You

143 10 0
                                    


"Tell me. What explanation do you have? Huh? Now that my life is going well bigla bigla ka na lang babalik? Ano ba ito para sa iyo? Laro?"


Napapikit ako sa kaniyang sinabi. Lahat ng sakit na sinubukuan kong itago at ikubli ay unti-unting pumapasok sa aking sistema. Tinignan ko ulit ang kaniyang matang punong puno ng galit at sakit. Iyong mga matang bughaw na parang kulay ng langit. Iyong mga matang sa akin lang nakatingin. Damn.


"What? No. Syempre hindi. Mahal kita! Alam mo yan!"


Kahit na hindi ko na kayang makapagsalita ay sinubukan ko pa rin. Patuloy ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata. Wala na akong pake kung magkasakit man ako bukas o kahit hanggang sa mamatay na ako. Parehas lang naman eh. Walang pinagkaiba.


"Mahal? Mahal?"


Kitang kita ko ang biglang pagpupuyos niya ng galit. Para bang sasabog na siya ano mang oras. Umiling siya at tinitigan na nmana niya ako ng kaniyang nanlilisik na mga mata. Okay lang kahit galit ang nararamdaman niya sa akin. Tanggap ko. Kahit masakit tatanggapin ko.


"The last time I remember hindi iyan ang sinabi mo. Ilang taon na nga ba ha, Ellery? Sabihin mo ilang taon na? Five years. Five fcking years and now you're telling me you love me. Fck!"


Napaatras ako sa bigla niyang pagsigaw. Pumikit na naman ako at tumulo na naman ang mga luha sa aking mga mata. Limang taon na rin pala. Hindi ko naman namalayan na ganoon katagal na pala matapos mangyari ang lahat. Wala akong choice. Iyon ang pinaniniwalaan ko noon. Pero pagkatapos ng lahat ay hindi ko na alam kung iyon pa nga ba.


Lahat tayo ay may kani-kaniyang pag-iisip at desisyon. Hindi pwedeng isisi natin ang lahat sa pagkakataon o sa panahon. Paano nga ba natin mapaglalaban ang salitang "Walang Choice". Maaring hindi sang-ayon sayo ang lahat pero hindi ibig sabihin ay wala ka nang choice. Meron at meron kang pagpipilian at nasa sa iyo na iyon kung ano ang pipiliin mo.


Sana nga ay madali lang ang buhay. Sana nga ganun lang kadali ang magmahal. Bakit ganun kung kailan mo nahanp ang taong para sa iyo ay tsaka naman nagkakaroon ng mga problema. Hindi naman nila sinabi na ganito kahirap umibig. Pero siguro nga kahit na may magsabi man sa iyo na " Huwag kang magmahal, Masasaktan ka lang". Sa tingin ko ay hindi mo pa rin maiiwasan.


Ganoon iyon . Kahit na alam mo nang masasaktan ka. Kahit na alam mo nang magkakasakitan lang kayong dalawa ay pinipilit pa rin. Sinusubukan pa rin.


"Let me explain. No. Let me make you see my side. Just please . . ."


"Stop. Wala na. Tapos na. Everything is fcking okay already. Just. Just please, Leave me alone. Just get out of my life."


Parang punyal na pauulit ulit na tumusok sa aking dibdib ang kaniyang sinabi. Wala na nga ba talaga? Hindi na nga ba niya ako mahal? No. It cant be. Nakita ko iyon sa kaniyang mata. The longingness. The care. The love.


"No. No. Is this really what you want? To end it just like that? Ano? Mahal mo na siya? Ganoon na lang? Mahal mo na nga talaga? Tell me"


Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Kahit na basang basa na kami sa ilalim ng ulan ay hindi pa rin nakatakas sa akin ang kaniyang alinlangan. No. Im firm about this. Alam ko. Hindi niya mahal si Lorraine. Imposible. Imposible nga ba talaga? Damn. Hindi pwede. Umatras siya ng ilang hakbang at pinilig ang kaniyang ulo.


"What is it you? Kung mahal ko man siya o hindi ay wala ka na doon. Wala na. So stop being selfish like what you are. Stop being so selfish."


Alam kong kasalanan ko ang lahat. Alam ko naman na ako ang may kagagawan nitong lahat. Pero kahit ganoon umasa akong kahit papaano ay pagbalik ko ay maayos namin ito. Oo, mali ang ginawa ko nang iwan ko siya ng walang pasabi pero hindi ko pagsisihan ang ginawa kong desisyon. It was only for the best of all the people around us. We need time. I hold on to that promise and yet it failed.


" I get it. I know. Im selfish okay. Fine. If that's what you want."


Hinigit ko ang kaning hininga. I guess this will be a goodbye. I tried my best to keep up all those promises. Sinubukan ko naman eh. Atleast I could say to myself that I did what I want to do. Kahit papaano ay ginawa ko naman ang lahat.


Ganoon lang siguro ang buhay. Hindi porket nagawa mo na ang lahat ay makukuha mo na kung anong gusto mo. Ang mali kasi sa atin ay kapag nagawa natin ang lahat ng paghihirap ay nagkakaroon tayo ng pag-asa na mas malaki ang tsansa. Mas malaki ang pag-asa na makamit natin ang kung ano mang gustuhin natin.


Pero sa realidad ng mundong ito ay may mga bagay na sasang ayon sa gusto mo at may mga bagay na hindi. Gawin mo man ang lahat, kung hindi para sa iyo ay hindi talaga. Siguro isa ito sa mga bagay na iyon. I did love him. I still do. Siguro wala na akong mahahanap na kakaibang pagmamahal na kagaya nito. Iba ang intensidad ng nararamdaman ko sa kanya. At habang buhay ko na iyong panghahawakan.


"Good bye."


Tinitigan ko siya at sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahan na sasambitin ko. Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa kaniyang mga mata. Pero wala siyang ginawa. Nakatayo lamang siya sa harap ko ilang dipa ang layo. Nababasa sa ulan. Gustuhin ko man siyang yakapin at sabihing mahal na mahal ko siya ay tingin ko'y hindi niya naman gugustuhing marainig. Tumagal pa ang pagtitig ko sa kaniyang bughaw na mga mata at hindi rin nagtagal ay yumuko ako para kunin ang payong na nabitiwan ko.


Tumalikod na ako at pinayungan ang aking sarili. I know its nonsense but think this will atleast help me. Hindi porket nabasa ka na ng ulan ay hindi mo na kailangan ng payong. Kung alam mong mas lalo kang mababasa ay hindi masamang gumamit ng payong para hindi na madagdagan pa. Siguro ganoon ang ginawa niya. Hindi na niya ako kayang mahalin dahil labis ko nang nasaktan ang puso niya. Taggap ko. Tataggapin ko.


Humakbang na ako papalayo sa kaniya. Sa ilalim ng madilim na ulap ay ang pagmamahal kong hindi na kailaman masusuklian. Habang unti-unting tumitigil ang ulan ay siya namang pagtulo ng kanina pang nagbaabdyang luha sa aking mga mata.


End Up Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon