Gayuma

1.9K 70 30
                                    

Hi. Hahahaha! Ako'y adik lamang sa kanta ni Abra na Gayuma kahit hindi ko sya masaulo. Hahaha.

-

"Si Eliiiii!!!" Sigaw nung isa kong kaklase.

Napalingon ako. Muntik nang malaglag yung pagkalaki-laki kong salamin. Ayan na naman ang aking gwapong-gwapong boyfriend. Si Eli.

"Kate. Lunch."

'Shetttt!!! Ang gwapo talaga ni Eli :"""> Ang gwapo gwapo talaga nya. As in, sobrang perfect nya. Grabe. Magaling mag-gitara, matalino sa Math, astig sa English, lahat-lahat na!

Kilala din sya sa buong highschool department bilang hearthrob! 

And I'm proud to say na ako ang girlfriend nya! Ako, si Kate Mendoza, ang tinaguriang nerd at baduy ng school, ang girlfriend ng pinakagwapong lalaki sa balat ng - sa balat ng school namin. Okay.

Hahahaha. Hindi sya yung sobrang sweet na boyfriend, basta, ayun, tama lang. Actually, sakin lang talaga sya halos nakikipag-usap. Kasi nga cool sya di ba? E di tahimik.

"Kate, lunch mo."

Inulit nya pa kaya nagising na ako sa realidad. Back to reality na kalapit ko sya at sabay kaming naglulunch ngayon. And take note, pinagdala nya ako ng lunch today!

"Uh, thanks."

Tumango lang sya at sinimulang kainin ang nasa lunchbox nya. Ako, hindi makakain kasi nakatitig lang ako sa kanya.

"Say aaah."

"Ah - ha?"

Nagulat ako nung sinubuan nya ako. >////< 

Ang daming nakatingin sa banda dito. Daming naiinggit samin sa tabi ng mesa namin. Siguro, kung maganda lang ako, puro "Ang sweet naman nila!" or "Yiieee, kainggit." ang naririnig ko sa paligid.

Kaso hindi eh. 

May nagpatugtog pa ng ng Gayuma ni Abra. At sinabayan pa ng rap ng kaklase kong bulol naman kaya parang nagmumura lang.

Siguro kung maganda lang ako... hindi kami tutudyain ngayon ni Eli.

Hindi pagdududahan ang relasyon naming dalawa ni Eli.

Hindi kami pagtitinginan ng masama kapag magkasama...

Siguro kung maganda lang ako...

hindi ko na sya kailangan pang gamitan ng gayuma.

"Sigurado ka dito friend?" tanong ni Krishia, ang aking oh-so-loyal na bestfriend na handa akong ipagtanggol sa kahit saan.

GayumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon