
Na para bang kawawa ako dahil nakahanap na ng bago si Isaac kahit wala naman na sa akin iyon.
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...